Gwenzelle Arellano ‘a.k.a’ Gwen
Pangalan pa lang yayamanin na. Sige, mayaman na nga, pero hindi nya pa yaman, yaman pa ng pamilya nya. Si Gwen ang panganay sa dalawang magkakapatid na Arellano. Dalawa silang magkakapatid, bunsong lalaki. Si Mr. Arellano na tatay nya ay isang Senador, habang si Mrs. Arellano naman ang CEO ng Ace Group of Hotels and Resorts. Lumaki si Gwen with a silver spoon in her mouth. Lahat ng gusto nya or sabihin nating luho nya ay binibigay ng magulang nya. Kung idedescribe ko sya, hmmm, maganda, matangkad, syempre maputi at kutis mayaman, sophisticated, spoiled brat, bitch, laman lagi ng bars at clubs, at walang boyfriend. Hahaha
Cassandra Mariano ‘a.k.a’ Sandra
Masipag at mabait na anak si Sandra. Average, yan ang status nya sa lipunan. Kung ano man ang meron sya ngayon dahil yun sa pagsisikap nya. Independent woman na sya simula nang magkatrabaho sya. Ang nanay nya nasa probinsya kasama ang dalawa nyang kapatid na nag aaral pa at syempre pinapaaral nya. Wala na syang tatay, namatay ito noong sampung taon pa lamang sya kaya todo kayod ang nanay nya mapag aral lang sya. Ngayon, Director na sya sa Sales and Marketing Department ng isang hotel. Nakatira sa isang condo malapit lang sa trabaho nya. At syempre wala ding boyfriend. Hahaha
Emerald Sebastian
A loving wife to Jacob Sebastian, and a perfect mother to Julian. Parang wala naman akong maisip na pwedeng maging problema nang babaeng ito. Hmmm. Pero meron yan, syempre ang biyenan nyang matapobre. Bumibisita na nga lang mang iinsulto pa. Hayss! What’s wrong with you Mother-in-laws? May small business si Emerald, ang ‘Coffee Break’ isang coffee shop na tinayo nya simula nang mag aral ang nag iisa nyang anak na si Julian. Wala naman kasi na syang magawa sa bahay.
Jasmine Alcantara ‘a.k.a’ Jasz
Waitress sa isang bar si Jasmine. Hindi sya nakapagtapos ng pag aaral dahil sa kahirapan. Pero nag iipon sya para makapag aral ulit. Nakatira sya sa isang maliit na apartment, nagtitiis sa electric fan lang at nagtitiis sa kapitbahay na maingay. May boyfriend sya, si Tristan, pero long distance ang relationship nila, seaman ang boyfriend nya. Ulila na sya, nang namatay sa sunog ang nanay at tatay nya, walang tumanggap na kamag anak sa kanya kaya napilitan syang lumuwas sa syudad.
Cathy Soriano
Working student si Cathy. Second year na sya sa kursong Hotel and Restaurant Management. Iskolar ng bayan sya at may part time job sa isang maliit na coffee shop. Kailangan nyang magtrabaho kase kulang naman sa kanila ang kita ng tatay nya na isang tricycle driver at ang nanay nya na minsan naglalabada. Apat silang magkakapatid, ang ate nya nasa bahay nila nakatira may dalawang anak, at yung asawa nya di mo maintindihan kung may trabaho ba o wala. Mas mahaba pa ang day off kaysa working days. Yung dalawa naman nyang kapatid, nag aaral pa sa high school.Chill guys, it was just an introduction. Just to make you feel at ease and be familiar with the main casts. So how was my introduction with the ladies? I guess okay naman. So let’s start?
BINABASA MO ANG
Woman of Worth
FanfictionIn this story, I'm going to showcase five women with different characteristics, beliefs, dreams, responsibilities and priorities but with the same goal, that is to be completely and fully happy woman of worth.