Chapter 7

4 1 0
                                    

CHAPTER 7: Libero Trainee

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 7: Libero Trainee

Nag-dive ako at nasalo ang bola. Mabilis na tumalbog ito paharap at natanggap ng setter, kaya na-spike kaagad ni Sid. Naghiyawan ang team ko at nakipag-group hug. "Lakas mo mag-receive ngayon, ah?" tanong ni Kyler, yung setter.

"Ako pa ba, boss? Takot ko na lang kay coach!" sabi ko at nakipag-apir pa sa iba. Pumito si coach tinawag kami sa gitna ng court. Gaya ng dati ay sinermonan niya muna ang natalong grupo bago kami bigyan ng isang oras na break.

"Arceo."

Lumingon ako kay coach at nilapitan siya. Base sa hitsura niya mukhang hindi naman ako makatatanggap ng sermon kaya nakangiti akong lumapit sa kanya.

"Bakit, coach?"

"Napansin ko ang improvement mo sa drills," usal niya at tinapik-tapik ako sa likod. Pabulong naman akong nagpasalamat at kinamot ang ulo ko. "Kaya gusto kong tulungan mo yung libero trainee, ha?"

Parang nabingi ang mga tainga ko at natulala sa narinig. Tutulungan ko yung libero trainee? Nagbibiro ba siya?

Alam kong alam niya na kapag naalis ako sa team ay mawawala ang scholarship ko. Tumango na lang ako kay coach at walang sabing tinalikuran siya.

Maging sila Sid na tinawag ako ay hindi ko tinapunan ng tingin. Nakakainis, tanginang buhay 'to! Nag-jogging ako papunta sa isang canteen malapit sa gymnasium.

"Ate, choco drink nga po. Yung XL." Mabilis na inabot niya sa'kin ang malaking baso na naglalaman ng pinagbabawal na inumin ayon kay coach. Ang sabi niya kasi ay dapat puro tubig lang ang iniinom ng mga athlete kaya ayaw niya sa mga juice at milk drinks.

Pero dahil sa sinabi niya kanina ay iinom ako nito. Ang sarap kaya nito, pero dahil sinusunod ko si coach ay minsan ko lang ito bilhin. Inabot ko ang V-ID ko sa tindera at ini-scan sa phone niya.

Nagpasalamat ako at tumungo sa garden sa tabi ng chapel, presko at mahangin. Isang oras naman ang break at baka stretching na lang din ang gagawin kaya ayos lang kung ma-late ako. Iilan sa mga upuan na nasa garden ay okyupado ng ilang estudyante na nagbabasa, nagsusulat, o nakikipag-kwentuhan. Wala masyadong tumatambay dito dahil medyo malayo ito sa mga buildings.

Nakapukaw ng pansin ko ang lalaking naka-upo sa dulo ng hardin. Si Mikhail. Diretso siyang nakasandal sa upuan habang nakapatong ang ilang papel sa lamesa.

Lumapit ako sa pwesto niya at nakitang naka-suot siya ng earphones at nakapikit. Natutulog ba siya? Kumuha ako ng bakanteng upuan at inilagay ito sa harapan niya. Habang nakapikit ay tila bumubulong ito ng ilang salita.

Gago? Hindi naman kaya may kinukulam 'to?

Nagtama ang paningin namin nang buksan niya ang kaniyang mga mata. Nagsalubong ang kilay niya at inalis ang earphones sa kaniyang tainga. "Anong ginagawa mo dito?"Mabuti naman at mukhang wala siyang balak awayin ako.

Atom's Match Point (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon