Kabanata 4 - [ DILAW ]

4 1 0
                                    

Araw ng lunes. Tapos na ang Christmas at New Year Break. Abala ang lahat sa paparating na University Week. Lahat ng section ay may kanya-kanyang pakulo.

Kaming mga 12-STEM ay naatasan na magtanong sa mga estudyante para sa magaganap na Battle of The Bands.

At dahil isa ako sa officers ng SHS Department, nanghingi kami ng opinyon sa mga estudyante. Pinagpila namin sila at pinagfill-up ng form na parang may botohan na nagaganap kung sinong banda ang gusto nilang pumunta sa aming ekswelahan.

Sabi ng Dean, ginagawa talaga niya yearly ito para naman pakunswelo sa mga estudyante at para na rin maging masaya ang celebration ng foundation ng school dahil naging estudyante rin naman daw siya.

Pagkatapos, nag-tally na kami at karamihan ay may pare-parehong boto kaya naman pinasa na namin agad sa kataas-taasan ang resulta.

Munimuni.

Nice choice, peeps. Hindi ko nga pala nasabi, sobrang idol ko ang bandang munimuni. Hindi ko naman masasabing fan ako pero gustong gusto ko ang mensahe ng bawat kanta nila at kakaiba talaga ang vocals nila at the same time, makata pop is really cool.. Crush ko nga ang limang miyembro nila na pinapunganahan ni TJ, AJ, John Owen, Jolo at Josh. Kiligxxx.

Anyway, expect ko papasok ngayon si Aste pero hindi ko pa siya nakita ngayong araw. One week na rin ang nakalipas mula noong nag-usap kami ni Tangi. Oo nga pala, pagkatapos ng Christmas, hindi na rin siya dumalaw sa bahay noong New Year. Tinatanong siya ng parents ko pero ang sabi ko baka busy. Hindi ko rin kasi alam anong nangyayari.

Sakit. Natiis niya akong one week. Pero huwag tayong magpaka-immature syempre, kailangan niya talaga siguro ng time. Okay lang kahit walang update, okay lang talaga. Matured tayo, ano ba.

Kinamusta ko rin siya kina tito at tita pero hindi rin ako nireplyan. Snob family ang peg, ganon? Charot. De, kalma. Kailangan din namin 'yon, ano ba. Yung space? Diba? Bakit ba ako nageexplain? Grr.

"Kyaaaaaaaaah >//<" Nagulat naman kaming mga officer sa napasigaw. Nandito pa rin pala kami sa aming office. Tuwing January talaga, lagi kaming nagkikita ng mga officer dahil nga sa papalapit na University Week at palagi kaming excused. Uy, perks.

"Ingay naman, Vice! Ano na naman 'yan?" Suway ng President namin. Inirapan naman siya ng Vice President namin. Ship ko talaga 'tong dalawang 'to.

"Wala! Hanggang dito lang e. Nakikisali." Sagot naman ni Vice at gumuhit sa hangin ng pagitan nila.

"Ingay ingay, e. Psh." Sagot naman ni Pres. Ayan na naman po sila. Inumpisahan na naman ng lalaking 'to.

"Anong sabi mo?!?!" Boang. Eto na naman po tayo. Magaaway na naman ang aso't pusa tska ako tiningnan ng Treasurer na parang sinasabing awatin ko sila. Errrr.

"Shhh shh, tama na nga 'yan. Ano ba nangyari, Vice?" Suway ko.

"Kasi naman, bebe K!!! May nag-chat sa akin sa isang dating-app!!! Ang gwapooo. Try mo!" Bebe K talaga tawag niya sa'kin dahil ang haba raw masyado ng pangalan ko at nabubulol siya kapag binibigkas ito, kaya hinayaan ko nalang.

Natawa naman si Treasurer. Ano pa bang bago? Puro date date lang ang ganap netong si Ate P. Short for Phryne. Though malapit lang ang age namin but since mas matangkad siya sa'kin at mas matanda ng kaunti, inallow niya akong tawagin siyang gano'n. Minsan lang naman, tuwing sinisipag lang ako. Pero mostly, yung mga posisyon namin sa org ang tawagan namin.

Sa kabilang banda, ngumisi naman si President.

"Dinadamay mo pa talaga ang secretary natin ha. Z, umiwas ka na d'yan baka mabaliw ka rin." Sabi neto sa'kin. Tiningnan ko naman siya ng nakingiti at si P na nakataas ang kilay. "Alam mong may boyfriend yung tao, baliw." Kumunot naman ang kilay neto ng mabilisan.

GALIRAMWhere stories live. Discover now