Warning: May halong kabalastugan!
***
Lasing kalang
Halos mawala ako sa katinuan ng bumaba ang halik niya sa aking leeg. Mariin kong naipikit ang aking mga mata at sa malayong dahilan biglang nagbalik sa aking kaisipan ang nakaraan.
'Pokpok ka, ipalaglag mo' Isang pagak na iyak ng maalala ko ito. Hindi na ako nanlaban kay Kiro at inisip nalang na 'ganito naman ang trabaho ko dati ano pa bang bago sa ngayon?'.
Lumandas ang luha sa aking mata at pinaubaya ang sarili kay Kiro, ngunit isang malaking kagulatan ng bigla itong tumigil.
Napamulat ako at mukha agad ni Kiro ang bumungad sa aking paningin, nagtataka ito at nagagalit.
"Bakit mo ba ginagawa sa akin ito? Dahil ba wala kang maparausan ng init mo at ako naman ang ihihiga mo dito ha kiro?" Ani ko sa kanya, lumuwag ang pagkakahawak nito sa aking kamay at tsaka ko pa lamang napahid ang luha sa aking mukha.
Gumalaw ako para maialis siya sa ibabaw ko at hindi naman ako nabigo dahil tumayo rin siya pagkatapos ay naupo sa dulo ng kama.
Tumayo ako at hinagilap ang mga damit na dapat ay nasuot ko na kanina pa. Wala akong pag aalinlangan na suotin ito sa harap niya gayong nakita niya narin naman, wala ring bago.
Hinayaan kong mabasa ng luha ang aking mukha, ilang beses kong nabitawan ang damit dahil sa panginginig ng aking mga kamay.
Napabaling ang tingin ko sa kanya ng lumapit at tulungan niya ako sa pagbaba ng t-shirt niyang suot suot ko na. Lumayo ako kay Kiro pagkatapos ay sinipat ang pinto.
Pahakbang palang ako para lumabas na sa kwarto na ito ngunit naunahan na ako ng mabibilis na marsta ni Kiro sa pinto at narinig kong nailock niya na ang double lock nito.
Marahas itong bumaling saakin, hindi ko matigil ang pag luha dahil sa sobra sobrang galit na nararamdaman.
Kapag nagagalit ako hindi ko maiwasang maiyak hindi ko alam pero mukhang hindi ko ata kakayanin kapag hindi ko naiiyak ang sama ng loob ko.
"Palabasin mo ako Kiro!" Mariin kong sambit rito, humakbang siya sa akin na siyang nagpatibok na naman ng puso ko, naging mabilis ang pag dampot ko ng mga bagay na maaaring ipang laban sa kanya.
"Huwag mo akong lalapitan" banta ko sa kanya habang hawak ang medyo may kalakihang vase na nadampot ko.
Hindi siya natinag bagkus ay muli itong humakbang at ngayon ay dalawa na kaming may hawak sa babasagin.
"Palabasin mo ako kiro! Palabasin mo ako!" Pakikipagtalo ko sa kanya habang inaagaw ang babasagin.
Hindi siya natinag at nakuha pang ibaba ang babasagin sa malayong lamesa. Humarap itong may galit ang mukha.
Napakapal ng mukha niya, wala ba siyang pakiramadam, hindi kinakaya ng aking pagiisip ang isang tulad niyang mas masahol pa sa demonyo ang pag uugali.
Napaluhod ako sa sama ng loob at kaawaan sa sarili ko. Ilang beses akong nagparamdam ng karespetuhan ngunit sadyang bulag ata siya at hindi niya nakikita ang litid ng pagpapasenya ko para sa kanya ngunit ako, hinto at patuloy niyang binababoy ang aking pagkatao.
"Kiro..." Nagsituluan sa malamig na sahig ang aking maiinit na luha "... Kahit hindi mo na ipamukha saakin, kahit katiting o kakarampot lang, respetuhin mo naman ako"
Hindi ko na napigilan ang pag hagulgol sa iyak, ito ang mga salitang gusto kong sambitin sa kanya kahit noon pa man, noong bayaran pa ako at wala pa si Kira sa mundo, yun lang naman ang gusto, ang respeto.
BINABASA MO ANG
Sex Lang Ang Habol Niya
Romantik"Ikakamatay ko ang pagmamahal ko sayo" - Fatima "Napakababa mo pero bakit hindi kita maabot?" - Kiro Paano ang pag-big na tatoo kung nabuo ito sa kataksilan at kasakitan ng nakaraan? "Sex lang ang habol ko sayo Fatima" -Kiro "Kung hanggang ngayon s...