Chapter 1: Cubicle

19 0 0
                                    

Bella's POV

"Isang estudyante mula sa De Dios College ang natagpuang patay sa loob ng cubicle sa girls comfort room 3rd floor ng highschool building. Hindi maipaliwanag ang nasabing pagkamatay nito. Puro kalmot ang katawan, dilat at pulang- pula ang mga mata, wakwak ang tiyan habang nawawala ang lahat ng mga lamang loob, at pinakahuli ay ang nakasulat sa pader ng banyo na mula mismo sa dugo ng biktima na 'Gusto ko pa'. Hanggang ngayon ay iniimbistigahan pa rin ang nangyaring krimen at Kung tao pa nga ba ang may gawa nito"

"P-please turn off the TV. P-pleass keisha! Patayin mo Yung TV! Patayin mo!!!!"

"Bella ano ba? Ang arte mo naman parang balita lang yon natatakot Ka na dyan. Baka nga psycho lang na pagalgala sa labas ng school may gawa non. Masyado Kang matatakutin."

Hindi ko na pinili pang sagutin si Keisha. She's my room mate. Bakit Kasi ang hirap i-explain na meron akong gantong phobia na di ko na matandaan kung paano ko nakuha.

"Bella! Help me! Help me!"

Natigil ako sa pagiyak ng biglang magpatay sindi ang ilaw at sumigaw si Keisha mula sa banyo. Nanginginig akong naglalakad, natatakot na ko pero kelangan ako ng roommate ko.

"Kei? Nasaan ka"

Kinapa ko ang switch sa banyo pero biglang may humawak sa kamay ko. Ang lamig ng kamay hanggang sa may maramdaman akong dila na dumampi sa aking leeg.

"Keisha! Keisha!" Naiiyak kong sigaw. Parang nanigas ang katawan ko. Takot na takot na ko. Lord please help me. Nahihirapan na kong huminga.

Patuloy lang ang pag-iyak ko ng biglang may humila sa aking paa.

"Ahhhhhh bitiwan mo ko. Ayoko na. Umalis Ka please"

Biglang nawala ang nakahawak sa paanan ko. Kaya mabilis kong kinapa ang nahulog Kong salamin. Kailangan kong makaalis dito. Kailangan kong makaligtas.

Pagapang akong lumabas sa loob ng banyo Ng biglang may matatalim na kukong bumaon sa kanang paa ko. Ayokong tignan ang sinumang nasa paanan ko. Ayoko siyang makita.

Bigla akong nakaamoy ng mabangong amoy na kusang nagpabukas ng aking mga mata. Isang napakagandang babae ang nasa harap ko ngayon. Palapit Siya ng palapit sa akin ng biglang naging duguan ang kanyang mga muka. Luwa na ang kanang Mata niya. Puro dugong umaagos ang bumabahid sa maputi at makinis niyang balat. Nakauniporme siya na tulad namin. Tila humihingi siya ng tulong ng biglang isang matandang babae na nakaitim na bistida ang humatak sa buhok niya papalayo sa akin. Nanigas ako. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.

Hindi pa ako nakakabawi ng biglang bumukas ang ilaw at nakita Kong nakatayo si Keisha sa pinto na may pekeng dugo sa sentido at gulo - gulo ang buhok.

"Ang corny mong takutin. Nasa kwarto ko tapos nandito Ka sa banyo natutulog tapos nagsisisigaw. Pinaglaruan mo pa ilaw.  Akala mo matatakot mo ko sa ganon? Tsk" Saad nito sabay irap sa akin.

Nanginginig akong tumayo at pumunta sa kwarto namin. Nagpalit muna akong pang itaas saka tinuyo ang buhok ko bago umakyat ng kama. Binuhusan kase ko ni Kei ng tubig para gisingin sa banyo. Panaginip lang talaga lahat ng iyon. Epekto lang yon ng gamot na iniinom ko. Paulit- ulit Kong saad sa aking isipan na wala lamang iyon. Natatakot man pero pinilit Kong matulog. Dahil na rin sa pagod ay Mabilis akong tinablan ng antok.

