University

55 2 2
                                    

Hinampas ko ang alarm clock.

Minulat ko ang aking mata at agad kong naaninag ang isang maamong mukha sa harapan ko.

Titili sana ako pero narealize ko palang may dinala akong lalake sa kwarto ko.

hindi lang basta lalake.

Bayani siya.

Ang nag iisang Jose Protacio Rizal na.... wow, bakit ang gwapo niya?!

Bago pa ako mawala sa wisyo, sinubukan ko na siyang gisingin.

"Rizal..."
"Mmm." lalo lang siyang namulupot.

UGH. KAILANGAN NA NAMIN UMALIS.

"Rizal kailangan mo nang bumangon!" ANONG petsa na.

"Limang minuto lang muna Aling Maria.. pakiusap..." boses niyang raspy at husky pa dahil sa tulog.

"Di ako si Aling Maria..." naaasar ko ng sabi kaya malakas ko siyang tinulak dahilan para mahulog siya sa higaan.

"A-aray... ano bang kailangan mo sa akin Aling---- uhhh.. n-nasaan ako."

UGGGGHHH!!!!

"Good morning handsome" fake kong bati sa kanya. well totoo namang handsome siya.

"Good morning? Yun ay salitang ingles---"

"OO MAMAYA NA ANG LECTURE SA PAGSASALITA KAILANGAN NA NATIN UMALIS!!!" pigil ko sa kanya at agad siyang hinila palabas.

"S-sandali lamang pero ako ay hindi pa nakapagpalit nang damit ako ay---"

"WALA NANG ORAS RIZAL, BAKA MAHULI TAYO NI YAYA KAYA DALIAN MO NA!"

nanahimik na lang siya at nagpahila hanggang sa makasakay kami nang kotse.

As usual nakatunganga pa din siya at hangang hanga sa mga sasakyan na dumadaan at sa kalye.

Naaalala ko na di pa pala kami nagbreakfast.

"Sorry Talaga Rizal hah, minadali kita ngayon, we really need to get out, bago pa tayo mahuli, sa ngayon you will stay in a dorm." nakakita ako nang Jolibee at diniretso ko sa drive thru para makaorder.

"Ayos lamang Ravina.." nagkusot siya nang kanyang mata. Awwww, inaantok pa ba siya?! Nakonsensya naman ako.

"Im sorry, nakatulog ka ba nang maayos? Mukha kasing hindi." baka dahil katabi niya ako?

"Ako ay nagaayos muna bago lumabas nang aming bahay Ravina kaya ako ay mukhang inaantok pa. Ako naman ay komportableng nakatulog." binigyan niya ako ang tipid na ngiti. Bago pa ako mahulog sa kagwapuhan niya, ako na ang sunod sa pila.

Nag order na ako nang kape namin at pagkain.

"Sure ka ha? Alam mo naman katabi mo ay ako, conservative noong unang panahon right?" pag aaalala ko naman.

Humikab siya bago magsalita. "Sa totoo niyan sa akin ay ayos lang kung makatabi ang isang dalaga, ako ay may respeto naman at hindi gagawa nang masama at labag sa loob nang babae."

Napanganga na lang ako sa sinabi. How I wish maraming klase nang lalake ang magsasabi nang ganyan.

that respect we are begging from a guy. the respect that we secretly wanted.

Habang hinihintay ang order, tinitigan ko lang muna si Rizal na magulo ang buhok at clear skin lang ang peg niya. SERYOSO MAKINIS ANG MUKHA NIYA

IS HE FOR REAL?

"Anong gamit mong facial wash noon?"

"Ano iyon?" pagtataka niya sakin. Ang cute niya maconfuse. "Facial? Ako ba ay may muta pa sa mukha? Oo nga pala ang aking buhok, hindi ko pa ito nasusuklay?" hinawi niya ang buhok niya na parang malambot tignan omg. Rebonded lang ang datingan kakaiyak.

"Ok lang, bet ko na yang messy hair, uso yan ngayon, hindi na uso yung nakapomada or whatever man ang tawag niyo sa gel noong unang panahon. Di na uso ang hair style niyo dati nuh." You looks so good anyways. Alam ko pagpipiyestahan siya doon sa dorm.

Dumating na ang order namin at nagsimula na ako bumiyahe, dahil trapik naman, pinainom ko na siya nang kape.

"Nandyan yung asukal, lagyan mo na lang"

"Mainam na ang lasa sa akib nito." sabay inom niya, halatang nasasarapan sa kape.

WHAT. ANG PAIT KAYA?!

whatever marami nga ngayon mahilig sa Black Americano

"Saan nga ba tayo pupunta Ravina?" kinagat niya ang binili ko kanyang pandesal na may palaman na itlog.

"You will stay in a dorm."

"Dorm? Dormitoryo?"

Buti mabilis siya makapick up nang English word.

"Yes, while Im looking for a way kung paano ka makakabalik sa tama mong panahon."

"Maraming salamat Ravina... ano ang una nating gagawin?"

"Ang una nating gagawin ay mag aral ka nang basic English" inihagis ko sa kanya ang maliit na guide for English language.

Parang nagliwanag ang mata niya nang makita ang libro.
A nerd.

"Hindi ka pwede magsalita nang ganyan kalalim na pagsasalita nang tagalog. People here are talking on English in their daily lives. That is part of our culture." paliwanag ko sa kanya.

"Ngunit bakit nga ba kayo nagsasalita nang Ingles?" pagtataka niya.

"Uhmm." Ano nga ba sasabihin ko na dahilan?

"uhmm , kasi... tama, nasakop tayo nang America pagkatapos nang mga Kastila."

"Ano? Tayo ay muling nasakop? Paanong----"

"Ops wag mo na muna intindihin yan, alalahanin mo galing kang nakaraan Rizal, saka na natin pagusapan ang history nang Pilipinas okay, pag aralan mo na muna yan."

"Okay.."

He just said an english right away.

haayyy

Ano ba itong pinasok ko?

Paano nangyare talaga na nasa tabi ko ang nagiisang Jose Rizal?
Anong gagawin ko sa totoo lang.



Once he Desires (JOSE RIZAL FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon