Chapter 10

3 1 0
                                    

CHAPTER 10: River Stone University

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 10: River Stone University

Tahimik at maalinsangan ang hangin na nagpapa-angat ng buhok ko. Tag-ulan na pero bakit sobrang init pa rin? Gusto ko tuloy pumunta ulit ng Bataan para mag beach volleyball kasama ang team.

"Sino po sila?" Lumabas ang security guard sa mataas na gate. Hindi ko ito napansin no'ng unang punta ko rito. Pero ngayon na walang bahid ng malakas na tugtog at mga estudyanteng may hawak na pulang baso, parang ibang bahay ang papasukin ko.

"Atom Arceo po," sagot ko. Binuklat niya ang logbook na hawak niya at sinuyod ang ilang page. "Classmate po ako ni Mikhail." Bumalik ang tingin niya sa akin at natawa.

"Ay, hindi mo naman agad sinabi, sir! Sige po, pasok na kayo." Binuksan niya ang gate kaya sumunod lang ako sa kaniya. Tahimik ang paligid at may iilang mga tao ang nasa mahabang hardin.

Dito naka-set up ang mga barbeque grill at mga long tables no'n. Ngayon mga hardinero ang naroon at dahan-dahan ginugupit ang mga tuyong dahon sa napakagandang halaman. Sayang hindi man lang ako nakapunta no'n doon dahil dumating si Krista at tuluyang sinira ang gabi ko.

Nang makarating ako sa loob ng bahay ay tila napunta ako sa ibang bansa. Ito ba talaga yung pinuntahan naming bahay no'n, bakit ibang iba?

"Tatawagin ko na po si sir Mikhail." Sabi ng kasambahay nila na sumalubong sa'kin kanina. Iginiya niya ako sa malambot at kulay lupa nilang sofa. Ngumiti lang siyang muli at umakyat na sa hagdanan. Nasisigurado naman ako na ito nga yung bahay na 'yon dahil tandang-tanda ko pa ang hagdanan na sabay namin inakyat ni Krista.

Mas mabuti nang 'wag ko na lang isipin 'yon. Parang nakakahiya naman dahil muntik na namin gawin 'yon sa ibang bahay. Pero kung sa bagay, nagawa na namin 'yon sa ibang lugar bukod sa kwarto niya.

Ano ba 'tong iniiisip ko?!

Inikot ko ang paningin ko sa buong sala na talagang nakakapanibago. Ang pintura ng mga dingding ay kulay cream na parang yellow, ay ewan. Ang mga mwebles naman ay mga gawa sa kahoy. Hindi katulad sa mga bahay ng mga mayayaman na nakikita ko sa mga palabas.

Dahan-dahan ang paghakbang ni Mikhail sa hagdanan, tipid ang ngiti niya nang lumingon ako. Tumayo ako para salubungin siya. Gano'n ata ginagawa ng bisita kapag mayaman? Kapag kasi nasa bahay si Sid, minumura ko lang. Kumakain pa nga bigla kahit 'di mo alokin.

"Buti naman pwede ka today?" tanong niya. Nakasuot siya ng kulay green na hoodie, na sobrang luwang sa kaniya, at itim na jersey short. Bagay kaya sa'kin yung ganiyan?

"Wala kasing training, simula no'ng pumasok yung trainee. Tinamad ata si coach, ewan ko do'n."

Tinanguan niya ako at bumaling muna sa isa sa kasambahay nilang nagwawalis. "Tita, next time po 'wag niyo nang paghintayin sa foyer si Atom. Sa sala na lang po agad."

Hindi pa sala 'yon? Nangunot ang kaniyang noo sa reaksiyon ko kaya napalunok ako bago sumagot. "Nasaan ba yung sala niyo?"

Tinuro niya lang yung kanang bahagi ng bahay nila at doon ko lang nakita ang naglalakihang sofa at surround sound sa baba ng dambuhalang TV nila. Ngumiti lang ang kasambahay nila bilang sagot at pinagpatuloy na ang paglilinis.

Atom's Match Point (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon