ARES
Blanko ang aking mukha habang nakatitig sa kawalan. It has been 2 weeks since Zage texted me. He said, he will reach me out noong nakaraang linggo. Pero ni anino niya, hindi manlang nagpakita. Ni 'hi' o 'hello', wala manlang akong natanggap.
Itinuon ko ang aking pansin sa mga estudyanteng masayang nagku-kwentuhan. Ang iba naman ay nag-aaral. Mayroon ding mga players ng soccer team na naka-upo sa benches, habang kinakausap ng coach nila.
Hindi ko inalis ang aking tingin sa grupo na iyon, seryosong-seryoso sila habang nakikinig sa kanilang coach.
"Eris?! Hoy!"
Muntik na akong mapamura nang bigla akong tapikin ni Daniella sa balikat. Inis ko itong binalingan.
"Beh? Kanina ka pa namin kinakausap! Tulala ka na naman!"
Napabuntong-hininga nalang ako bago sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri.
"May iniisip lang, ano pala ang pinag-uusapan?"
Inis naman akong tinitigan ni Janelle.
"Ubos na ang laway ko—" Hindi na nito natapos ang kaniyang sasabihin ng bigla itong pumiyok.
Napahalakhak si Stephanie at Daniella sa tinuran ni Janelle. Maski ako ay napahalakhak na rin. Tumatawa pa rin ako nang mapansin kong tumigil silang tatlo, nakatitig sila sa akin ngayon at nakangiti.
"Oh? Anong meron?"
Taka kong tanong, nakaka-intimidate naman kasi ang tingin nila.
"Sauce! Kelangan ko lang pala pumiyok para tumawa ka? If that's the case, ipagdarasal ko araw-araw na pumiyok ako."
Napatawa ulit ako bago umupo ng maayos.
"Pero seryoso nga kasi, nag-uusap kami kanina dito kung sasama ka ba sa bakasyon natin. Uhm, gala tayo this coming summer. Isang buwan nalang oh, finals na."
Napangiwi naman ako sa narinig.
"Hindi ako pwede—"
"Kasi maghahanap ako ng summer job."
Pagtutuloy ni Stephanie sa aking sasabihin.
"Totoo nga. Kailangan ko maghanap ng summer job, hindi naman kasi pwedeng iasa ko nalang lahat kay Tito Leon ang mga gastusin sa school."
"Three days lang naman yon Eris, huwag kang mag-alala. Sama-sama tayong apat maghanap ng summer job."
"Pero hindi ba? Wala naman kayong problema sa financial, kaya ko naman mag-isa."
Nakatikim ako ng kurot mula sa kanilang tatlo. Sinamaan ko sila ng tingin habang hinihimas ang parte kung saan nila ako kinurot.
"Bonak ka ba? Hindi pa rin naman hahayaan na mag-trabaho ka mag-isa no. Like hello? Magkaibigan tayo dito."
"I agree. Tsaka wala din kaming gagawin during this summer, tamang tunganga lang."
"Kaya ano na? Sama ka na nga Eris. Sagot namin ang gastusin mo!"
I nodded— as a sign of defeat. Agad silang nag-apir at tumawa. Hindi talaga sila titigil hangga't hindi nila ako maisasama. Perks of having a kind of strong and real frienship.
Nang ibalik ko ang aking tingin sa kinaroroonan ng mga players ay tapos na yata ang meeting ng mga ito. Kaniya-kaniya silang nag-ayos ng kanilang mga gamit, ang iba naman ay nag-uusap.
Nakapalumbaba ako habang ang siko ko naman ay nakatukod sa mesa. Nakatitig pa rin ako sa grupo ng mga football team, ewan ko masarap kasi sa mata ang kulay ng kanilang uniporme. It was a white one, with maroon linings. Ang pangalang ng team na 'Northern Knights' ay naka-engrave sa print, kulay maroon ang kulay nito.
BINABASA MO ANG
Engineer Series : Engineer Zage Castillejo
Разное"Andyan ako! Andyan ako noong walang-wala ka Zage! Andyan naman ako palagi... Pero b-bakit? Bakit n-nagawa mo akong i-ipagpalit? Nakarinig ako ng bulong-bulungan sa loob ng restaurant. Habang siya naman ay nakatingin lang sa akin, blanko ang mga mat...