"Kain ka na rin muna."
Inabot sa akin ni Marco 'yung kutsara ng binili kong pagkain kanina. Nasa tabi ni Marco si Billy at pinabigyan ko rin ng pagkain.
Naiilang ako pero wala akong choice kung hindi pagtiyagaan 'to. Tumayo si Marco para kumuha ng tubig para sa amin. "Binilgan mo talaga ako, Elle? Sweet naman!" Assuming rin 'tong si Billy, huh!? Bumili ako para sa mga tao dito, malay ko bang pupunta rin siya!
"I don't even know na pupunta ka rito." Maikling sabi ko at pinagpatuloy ko ang pag kain ko. Napatingin naman siya sa sinabi ko at natulala ng ilang segundo sa akin. I still remember what he said earlier. Bahay namin!? Huh, kung hindi ko na lang sana alam ang pinagdaanan niya kay Athalia ay maniniwala ako na mahal pa rin niya ako. Seriously, Elle!? Bakit mo iniisip ang ganitong bagay!?
Nang matapos akong kumain ay tumayo na ulit ako. Nilagay ko ang ang kamay sa bulsa ng aking hoodie. Nag libot libot ako sa paligid. "Ang init." Gulat akong napatingin sa likuran ko nang marinig ko na naman ang boses ni Billy! Bakit ba ayaw akong tantanan ng lalaking 'to?
Tinapat niya ang payong sa akin at sinabayan niya ako sa paglalakad. "Hindi ko na kailangan 'yan." Tanggi ko pa rin kahit sabay na kaming naglalakad.
"Choosy mo, pinapayungan ka na nga ng Engineer, e." Tumawa pa siya nang sinabi niya iyon at tumingin sa malayo. "I didn't ask you to do this. Ikaw lang sunod nang sunod sa akin." Masungit na sabi ko at humiwalay ako sa kanya sa paglalakad.
Tumakbo ako ng kaunti para mapalayo ako ng bahagya sa kanya. Hinahabol niya pa rin ako! Nang maabutan niya ako ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "What the fuck are you doing!?" Galit na sabi ko sa kanya at pinasa niya sa akin ang payong na dala niya.
Pinagmasdan ko lamang siya kung anong gagawin niya. "Akin na!" Inis kong inilapit sa kanya ang kaliwang paa ko at napansin kong naalis pala sa pagkakatali ang sintas ng sapatos ko. "Hindi mo dapat ginagawa ito." Bulong ko bago siya tumayo.
"Ang isipin mo, ginawa ko iyon bilang Tito mo." Biglang kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Talaga? Nag sink in na sa kanya na Tito ko siya!? Ginagawa lang niyang biro iyon! Iniwan ko na siya at lumapit ako kay Marco. "Mukhang hindi na ako magtatagal dito." Inis na sabi ko dahil balak ko sanang umuwi ay mamaya pang hapon pero dahil nandito si Billy, aalis na ako. Ako na lang ang mag aadjust. "Engineer Mendoza!" Napatingin ako kay Marco nang tawagin niya si Billy.
"May sasakyan ka ba pabalik sa office?" Bigla akong kinabahan sa tanong ni Marco kay Billy. Alam ko namang dala ni Billy ang kotse niya kaya paniguradong hindi sasabay sa akin si Billy. Napaka layo pa naman ng office nila mula dito. "Nag commute lang ako, Engineer Viray." Sagot niya habang pinupunasan niya ang pawis niya sa noo niya. Bilis akong naglakad papalayo ngunit tinawagan ako ni Marco! "Elle, ihatid mo na si Engineer Mendoza." FUCK! Heto na nga ba ang sinasabi ko, e!
Hindi naman tumanggi itong si Billy at tila ba tuwang tuwa pa siya. "Hindi ka ba marunong magcommute pabalik sa office niyo?" Bulong ko habang papunta ako sa kotse ko.
Nauna na akong sumakay sa driver's seat. Tinitigan muna ni Billy ang kotse ko bago niya binuksan ang pintuan mula sa shotgun seat. Mabilis akong umiwas ng tingin ng makapasok na siya. Nanginginig akong hawakan ang manubela dahil for the first time, makikita akong mag drive ni Billy. "Ah, Engi-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil tumawa siya. Anong nakakatawa sa pagtawag ko ng Engineer sa kanya?
