Bella's POV
Ilang araw na rin simula ng magising ako mula sa matagal Kong pagkakatulog. Pagkagising ko nakita ko ulit yung matandang babae na naka black dress tapos sabi niya Hindi pa daw tapos ang lahat. Pero hinayaan ko na lang sabi ni Tito wala Lang daw iyon.
Pagkagising ko lahat ng gawin ko laging nakasunod si Vicente. Naiinis na nga ako minsan. Muntik ng hanggang banyo kasama ko sya. Nakakainis na talaga. Buti na lang uuwi ako samin ngayon ilang linggo ko ring hindi makikita ang muka ng hanggal na yon.
"Ihahatid na kita"
"Ano ba Vicente! Hindi kita Jowa kaya tigilan mo ko."
"Bakit sino ba gusto mo? Si Kyle? Tsk"
"Oo bakit may angal ka?"
Tinapunan lamang ako nito ng matatalim na tingin bago pumasok ulit sa loob ng bahay.
Sumakay agad ako ng Mabilis sa kotse ni tito Manuel . Ang bait talaga ni Tito Manuel bakit Kaya itong anak niya parang pinaglihi sa sama ng loob.
Three hours ang biyahe pauwi sa amin Kaya natulog muna ako.
__________________________________________
"Sweetheart, wake up. Nandito na Tayo"
"Vicente inaantok pa ko" sagot ko sabay yakap dito.
"Vicente?!" Pusang galang siopao naman hanggang sa sarili kong bahay?
"Anak bakit Ka ba sumisigaw? Pinagigising lang Kita kay Vincent. Ikaw talaga di naman kita pinaglihi sa amasona. Punasan mo iyang bibig mo at may tulo laway pa ayusin mo rin yang salamin mo jusko Ka. Alagain Ka pa. Kung magkakaboyfriend ka man sana kasing haba ng pasensya nitong bata na 'to. Bakit nga ba- "
"Ma! Nagugutom na ko Tara na sa loob" buti na lang at nakalabas ako ng kotse agad at nahila itong napakadaldal kong nanay. Ang awkward na nga eksena bago sya dumating.
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ng tawagin akong sweetheart ng hangal na yon. Siguro nagugutom lang ako. Tama gutom lang ako.
Vincent's POV
She's like a tamed lion when sleeping. Pero parang liyon na di nakakain ng isang taon kapag gising. Nung una kitang makita sa opening ceremony ang dugyot mo tignan. Kaya Di ako naniwala sa sinabi ni daddy na bakuran kita kase ako lang dapat ang makatuluyan mo.
Hindi ko alam Kung saan nakuha ni daddy ang ideya na iyon hanggang isang araw nakita kitang nilalabanan yung mga mukang gorilyang bully sa school. Ang liit-liit mo pero ang tapang mo Rin. Simula ng araw na 'yon sinabi ko sa sarili ko na lagi Kita poprotektahan. Pero natigil ang pagsubaybay ko sayo ng dumating si Astrid, and pekeng Superior. But now na abot kamay na kita. Hindi ko na hahayaang mawala Ka sa paningin ko.
"Iho Tara na sa loob. Mamaya lamang ay pasko na"
Pag-aaya ng tatay mo. You have the warmest family. Ang swerte mo sakanila. I wish mayroon din akong mommy. Ang Sabi ni daddy namatay si mommy sa pangangak sa akin. But I doubt it dahil kahit isang picture niya wala akong nakikita sa mansion.
"Tita? Nandyan na po si Trix?" Bumalik ako sa realidad ng marinig kong may naghahanap sa babaeng Mahal ko. Sino 'tong hangal na lalaking Ito.
Pero bakit ko ba siya pagtutuunan ng pansin eh higit namang mas gwapo ako sakanya.
"Travis! Namiss Kita! " T*ng in* namiss mo Yang lalaki na Yan. Nanginginig ang aking kamao kaya pinili ko na lamang himasin ang aking sentido.
What mine is only mine. Hindi marunong mag-share ang mga Guerrero.
Hinapit ko Siya agad sa bewang at ngumisi. Natatawa talaga itsura neto kapag nagugulat.
"That's to much. I am possessive" saad ko sabay pout SA harap niya. Samantalang clueless pa rin Siya.
