Marrying My Ex Pervert Assistant
CHAPTER 2
Chase
Aitana/Abry's POV
"SEE YOU LATER!" bumeso muna ako kila daddy at mama bago sumakay ng kotse. Pupunta kasi kami ng mall ngayon. Gusto mamasyal ng mga bata.
"Where do you want to go first?" tanong ko sa mga bata na naka upo sa backseat ng sasakyan habang binubuksan ang makina ng sasakyan.
"Jollibee!/Arcade!" sabay nilang sigaw kaya napatawa ako. Humarap si Honey kay Aeydi at sinamaan ng tingin ang kapatid.
"No! Jollibee first!" mataray na sabi ni Honey.
"Arcade!" laban naman ni Aeydi kaya bago pa magulo ang mundo ay nagsalita na ako.
"Let's eat first, kids. Okay? After that tsaka tayo mag-arcade." natatawang sabi ko dahil para talagang aso't pusa ang dalawang ito.
Dumila muna si Honey kay Aeydi na tinaasan lang sya ng kilay. Napailing na lang ako ng may biglang tumawag sa cellphone ko. Naka connect iyon sa kotse kaya madali ko itong napindot.
"Daddy!" sabay na sigaw nilang dalawa matapos makita ang caller. Dinig ko naman ang tawa ni Dominic sa linya. Oo. Si Dominic, nagtataka na siguro kayo kung paano nangyari yun eh asawa ni Dominic si Cassie.
"Kiddo's! How are you my little prince and princess?" tanong pa ni Dominic sa mga bata. Napabuntong-hininga ako.
Hindi kapatid ni Aeydi si Honey, hindi ko din sya anak dahil anak sya ni Dominic at Cassie. Kapatid ang turingan nilang dalawa kaya parang anak na din ang turing ko kay Honey. Daddy ang tawag ni Aeydi kay Dom dahil yun ang gustong nyang itawag sa kanya ng anak ko.
"We're fine, daddy! Mamasyal kami ngayon!" masaya at tila excited na sabi ni Honey sa daddy nya.
Nasa amin din si Honey dahil gusto din nitong mamasyal at para bigyan ng alone time ang parents nya, gusto ng sundan ni Dominic ang anak nya. Ewan ko sa Dominic na yun inatake ng kamanyakan.
Nangamusta lang naman si Dominic pagkatapos ay nagpaalam din at sinabing ipagluluto si Cassie. Hay patay na patay ang mokong.
"Okay kidss! We're here!" sabi ko sa kanilang dalawa habang pinapark ang kotse ko. Halos tumalon na sila makalabas lang ng kotse ko.
"Let's go, mama! Faster!" nagmamadaling sabi ni Aeydi habang hinahatak na nilang dalawa ang parehas kong kamay makapasok lang sa loob.
"Okay okay! Easy makakapasok naman tayo dyan." natatawang sabi ko sa kanila.
Desh POV
NAGMAMADALI akong bumaba ng sasakyan para maabutan ang parents ni Aitana.
"Tito! Tita!" sigaw ko para mapigilan ang akmang pagpasok nila. Napalingon sila sa akin at napangiti matapos akong makita.
"Hijo.. anong gina--"
"Ahh tito nandyan ba si Aitana?" tanong ko, kinakabahan.
"Ay nako Hijo.. kaaalis lang mamasyal sila, ang alam ko magkikita sila nila Sutton at Tabs sa arcade ng mall." sabi ni Tito.
Bwisit na Sutton na yan, hindi man lang ako sinabihan! Matatamaan talaga sakin yang epal na yan!
"Sige tito thank you!" sigaw ko habang tumatakbo papalapit sa kotse ko. May sasabihin pa sana sila ng makapasok na ako sa kotse ko.
Dali dali kong pinaandar ang kotse ko at pinaharurot papunta sa mall.
Wait for me Aitana, baby.. I'll come get you and imprisoned you in my arms.
BINABASA MO ANG
Book 2:Marrying My Ex Pervert Assistant✔️
Ficción GeneralDoes four years healing Aitana's wound would be enough to make her face the father of her son, his one and only dearest monster? Magkakaroon na ba sya ng happy ending sa pagkakataong ito? Book 2 of He's My Pervert Assistant