Baka magulat 'to kung tatawagin ko siyang "Doc."! "Just call me Billy, Elle." Ngayon ko lang narealize na never ko pa pala siyang tinawag sa pangalan niya. Kahit noong ka-M.U ko siya ay Love ang tawag ko. Noong nagkita kami, hindi ko naman siya tinawagan gamit ang pangalan niya. Basta lang ako nagsasalita sa kanya.
"Okay, mag seatbelt ka." Paalala ko sa kanya dahil matagal ang biyahe namin. Sinunod naman niya iyon at pinaandar ko na ang kotse ko. Halos malusaw ako sa titig niya sa akin, dahilan kung bakit feeling ko namumula ako ngayon. "Elle, pwede bang dumaan muna ako sa bahay? May kukunin lang." Shit! Noon ngang nag uusap pa kami ay hindi niya ako dinala sa bahay nila! Bakit ngayon pa!?
Pumayag na lang ako dahil nakakahiya naman sa kanya. "Sabi ni Kelly, umuwi ka kahapon sa inyo." Wow, updated pa siya sa akin as if he care! Tumango lang ako dahil wala akong ganang magsalita.
Biglang nag ring ang phone niya at napatingin ako roon. Tumatawag si Athalia, huh? Ano kayang gusto ng cheater na 'to?
"Hello?" Sabi ni Billy nang sinagot na niya ang tawag ni Athalia. Kunwari'y wala akong pakialam pero ang totoo, nakikinig ako kahit nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho. "Kaya mo na 'yan, Thali. Hindi ako pwede ngayon." Iyon ang mga salitang nagmula kay Billy bago pa niya ibaba ang phone niya. Napatingin siya sa akin nang mapansin niyang sumulyap ako sa kanya.
"Ah, si Athalia. 'Yung ex ko na sinasabi sayo. Gusto niya kasing magpatulong mag impake." Natawa ako sa dahilan nung Athalia na iyon para lang makita si Billy. Really!? Hindi ba niya kayang mag impake? Masyado namang halata na gusto niyang makita si Billy. "Ba't hindi mo siya sinamahan, gusto mo ihatid kita?" Willing naman akong ihatid siya kaso kaagad siyang tumanggi sa offer ko.
"Lakas rin ng loob mo, 'no? Handa kang ihatid ako sa ex ko." Sabi niya. Of course, wala naman akong dahilan para matakot. "She's my ex and I don't want her anymore. Besides she cheated on me. Tanga lang ako noong pinilit ko siyang balikan niya ako kahit na niloko na niya ako." Seryosong kwento niya. Napatingin ako sa kanya habang tinitignan niya ang daan.
Hindi ko alam kung anong maisasagot ko dahil for the first time, nag open up si Billy sa akin. "Ilang months kayo?" Inosenteng tanong ko na kunwari'y hindi ko pa alam. "Years, Elle, years. Dalawang taon, ang tagal 'no?" Parang may bigat ulit akong naramdaman sa puso ko.
Nasaktan akong marinig sa taong pinaka mamahal ko na niloko siya. Gusto ko siyang ipagtanggol pero wala, huli na nang malaman ko.
"Tagal nga." Sagot ko at nagfocus na lang ulit ako sa pagmamaneho ko. Hindi na ako makapag hintay na makapunta na kami sa bahay nila para ihatid ko na siya sa office niya.
"Kailan mo nalaman na niloloko ka na lang pala niya?" He looked at me and he's shocked dahil nagtanong ako sa kanya. "Date namin noon at ang tagal kong naghihintay sa pinag usapan naming lugar. Napag desisyonan ko na puntahan siya sa kanila at 'yon nakita kong may kahalikan siyang iba." Paliwanag niya at tumatawa pa ng kaunti na para bang wala na lahat sa kanya.
"Mabuti't nagkikita na kayo ulit?" Elle, masyadi kang curious! Last na 'yan, ha? "Para naman hindi ako magmukhang bitter." Oh so ayaw niyang tumanggi, huh? Eh bakit ngayon? Edi bitter siya dahil tinanggihan niya si Athalia na nagpapatulong mag impake?
"Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagloko. Hindi ko siya masyadong naidadala sa bahay dahil ikaw pa rin ang hanap ni Mama."
BINABASA MO ANG
Maybe in a Parallel Universe
Teen FictionIn life, there's a person who will come and will let you feel the best. Like what happened to Adrielle, she felt the love and happiness that she's dreaming for her whole life because she met Billy. Happiness has a boundary. You can never be always h...