TEMPTATION OF FIRE

61.4K 916 156
                                    

A second genaration.

...

Malayo palang tanaw ko na ang malaking hacienda na pagmamay-ari nila senyorita Leonice at senyorito Nicket. Aampunin daw nila ako at papag-aralin at bibigyang ng trabaho.


Nakita nila akong nasa labas ng simbahan, nag bebenta ng sampaguita noong 10 years old, at sobrang saya ko isang araw nag paalam sila sa mga lolo't lola ko na siyang kinalakihan ko na.  Sa murang edad nakita ko kung paano mag hirap si lola at lolo para lang pag-aralin ako. Nasa bayan ang aking lolo't lola. Hirap sa bukid at sa hanap buhay. Kaya nang malaman ko na kukunin nila ako at patitirahin sa hacienda napaka saya ko.

Lola and lolo are the best dadalawin lang daw nila ako o ako ang dadalaw sa kanila pag hindi sila busy. Pwedi namang lakarin pero aabutin pa ng mahigit isang oras ang bahay namin at hacienda kaya malayo.

Hinawakan ni senyorita Leonice ang aking kamay. May suot siyang napaka eleganteng kasuotan na mayayaman lang ang makaka-suot. Ang hikaw na singlaki ata ng hulma ng mukha ko.

"Magiging tahanan mo na ang tahan ko," siyang hinaplos nito ang aking mukha.

"Ang bait bait mo." Sabi pa niya. Ngumiti nalang ako sa kaniya mas lalong nagpupursiging magsikap at makapagtapos dahil sa kaniya.

Isa pa sa sandalan ko upang makatulong sa lolo't lola kong nasa bayan malayo na ako sa kanila. Kaya kung maaari sasanayin ko ang aking sariling mapag-isa.

Bumaba kaming dalawa sa magarang sasakyan na kulay puti, namangha pa 'rin ako. Dinala ng mga tauhan na lumapit dito ang aking mga gamit. Iginiya naman ako ng senyorita, ang ganda at bait pa niya.

Unang kita ko palang sa hagdan papasok sa sala, hindi na ako tumuloy. Napatigil ako, namangha at sobrang ganda.

"Senyorita-" yumuko siya ng bahagya at sinapo ang aking mukha.

"Tawagin mo akong tita, Lilian."

Ngumiwi ako. Ayoko, gusto ko siyang galangin at kung maari ayokong tawagin siyang gano'n. Malayo siya sa pinaggalingan ko, kaya dapat lang siyang galangin.

"Ayoko senyorita, gusto ko pong tawaging kang ganon."

Ngumiti siya kaya mas lalong namungay ang mata ng ginang.

Pagpasok namin sa hacienda gusto ko na tuloy umalis at bumalik. Mas lalo lang ako nanliit sa sarili ko dahil sa nakita ko, may parang ilaw na nakasabit sa itaas nito. Ito ba ang sandeliyer? Napaka ganda naman talaga ng bahay.

Kinuha ni senyorita Leonice ang aking kamay, at lumabas kami patungo sa play ground area. Hindi ito ang pool dahil nasa kabilang bahagi ang may tubig na bagay na 'yon.

Pero dalawang magkamukhang binata ang aking nakita ang isa ay may damit at ang isa naman ay wala. Para siyang modelo sa kaniyang katawan. Para siyang isang dyos na bumaba sa langit. Sino kaya siya? Bigla silang napatigil sa pag lalaro ng bola ng tawagin sila ni senyorita Leonice.

"Boys, come on. Come on!" Hinikayat niya ito papunta rito. Ngumiti ako ng malapad sa mga lalaki, ngumiti naman sila pabalik.

Di naman sila snobero, ang gwapo pa nila.

"Boys, this is Reylian short for Lilian. She's here at makakasama na natin siya sa hacienda." The two boys were smiling mas lalo akong namangha at kinuha nila ang aking kamay at nakipag kamay.

"Hi, I'm Hushan." Ngumiti ang isang binata at nagpakilala.

"Hello, welcome home. Free ka sa bahay." The other one said, kinagat nito ang labi at kumindat. Nag iwas na tuloy ako ng tingin, parang tanga.






Alligators 3: Temptation Of FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon