Kinabukasan, naabutan ako ni Dad at halos ipa-confine ako sa ospital dahil lang may cast ako. Oo, ganoon siya ka OA! Mabuti na lang at magaling akong magdahilan. Pinakiusapan ko na rin sila Abby na huwag mag banggit ng kahit ano kay Dad dahil alam kong pare-pareho kaming malilintikan."Dad told me what happened. Ano bang pinag gagagawa mo dyan?" si Kuya. Alas otso ng umaga eh pinauulanan ako ng sandamakmak na tawag! Halos wala pang limang oras ang tulog ko tapos puro sigaw at sermon ang inabot ko ngayong umaga.
What a day!
"Nadulas nga ako sa banyo nila Dani-"
"Stop with the nonsense reasoning, Louisiana. Sinasaktan ka ba ni Chad? Hindi ba sinabi ko na sayong may pakiramdam akong sa lalaking iyan? Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin-"
Yes, he's also against me and Chad. Katulad lang siya ni Abby. And I think that's where I went wrong. Hindi kasi ako marunong makinig!
"What- no! He would never do that!"
Me, sounding like defending him really disgust me!
"Eh anong nangyari sayo? You can fool Dad but not me!"
Minsan, naiisip ko na pumunta yung kaluluwa ni Mama kay Kuya Renz! Para siyang nanay kung magsermon sa akin!
"Louisiana!" hiyaw niya sa kabilang linya.
"Alright alright fine! Jesus!"
Napabuntong hininga ako at kinagat ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot.
"Chad and I broke up." mabilis kong sinambit. Narinig ko ang pag tayo niya sa kabilang linya.
"Really? Thank God!"
Kumunot ang noo ko. Seriously?
"So siya ang may gawa nyan sayo?" dagdag pa niya.
"No! Listen," humiga ako sa kama at tumitig lang sa kisame.
Halos kalahating oras kaming magkausap at nagtatalo habang nag kukuwento ako sa kanya. Mula noong nahuli ko si Chad hanggang kagabi eh kinwento ko sa kanya. At sa bawat sasabihin ko sa kanya eh may kaakibat na sermon pa rin! Para akong nakikipag usap sa trenta anyos kung makaasta siya! Mabuti na lang at sanay na sanay na ako sa kanila ni Dad.
"Eh bakit hindi mo pa sinasabi kay Dad? I mean, what if he tries to do something to you at hindi lang yan ang abutin mo?"
Kahit ako, hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin sinasabi lalo na't malapit na yung sinasabi niyang anniversary na dapat nandoon ako at si Chad. I guess, I'm afraid that he might get disappointed because I saw how much he likes Chad for me. Tinuring na rin kasi niyang anak si Chad sa tuwing pumupunta yun dito. Mabilis silang nagkasundo dahil marunong makisama yon at talaga namang nahuli niya ang kiliti ni Dad. I can't blame him though. Chad really has this charming personality anyone would fall for. That's why I fell for him in the first place. Laking hanga ko lang kay Kuya at Abby dahil nakita nila ang hindi ko nakita noon.
"Stop worrying too much. I'll be fine." I assured.
"I wish I was there. Para mabasag ko ang mukha niyan!" inis na sinabi niya. Tumawa ako.
"Pero okay na rin, I guess Jace did a great job for me." dagdag pa niya.
The thought of Jace made me feel thankful and.. pissed for a reason.
"Who is he again?"
"Dito na lang, thank you." Sinubukan kong buksan ang pinto nang makarating kami sa tapat ng village sa may guard house pero naka lock ito.