Chapter 22

63 23 0
                                    

Therra P.O.V.

Andami niyang sinasabi magpapaalam na nga lang andami pang arte

" Dime" Malakas na sigaw ni yeri habang kumakaway pa kaya mabilis akong pumarada doon

" Nasan ang bat ko!?" Malakas na sigaw ko tsaka niya mabilis na inabot yun saakin at sumakay sa sasakyan ko

" O! Kumusta si ----"

" Tss manahimik ka nga" Inis na singhal ko habang pinapaandar ng mabilis ang sasakyan ko ng makarating sa ware house ay naririnig ko na ang mga sigawan sa loob

" Naiinis talaga ako sa mga taong sumisira sa pag usad ng love life ko" Inis na singhal ko habang nakakunot at saka ipinatong ang baseball bat sa balikat ko

" Hahhaha Baliw " Natatawang pahayag ni yeri saka ko inabot ang susi sa kanya

" Hintayin mo kami dyan " Saad ko

" Hindi ba ako pwedeng--"

" Hindi pwede gabi na " Singhal ko kaya nagpaubaya na siya mabilis naman akong pumasok sa loob

" O Asan na ang nagma- magaling na girlfriend mo!?" Sigaw nang mga gansgster student sa kanya

' sino naman ang mga panget nato?' Inis na singhal ko

" Woi" Mahinahong pangaangaw ko ng pansin sa kanila kaya napatingin naman sila

" Saanong paraan niyo gustong magusap? " Nakangising tanung ko sabay lapit sa kanila

" Eto ba ang pinagmamalaki mong girlfriend mo? E babae to!" Natatawang singhal nila

' Tss e ano naman kung babae ako kaya ko namang basagin yang bayag niyo kingina '

' Kaya nga girlfriend kasi babae di ba?'

" Tss Andami niyong pauso" Nakangising saad ko saka ko sila binalingan

" Lets get it on" Nakangising sambit ko saka mabilis na tumakbo at maingay na hinatak ang baseball bat habang nakaladlad sa flooring ng building

Napaabante naman sila at Isa isang tumakbo para sumugod saakin pero bago pa naman sila lumapit ay natatawa akong huminto at nagsenyas sa kanila

" Ah Paalala lang saktan niyo ko sa katawan wag sa mukha " Natatawang paalala ko sa kanila

" Ha! Ang kapal naman ng ampog mong babae ka!"

" Tss mas makapal na nga sayo E" Nangaasar na sambit ko saka siya sinenyasan na sumugod na

Nang lumapit ang tatlo ay mabilis kong hinatak ang buhok nito at tinadyakan ang isa ng maramdaman kong may pasugod salikod ko ay mabilis akong umikot at saka hinampas ang baseball bat kaya napahiga ito

" Weak" Asar na sumbat ko saka hinarap saakin ang lalaking hawak ko ang buhok

" tss napakapanget mo " At saka ko siya tinadyakan kaya tumilapon ito kaso kamalas malasan nga lang dahil nasuntok ako sa labi daplis nga lang naman kaso nasugat e

" Ang sabi ko sa katawan wag sa mukha bingi ka ba!?" Mabilis na sigaw pero nasapak niya ulit ako kaya napaatras ako malakas pa silang tumawa at naginit naman ang ulo ko mas mabilis naman akong humarap at saka sumugod sa kanila

" Ahhh " Malakas na daing ng walo na nahampas ng bat ko napakamot naman ako sa noo habang nakahawak ng maigi sa bat ko

" Alam niyo bang sinira niyo ang araw ko ngayon?" Nakangising sambit ko

Trapped into Bad Girl's Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon