Hanggang Sa Muli (SamVon FF)

504 6 9
                                    

 

This fanfic is a short story lang po. This kind of scenario is stuck in my head for almost a month na so I decided na ipost ito sa wattpad. This is SamVon inspired, cause I love them very much. Hope you guys like it.

Four years ng magkarelasyon sina Sam and Devon. Di aakalain ng marami na magkakagustuhan sila dahil sa pagiging bad boy ni Sam at ang pagka-conservative ni Devon. Kahit anumang pagsubok ang dumating sa kanila ay kinakaya nila ito sa ngalan ng pag-ibig. May mga times rin na nag-aaway sila dahil sa pagiging babaero ni Sam but hindi nila kayang hiwalayan ang isa’t isa. Sabi nga ng iba ay they really meant for each other.

Nasa isang mall sila ngayon at namamasyal. Masayang masaya silang naglibut-libot, at bumili ng kung anu-ano. Na para bang chine-cherish nila ang moment nayun. Dumaan sila sa isang jewelry shop at nakita ang isang napakagandang kwintas.

‘Ang ganda oh’ ani ni Devon na tila titig na titig sa isang silver necklace

‘Oo nga, gusto mo ba?’ tanong ni Sam habang nakatingin kay Devon

‘Ah hindi na, ang mahal eh’ tanggi ni Devon

Di na nakasagot si Sam dahil hinila na sya ni Devon papunta sa isang fastfood resto. Agad silang umorder at kumain. Habang kumakain ay may itinanong si Devon kay Sam.

‘Sam, kunwari magkakahiwalay tayo ako parin ba ang laman ng puso mo?’ tanong ni Devon na ikinagulat ni Sam

‘Huh? Bakit naman tayo magkakahiwalay?’ nagtatakang tanong ni Sam

‘I mean kunwari bigla akong umalis ng walang paalam. Ako parin ba ang laman ng puso mo?’ tanong ni Devon

‘Bakit? Ka naman aalis. At kung aalis ka man, kasama mo ako. Dahil hindi kita iiwan kasi mahal na mahal kita’ Sabi ni Sam at napangiti naman si Devon

Halos 5 oras rin silang nasa mall at mga bandang 7 ng gabi ay nagpasya na silang umuwi. Pagbaba ni Devon sa sasakyan ni Sam ay may agad itong sinabi.

‘Sam, pwede bang humingi ako ng favour?’ tanong ni Devon na parang naiiyak na

‘Sure baby, ano yun?’ sabi ni Sam habang nakatingin kay Devon

‘Pwede ba wag mo akong kausapin, itext, tawagan o kahit anong communication, buong araw bukas.’ Sambit ni Devon at ikinagulat yun ni Sam

‘Bakit naman?’ nag-aalalang sagot ni Sam

‘Gusto ko lang malaman kung totoong mahal mo talaga ako?’ ani ni Devon na may namumuong luha na sa kanyang mga mata

‘Pero..’ simula ni Sam

‘Pls Sam, ngayon lang naman ako hihingi ng favour eh’ naiiyak ng sabi ni Devon

‘Sige, papayag ako’ wala ng nagawa si Sam kundi sumang-ayon na lamang

‘Tandaan mo mahal na mahal kita ikaw lang ang lalaking mamahalin at mamahalin ko’ sabi ni Devon sabay yakap kay Sam

‘Mahal na mahal rin kita Devon, ikaw lang ang babaeng nasa puso ko’ ani ni Sam at pagkatapos ay hinalikan nya ito sa labi

Halos mga 3 minuto rin ang kanilang halik. Ng matapos ay pumasok na si Devon sa kanilang bahay na umiiyak.

Hanggang Sa Muli (SamVon FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon