CHAPTER 8
Kinabukasan ay ang araw ng presentation namin. Hindi man gano'n ka-intense ang paghahanda namin, sigurado akong hindi madali ang ginawa ni Mikhail. May nagawa naman kami pero mas mabigat lang ang ilan sa nagawa niya.
Simula umaga ay wala akong narinig sa mga kaklase ko kung hindi ang presentation sa last subject. Lalo na ang seatmate kong bumubulong ng mga salita. "Hoy Carla, nakakarindi ka naman!" sita ko. Masama ang tingin niya at hinampas sa'kin ang kopya ng report namin.
"Ano ba! Nakalimutan ko kasing basahin kagabi!" Natawa ako sa kaniya kaya hinayaan ko na lang siya. Tumayo ako at lumabas ng classroom para magbanyo.
Naabutan ko sa loob si Mikhail na nakatayo sa harap ng salamin at gaya ni Carla ay bumubulong ng mga salita. Naghugas ako ng kamay pero hindi man lang niya ako napansin. Nakatingin lang siya sa sarili niyang repleksyon habang bumubulong.
"Pst."
"Holy shi—" Nakahawak siya sa kaniyang dibdib nang lingunin ako. Pati tuloy ako ay nagulat din sa ikinilos niya. "Bakit ka nanggugulat?!"
"Anong—kanina pa kaya ako nandito!"
"Talaga?" Naguguluhang tanong niya at nilaro na naman ng kaniyang daliri ang ilang hibla ng buhok niya. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kamay ko. Pagtingin ko sa kaniya ay tumatalon-talon siya.
"Hoy, ayos ka lang?"
"Ha? Ah, oo. Kinakabahan lang." Siya naman ngayon ang naghugas ng kamay. Hindi ko na napigilan matawa nang nakabukas ang gripo pero ang kaniyang kamay ay nasa taas ng tubig.
"Mikhail."
Lumingon siya sa'kin at tuluyang nahugasan nang maayos ang kamay niya. Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya sa balikat. "Kaya mo yan, pre."
Hindi ako sigurado pero parang namula siya. Marahil sa init sa banyo o sa pagkapahiya, kanina pa kasi siya lutang. Yumuko siya at hinilamusan ang mukha niya. Lalabas na sana ako pero tinawag niya ang pangalan ko.
Basa pa ang mukha niya at ang ilang parte ng buhok niya. Tumutulo ang maliliit na butil ng tubig sa kaniyang uniporme. Parang kuminang ang ilang parte ng mukha niya dahil sa ilaw. Napakagat ako sa labi ko nang parang mas lalo uminit sa banyo.
"Binasa mo ba kagabi yung report?"
"Hindi." Kumunot ang noo niya sa sagot ko. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis na namumuo sa leeg ko.
"Ha?! Bakit hindi? Ngayon na 'yon!" Tumaas na ang boses niya kaya napaatras ako ng konti. Ngumiti lang ako at tinignan siya.
"Binasa ko na no'ng kabibigay mo pa lang ng kopya. Tapos binasa ko ulit kanina sa jeep," paliwanag ko. Nagtagpo ang paningin namin ng ilang segundo bago ako muling nagsalita.
"Kaya 'wag kang mag-alala. Perfect score tayo mamaya." Pag ngiti ko ay lumabas na ako ng banyo at tuluyang pinunasan ang pawis sa buong mukha ko. Ba't ang init?
BINABASA MO ANG
Atom's Match Point (BL)
Lãng mạn[ BL STORY ] Atom Arceo plays a vital part in their university's volleyball team. A jolly, energetic, and approachable senior high school student was put into test when he got in a group with Mikhail Hermano. Can he receive the chance ball to win hi...