Jema.
OMG. Omg. O mygad. Mygad. O.
I got the job and it's not just a freaking job, I will be the Executive Assistant slash Personal Assistant of non other than Deanna Wong aka Stranger.
Hindi pa rin ako makapaniwala pero sige, maniniwala na rin ako.
How cool is that? Kahit nga sa panaginip hindi ko ito inasam, wahh grabe. Ang lagi ko lang namang hiling noon ay makita ko sya uli, solb nako pero sobra sobra pa ang ibinigay.
Daig ko pa ang tumama sa lotto nito ah. Ano ba ang ginawa ko to deserve this? Charot.
"Natanggap ang Ate kong maganda, yehey." sabi ni Mafe pagkakita sa akin.
"Ha?" patay malisyang sagot ko.
Pano nya kaya nalaman na natanggap ako?
Obvious daw sa mga ngiti mo at may nakapinta na HIRED dyan sa mukha mo Jessica.
"Oo nga. Mukhang ayos ang butobuto natin dyan Ading ah." sabi naman ni Ate Jovi.
Aba, parang mga sira ang dalawang ito. Mukhang buong araw nakaabang sa akin. Dito lang yata sa sala naglagi at inaabangan ang pag uwi ko. Nagkalat ang mga unan sa sahig. Tas may mga baso at sitserya sa lamesa. Nanood yata ng movie maghapon.
Panay ang tawag at text nila sa akin kanina at tinatanong nga kung ano ang result ng interview ko pero hindi ko sila sinagot. I just sent them a text na yun nga, pauwi na ako. Para suspense ganern.
I checked the time, alas tres na pala. Medyo natagalan din kasi ako sa office. Nag orient pa sa akin si Valerie kung ano ang mga bagay bagay na dapat gawin ko. Pahapyaw lang naman kumbaga hindi pa ito yung formal na new hire orientation. Pero pinapirma nya na ako ng employment contract. Ang bilis di ba?
Naku para wala ka na daw kawala Jessica.
Sobrang daldal ni Valerie, ang daming kwento at mga side comments kaya mabilis na lumipas ang oras. She won't stop talking pero pabor din yun sa akin kasi may mga nalaman ako na hindi connected sa trabaho.
Actually doon na rin ako nag lunch, hahaha. Pinilit ako ni Valerie dahil wala daw syang kasamang kumain. Sino naman ako para tumanggi eh libre na yun? Bukod pa sa dapat akong makisama sa kanya. Alam nyo na, magpalakas konti. Charot uli.
"Omg. You won't believe what happened to me?" I exclaimed.
"Ano na? Pa suspense ka kasi e. Kainissss." sabi ni Ate Jovi.
Nag drama naman ako ng todo. Bigla kong pinalungkot ang mukha ko sabay salampak sa sahig habang nagtatanggal ng aking sapatos. Itinapon ko lang sa gilid ang bag ko.
Natahimik ngayon ang dalawa. Nabahiran ng lungkot ang mga mukha, halatang nadala sa acting ko. Hahaha.
"Maupo nga muna kayong dalawa. S-sorry p-pero............ I......" pabitin na sagot ko sabay takip ng mukha.
"Oh no. It's okay Ading. Hindi mo pa siguro time to shine." sabi ni ate.
"It's a prank, I was hired!!!" sigaw ko habang nakataas ang mga kamay.
Nakatunganga naman silang dalawa ngayon habang nakatingin sa akin. Oh wait, iba ang tinginan nilang dalawa. Alam ko ang ibig sabihin nyan pero huli na bago ako makatakbo.
"What???? Kainis ka talaga ateeeeee." sabi ni Mafe sabay sabunot sa akin.
Natumba ako kaya dinaganan nya ako. Pati si ate nakisama na rin. Pinagtulungan nila akong kilitiin. Mygad ang bibigat nila ha. I can't get out tuloy.
BINABASA MO ANG
STRANGER
RomanceJema Galanza is constantly dreaming about a particular individual that she already called her "STRANGER". This person has awaken her hidden emotions and sensations to the point that Jema's two sisters, Jovi and Mafe, thought she is nutty as a fruit...