"Dala-dala mo na ang anak natin tapos sweet Ka pa rin sa ibang lalaki. That's unfair sweetheart"
"Bro pasensya magkaibigan lang talaga Kami ni Trix. Aalis na muna ko ayusin ninyo Yan. Congrats bro alagaan mo kaibigan ko" Tsk. Kahit Hindi mo sabihin aalagaan ko talaga 'to.
"What the! Vicente hanggal Ka talaga" sigaw nito matapos akong hilahin papasok ng tingin ko ay kwarto niya.
"Why? You are my sweetheart" nilevel ko ang muka niya sakanyang mga Mata at dahan-dahang naglalakad hanggang sa mapa-upo Siya sa kama.
"Sweatheart Ka diyan. Saka anong anak. First of all wala pang nangyayari sa atin"
"Then let's make one bago pa nila mapansin na nawawala Tayo" inosente Kong tugon kasabay ng paghiga ko sakanya sa kama.
I find my way throuy her lips and kiss her passionately.
Gusto ko lang asarin sya but my heart can't deny na pagkatapos ng Lahat ng kagulihan na nangyari. I miss this. I miss teasing her and especially her kisses.
Palalalim ng palalim ang halik na bigla niyang ginantihan.
D*mn! Kailangan kitang iharap sa pamilya nating dalawa na birhen.
I stop myself bago pa ko maubusan ng tino at makalimutang kumalma.
"Do not let anyone call you Trix. Para kong nauubusan ng bait. Parang awa mo na sa susunod Baka Di ko na mapigilan ang sarili ko and mark you down there"
Mabilis akong lumabas ng kanyang silid. Akala ko ay di ko na kakayanin. Pero mas mahirap Pala magpigil kesa ang mga pinapagawa sa pre-calculus namin. We are almost there f*ck! All I want is to leave traces on her neck para wala na magtangkang lumapit sakanya. Argh! Tutulong na lang ako sa pag-aayos para sa salo-salo mamaya.
Gabi na ng matapos Kami mag-ayos sa tabing dagat ang location ng celebration. Sabay- sabay nilang sasalubungin ang pasko. Maraming Tao at pagkain pero Hindi Ito ang hinahanap ng aking nga Mata Kung Hindi ang Mahal ko, si Trix.
She is wearing an off shoulder floral dress. Straight na kulot ang ibabang bahagi ng kanyang buhok na lalong nagoaganda sakanya. Wala rin ang salamin na karaniwan niyang suot. Possible bang mainlove sa parehong Tao ng paulit-ulit? Kase ako oo. I love every part of her. Walang parte niya na hindi ko gusto.
"Laway mo iho. Baka matunaw anak ko"
Nakagat ko ang pang ibaba kong labi dahil sa kahihiyan.
Maya-maya pa ay nagkaayaan ang mga kabataan na mag inuman. Wala akong planong sumali pero ng Makita Kong hilahin si Trix ay sumali na rin ako.
Hindi ko alam kung ano ang nakakainis yung mga lamok o itong katabi Kong nagpapanggap na lasing para maka yakap.
"Bakit mo niyayakap sweetheart ko? Umalis Ka nga dyan. " Nagulat ako ng Makita ang isang lasing na trix sa harapan ko.
Hinila niya ako mula sa aking pagkakaupo at dinala sa malapit sa pampang at malayo sa mga Tao.
"Ikaw! Bakit Ka ganyan. Nilagyan mo ko kiss mark. Kiniss mo ko. Tinatawag mo Kong sweetheart tapos bigla Ka magpapayakap sa ibang babae. Alam mo bang Mahal na Mahal Kita. Akala ko nagugutom lang ako kaya Mabilis tibok ng puso ko. Pero sabi ni mommy love daw yon. "
"Mahal mo ko?"
"Oo ikaw ba? Mahal mo ko? Kung oo Tayo na!" Saad nito sabay yakap sa akin.
Hinimas ko ang buhok niya at bumulong.
"I love you more than you do. Hindi ko alam Kung maaalala mo lahat ng sinabi mo ngayon bukas. Kaya to answer you. I am unofficially yours hanggang sa matandaan mong tinanong mo kong maging Tayo"
-EscapistLorenzo

BINABASA MO ANG
The Secrets of Bellatrix
HororBellatrix Mateo is a high school student that have Phasmophobia or fear of ghosts. What will happen if one day she wake up having an ability to see ghosts and be involved on Guerrero and Plazides Clan, the richest family on their province.