__________________________________________

Maaga akong nagising pero Hindi agad ako nag-ayos para pumasok. For what? Wala naman akong close sa school. Besides last year ko na ng high school dito. Lilipat din ako sa Manila next year para sa college. 

Matindi na ang sikat ng araw pero 6:30 am pa lang. Kanina pang ala sais umalis si Kei. If I know magkikita lang sila ng boyfriend nya sa abandonadong building malapit sa college of science. Buti na lang ako single at takot sa multo. Pero yung kagabi sobrang realistic. But still, erase, erase. Maliligo pa ko.

Kinuha ko na ang uniform at tuwalya ko. Mabilis lang naman akong maligo.

Ng matapos maligo magsusuot na sana ako ng medyas ng may makitang bakat ng kuko sa kanang paa ko. Bigla akong kinilabutan at pinagpawisan ng malapot. Ang tahimik ng buong paligid. Mukang nakaalis na rin ang mga nasa katabi naming silid.

Isang lagasgas ng tubig ang bumasag sa katahimikan.

Natatakot man ay sinuot ko na ang medyas at sapatos ko. Kinuha ko na rin ang bag ko bago silipin ang banyo namin.

Dahan-dahan kong binubuksan ang pintuan ng biglang may mabilis na lumabas sa loob nito na naging sanhi ng pagkakaupo ko sa sahig.

"Meow"

Puting pusa lang pala sambit ko sa aking isipan. Tumayo na ako at Mabilis na pinatay ang bukas sa faucet sa lababo. Pero ang nagkapabog ng Mabilis sa puso ko ay ang singsong si Kei na nasa lababo. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng titig sa akin mula sa aking likuran. Parang nagtayuan lahat ng balahibo ko ng sa pagihip ng hangin at tila may yumakap sa akin mula sa likuran.

"Itatago ko ang sikreto mo. Mahal na Mahal kita Bella"

Nanginginig man ay lakad takbo akong pumunta sa sakayan ng tricycle.

"Manong sa De Dios College po"

Habol hininga kong sabi sa tricycle driver.

Wala pang sampung minuto ay narating na namin ang eskwelahan.

Nagkakagulo sa gate pa lang school.

May mga reporter pa sa harapan ng gate.

Hindi ko alam kung kanino ko magtatanong Kaya naisipan ko na lang na nakipagsiksikan para malaman ang nangyayari.

Abala ko sa pakikipagsiksikan ng biglang mahawi ang lahat ng Tao dahilan para tapon ako sa gitna ng daanan.

Let me rephrase that. Sa harapan ni Vincent Carl Guerrero. Ang President Ng student council ng high school department.

"Classes today is officially cancelled in High School and College Department as per advice by the council and admins. Please do wait for further announcement. Thank you."

Puro bulungan ang bumalot sa buong lugar habang kanya kanyang umuuwi ang bawat isa.

Pero ano muna Meron? Naguguluhan man ay lakas loob akong nagsalita at nag-tanong.

"Bakit biglang nag cancelled ng pasok?"

Natigil sa paglalakad pabalik sa loob ng building si Mr. President pero mabilis ding nakabawi at pinagpatuloy ang paglalakad.

Dahil curious ako kahit iba na ang nararamdaman ko ay sinundan ko sya. Ng malapit na Kami sa main entrance ay bigla itong huminto at lumingon sa harapan ko.

Naglakad Siya papunta sa akin. Hanggang sa mamalayan kong pader na ang nasa likod ko. He pinned me on the wall at nilaro ang mahaba Kong buhok. Bigla siyang tumungo sa aking leeg Kaya damang dama ko ang mainit na hangin na nanggagaling sa kanyang bibig.

"I will not kiss you. Hindi Kita type. Pero kung ayaw mong mangyari sa iyo ang nangyari kay Keisha Nicole San Miguel , your roommate. Better leave this place."

"A-anong nangyari kay k-keisha?"

"Flash news. Ngayon lang mga kaumagang kay init ay isang estudyante na naman ang natagpuang patay sa loob ng parehong cubicle sa De Dios College. Naka pantulog pa Ito habang luwa na ang isang Mata at naliligo sasarili nitong dugo."

-EscapistLorenzo

The Secrets of BellatrixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon