Chapter 6

4 1 0
                                    

CHAPTER 6: Lancelot Hermano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 6: Lancelot Hermano

Mula sa ikalawang palapag ay hindi na gano'n kasakit sa tainga ang ingay ng mga speakers. Halos wala nga akong makitang tao rito. Tanging kami lang. Kaming tatlo.

"Gago, anong ginagawa mo dito?" Pasigaw na tanong ko kay Mikhail na magkasalubong ang kilay na nakatingin sa'kin. Nakasuot siya ng pajama na may cow print at t-shirt na may nakasulat na "Troye Sivan." Pajama party pala 'tong party na 'to?

"I'm the one who should be asking that!"

Kumalas si Krista mula sa pagkakayakap sa'kin at mabilis na lumuhod. Gumawa siya ng kakaibang ingay, pipigilan ko sana siya pero nang makayuko ako ay nagsuka siya. Tangina, ang kalat! Pagtapos niyang maduwal ng pangalawang beses ay bumulagta siya sa sahig, sa tabi ng suka niya.

"Hoy, Krista! Kadiri ka, gumising ka jan!" Ilang ulit ko siyang niyugyog pero umungol lang siya at tinakpan ang mata niya. Pucha, muntikan niya pa madaganan yung suka niya.

"There's a mop in the bathroom over there," Tumingala ako kay Mikhail na naka-turo sa kaliwang bahagi ng kwarto. "Clean up her mess. And..." Gumalaw ang bukol sa kaniyang lalamunan at kumurap ng ilang beses. "Fix yourself, please," aniya at tumalikod sa'kin. Doon ko lang napagtanto na wala na pala akong suot na pang-itaas.

Dinampot ko ang aking polo sa may pintuan at dumiretso ako sa banyong tinuro niya. Totoo nga na may mop sa loob pero bago lumabas ay inayos ko muna ang buhok at sinuot ang polo ko.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakaluhod siya sa tabi ni Krista. "Hoy! 'Wag mong gagalawin 'yan! Mabubugbog kita, loko!" sigaw ko sa kaniya at nagmamadaling lumapit sa kanila.

Inangat niya ang tingin niya at masama ang tingin sa'kin. Siya pa galit!

"It's not like I'm interested in her."

Bumaling ulit siya sa natutulog na si Krista at pinunasan ang labi nitong may suka pa. Hindi ko na siya pinansin at nilinis ang sukang kulay oatmeal. Kahit suka niya pang mayaman pa rin.

"Lagot ako nito kay Lance! Gate crasher na nga lang," bulong ko nang matapos kong malinis ang dapat linisin.

"You feel sorry for him but not for me?" sabat ni Mikhail. Nakatayo siya sa paanan ni Krista at seryosong nakatitig dito. Manyak ba 'to?

"At bakit naman ako magso-sorry sa'yo ha?" Hindi niya ako sinagot at naglakad lang siya papalapit sa bintana. Doon ko lang napansin ang disenyo ng kwartong pinasukan namin.

Kulay puti ang malalawak nitong pader at sobrang linis at kaunti ang gamit. Ang layo ng hitsura sa masikip kong kwarto.

Sa tabi ng malaking kama ay may mga picture frame na nakapatong sa nightstand. Lumapit ako roon at nakita ang picture ni Lance na naka-akbay kay Mikhail. Gago?

May isa pa na picture frame sa tabi nito na mas malaki. Sa gitna ay naka-upong mag-asawa na mukhang nakakatakot, sa pagitan nila ang isang batang babae. Sa likuran ay si Lance at Mikhail na parehong malawak ang ngiti sa camera.

Atom's Match Point (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon