Chapter 9

2 1 0
                                    

CHAPTER 9: Partners

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 9: Partners

"Ma?"

Pagplabas ko ng kwarto ay nakita ko na agad siya sa may dining table habang umiinom ng kape at suot ang puting uniporme niya. Matamis ang kaniyang ngiti nang magtama ang paningin namin.

Lumapit ako at humalik sa pisngi niya. "Good morning, ma. Papasok na ako."

"Oh, mag-iingat ka. Baka habulin ka ng chicks mo sa daan." Tipid na tinawanan ko lang ang biro niya. Muli siyang uminom mula sa tasa niya. Nang hindi ako umalis sa tabi niya ay kumunot ang noo niya.

"Allowance ko, ma."

"Ay, oo nga pala." Inabot niya ang kaniyang kupas na bag at kinalkal 'yon. "Medyo sabaw ako, 'nak. Ang tagal kasi no'ng operation ni doc Reyes." Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang mga iilang putting hibla ng kaniyang buhok at ang mga linya sa kaniyang noo.

"Sabi ko naman sayo sinasadya niya 'yon kasi crush ka niya," palahaw ko. Humarap siya sa'kin at matalim akong tinitigan.

"Sabi ko rin sa'yo, hindi ko type 'yon."

"Hay, bahala ka ma. Pag ikaw niligawan no'n bibilhan mo ako ng bagong cellphone, ah!" Inirapan niya na lang ako at tinuloy ang paghahanap sa wallet niya. Nang makita niya ito ay mabilis niyang binuklat. Tumambad sa kaniya ang tig-iisang asul, dilaw, at pulang pera. Sakto lang para sa allowance ko this week.

Nakita ko ang pagdadalawang isip niya nang iabot niya sa'kin ang one thousand, five hundred na napagkakasiya ko sa buong linggo. Nang mahawakan ko ang mga pera ay inalis niya ang paningin niya roon at binalik ang wallet sa bag.

Kahit hindi niya nakita ay napangiti lang ako. "Ano ma, wala kang pamasahe no?" Pabiro kong tanong. Nanlaki ang mga mata niya at iwinagayway ang dalawang palad sa pagmumukha ko.

"Meron 'nak, naubusan lang talaga ako ngayon kasi may bayarin pala sa school ni Pao. Kaya binayaran ko na agad."

"Oh, eto." Nilapag ko sa lamesa ang 500 pesos na medyo malutong pa. "Walang taxi ang tig-fifty yung bayad." Tinignan niya 'yon at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi, nak. Mas kailangan mo 'yan, baka gutumin ka sa training."

"Kulit mo, ma. Bigyan mo ako ng pera kapag may extra ka lang, hindi naman dapat ako ang pinagkakagastusan mo."

"Atom, hind—"

"Sige na, ma. Late na'ko." Nilakad ko ang palabas ng bahay at sumigaw ng huling paalam. Maingat kong nilagay sa wallet ko ang isang libo. Hindi na lang siguro ako kakain ng lunch sa ibang araw, itutubig ko nalang.

Sakto ang dating ko sa school dahil nang makapasok ako ng classroom ay siya ring pagdating ng teacher namin. Binatukan ko si Sid nang madaanan ko ang upuan niya, gaganti sana siya pero nanjan na si sir kaya binelatan ko pa siya.

Atom's Match Point (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon