CHAPTER 5: The Party
Lumipas ang isang linggo at hindi na kami muling nagkaroon ng meeting para sa presentation. Nang tanungin ko naman si Robert—na Mark pala ang gustong gamitin na pangalan, tapos na raw ang lahat at hinihintay na lang ang araw ng presentation.
Hindi kami kinakausap ni Mikhail sa classroom at hindi na rin siya nag-message sa group chat. Umakto siya na parang hindi namin siya nakasama ng ilang araw. Maging si Carla ay nag-aalala. Ako pa nga ang sinisi niya dahil sa nangyaring sagutan namin.
Akala ko pa naman kahit mayabang siya ay papansinin niya pa rin kami kahit papaano.. Gano'n siguro talaga kapag grade conscious?
Ngayong sabado, dahil holiday ay wala ulit training. Pinagalitan lang ako ng kaunti ni coach no'ng nagkita kami. Medyo sineryoso ko na rin yung drills namin sa training kaya goods ako kay kalbo this week.
Tumunog ang cellphone ko at lumabas sa screen ang pangalan ni Sid.
Sidjin the mamangan: Punta ako pre, ikaw?
Libero ng bohai mo: Oo naman, miss ko na malasing gago
Sidjin the mamangan: Ge, sabay na tayo. Ligo na ako, sabunin mon ang maigi singit mo ah
Libero ng bohai mo: Bugok
Mabilis akong naligo at nagbihis. Medyo maingat ako sa pamimili ng damit na susuotin dahil house party yung pupuntahan namin at hindi ko kilala kung sino yung magho-host. Basta na lang kami inaaya ni Jake, yung Captain ng team. Sumama naman kami dahil bukod sa libre ay maraming chicks!
"Porma mo 'tol ah?" Bati ko kay Sid nang makita ko siyang nakatayo sa kanto. Lumingon siya sa'kin at nakipag-apir.
"Ang tagal naman ni Cap," reklamo niya. Susunduin kami para sabay na pumunta sa party, tutal siya naman ang nag-invite sa'min kaya kargo niya kami.
"Alam mo naman bago lang yung kotse no'n kaya maingat!" sabi ko. Tumunog ang phone ni Sid at mabilis na tinignan ito.
"Yari tayo 'tol." Bulong niya kaya mabilis kong tinignan ang phone niya.
Mikhail Hermano: I need your help. are you guys available right now?
Mark Inson: 'di ako pinayagan eh
Carla Jane Evangelista: I can't, may date ako today huhu
Napakamot ako sa ulo at tinignan si Sid. Maging siya ay hindi alam ang ire-reply niya.
"Ano, par? Puntahan natin?" tanong niya. Mabilis kong inagaw yung phone at lumayo sa kaniya.
"Gago, ang porma natin tapos gagawa lang tayo ng project? Ayoko nga!"
Pilit na binabawi ni Sid ang kaniyang phone mula sa kamay ko pero wala na siyang nagawa nang nakapagtipa na ako.
Sid Canlas: Kasama ko ngayon si Atom
BINABASA MO ANG
Atom's Match Point (BL)
Romance[ BL STORY ] Atom Arceo plays a vital part in their university's volleyball team. A jolly, energetic, and approachable senior high school student was put into test when he got in a group with Mikhail Hermano. Can he receive the chance ball to win hi...