chapter 26

2.9K 52 1
                                    


Dun siya natulog sa bahay nila sir. Gil pagkadating doon ay nag dinner na sila. Kinakabahan siya dahil baka may mangyari nanaman sa kanila ni sir. Gil tulad nung isang gabi pero di maari kung kayat gumawa siya ng paraan dun siya natulog sa kwarto ng mommy ni sir. Gil.

Kinaumagahan ay maagang nagising si jane bumaba narin siya para mag almusal. Naabutaan niya doon ang mga maids pero wala si sir gil sabi ay maaga daw itong umalis pati narin si tita. Nakisabay nko sa pagkain kasama ang mga maids at papahatid din ako pauwi sa bahay.

Umakyat ako para mag ayos ng gamit pababa nko nang madaanan ko ang kwarto ni sir gil naisipan kong pumasok dito tutal wala naman siya. Naamoy ko nanaman ang mabangong kwarto nito may nakita akong picture ng isang babae sa tabi ng laptop nito maganda siya maputu at makinis.

Naisipan ko din itong buksan nanikip bigla ang  dibdib dahil nakita ko siyang may kahalikan na babae kamukha nung babae nasa picture na nakalagay sa desk nito. Dko napansin na may lumutulong luha na pala sa aking mga mata na siyang tumulo nman sa laptop. Pinunasan ko agad ito.

" Maam ready napo ang sasakyan " sabi nung driver napatigil ako sa pag iyak at pasimpleng pinunasan ang aking mukha nag hilamos nadin ako para hindi mahalata. Tumango nlng ako sa kanya.

Buong byahe ay wlang akong iniisip kundi yung babae sa laptop niya. Pagkadating ko sa bahay ay wala parin si mama umakyat nko sa kwarto para makapag bihis narin dahil may pasok pa.

7:20am...... Pagkalabas ko ng pinto ay laking gulat ko nang makita ko si Clint na nag aantay bat hindi siya kumatok? Tanong ko sa isip ko

"Kanina kpa dyan dapat kumatok ka man lang" tanong ko

"Hindi nman kakarating ko nga sakto lumabas ka kangad" usa nito at sabay na kami pumasok sa school.

Nawala din sa isip ko yung about sa mama niya hindi ko pa nga pala nasasabi iyon sa kanya, kailangan niyang malaman iyon dahil gustong gusto na niya makita ang mama niya. Na eexcite ako para sa kanya pag nalaman niya na nasa malapit lang ang mama at kapatid niya pala si sir gil sa ina.

Pagkadating sa school ay tulala lang si jane hindi niya magawang makinig dahil sa kakaisip don kanina pa. Buti nga at hindi siya napapansin nila kylin at rain dahil tahimik ito.

Buong discussion ay wala siyang naintindihan kahit isa man lang. Umabot na ang lunch break

"Kringgggg..... Hudyat para lunch break na.

Wala siyang ganang kumain niyaya siya nila kylin pero ayaw niya tlaga. Gusto niya mapag isa nakamasid lang siya sa bintana napayuko siya sa desk dahil hindi na niya napigilan ang sakit kusang tumulo ang mga luha nito galing sa mata.

Agad niya nman itong pinunasan para hindi makahalata sa iba.

Jane pov....

Siguro ayun nga yung ex niya sobrang sakit nang makita mo yung mahal mo na may kahalikan na iba. Bket may picture pa sya kung wala na sila,,, bket wallpaper pa niya ,,, bket?? Panakip butas lang ba ako? Dapat ako yun,,, dapat ako yung nakalagay dun,,,, dapat kami yung magkahalikan ..... Dapat kmi hindi sila.

Napahagulgol ito sa iyak habang nakayuko sa desk ibinuhos na niya lahat lahat na kanina pa niyang gustong ilabas.

😊😊😊








ANG SUPLADO KONG TEACHER(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon