Nung Thursday night ay tinawagan ako ng papa ni Drew na may party sila para kay anak nila. Hindi na nga naman kasi kami makakapag-celebrate sa mismong birthday niya dahil may pasok na kami sa susunod na linggo. June 1st is perfect dahil Saturday night yun at walang pasok ang mga maiimbitahan.
“Oh, hija, I’m expecting you to be there, okay?”
“Of course, tito Gerry!”
“Drew will be turning 21 and that’s kind of a big deal in the men’s world, right?”
“Opo. So does that mean na luluwas kayo dito sa Manila para sa birthday niya?”
“Hindi na hija, parang hahayaan na lang namin kayong makasama siya sa party. You’re all adults naman na. Also, we kind of celebrated his birthday here in Laguna already.”“Oh...okay po.”
“So, nag-arrange na kami ng venue. Have you heard of Flare?”
“Yes, tito. Yung party place po yun diba?”
“Oo, doon. Pwede kayong pumunta dun at fully paid na yun. We’ve paid for your entrance, drinks and may parang function room doon. Bale, we paid for 30 guests. Sa Function Room 5 kayo.”
“Ang cool niyo naman po tito” Drew’s Dad laughed.
“Well, sabi ko nga. 21 na si Drew. He should experience those kind of things. Diba ganun naman ang ginagawa ng mga young people ngayon?”
“Uh, I guess? Sige po. Sabihan ko na lang po ang mga kaibigan namin ni Drew.”
“Salamat, hija. Take care of yourself.”
“Yes, tito. Salamat po.”Club ha? Ayos din ‘tong parents ni Drew eh. Hayaan ba naman kaming magparty sa isang club. Pero sabagay, special nga naman kasi ang 21. I called Bianca and the rest of our friends and informed them of the surprise. Thankfully, 30 guests naman ang natawagan ko at lahat sila pumayag. Sinigurado kong alam nilang lahat na surprise party yun. Hindi ko rin alam kung paano sasabihan si Drew na pumunta sa Flare. Meanwhile, I checked my closet at wala akong masusuot sa party. Wait… I think I know how I will tell Drew.
----------------------------------------------------------------------------------
“Cass, alam mo naman ayoko ng mga ganitong activities eh” sabi ni Drew habang nasa mall kami at naghahanap ako ng dress. Para sa surprise party niya. It’s Saturday afternoon at 5 hours na lang ay party na niya.
“Drew, busy kasi si Bianca.”
“Edi sana si Megan ang sinama mo?”
“Huh…” He’s making this harder than it already is. “Eh, busy rin si Meg. Besides, ayaw mo bang makasama ang bestfriend mo?” I made the most paawa face I could ever muster. He pushed me gently.
“Buong weekend tayong magkasama.”
“Yeah, pero may deal tayo tapos ako na nga sumira sa deal na yun at ang moody mo pa.”
He took a deep breath. “Ewan ko sa’yo. Oh dali na, pumili ka na ng damit.”
“Yeah, yeah.” I said as I browse through different racks. Wala rin talaga akong magustuhan. Yung iba masiyadong short, skimpy, tight at parang sa nightclub ang punta ko. Yung iba naman masiyadong mahaba, parang ako yung may birthday. After a few minutes, I saw the perfect one.“Drew dito ka lang ha. Magsusukat lang ako.”
“Ayaw mo bang makita ko?”
“Ano?!”
“Cass, wag O.A. Ang ibig kong sabihin ay yung dress. Hindi yang katawan mo pero…” he mumbled something I didn’t hear.
“Ano ulit?”
“Sabi ko magsukat ka na. Dito lang ako sa labas.”
“Okay kokey.” i said at pumasok na ko sa fitting room. Pagsukat ko, I realized that I’m right. It is the perfect dress. Peach ang kulay niya, flowy pero hindi yung parang ako yung dahilan ng okasyon at it reaches up to just above my knees at may ribbon sa may waist. Sleeveless pero tasteful pa rin. I was still admiring the dress when my phone rang.“Hello?”
“Hello.”
“Sino ‘to?”
“Hindi naka-save yung number ko sa phone mo?”
“Joke lang. Hi, PJ”
“Sobra ka talaga, Cassie. Anong ginagawa mo?”
“Uh...wala naman. Bakit ka napatawag?”
“Free ka ba mamaya?”
“Uh…” I debated if I should tell him about Drew’s party. “Bakit?”
“Birthday ko kasi.”
“Oh wait, seryoso? Ay oo nga pala! June 1 ngayon. Happy birthday, PJ!”
“Paano mo nalaman na June 1 birthday ko?” Oops. Strike 2.
“Uh, kay Megan? Nabanggit niya nung weekend.” I’m hoping that Megan really knows this piece of information.
“Yun na nga eh. Medyo biglaan kasi ngayon lang din namin naisipan.”
“Ang alin?”
“Senorita Cassandra, iniimbitihan kita sa isang...pagtitipon? Cassie, isama mo na rin pala si Andrew.”
“Kailan?”
“Mamayang gabi nga. Pupunta rin sina Megan, Sophie at Paulo. Mga 8 pm.” Shoot. 8 pm din yung party ni Drew. Baka pwede naman akong humabol? Aba, may balak akong iwan yung bestfriend ko?
“Um, saan?”
“Sa Flare, function room 8.” Ooohhh.
“Uh….”
“Hindi ka ba pwede? Okay lang naman sa akin. Maiintindihan ko pag--”
“Yes! Pupunta ako. I maybe a bit late pero pupunta ako. At si Drew ay...well, busy siya mamayang gabi.”
“Ganun ba? Pero sige salamat Cassie! See you tonight!”
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...