-Nine-

16 3 0
                                    

Trish's POV

"Hello? Asan ka?"

Napatingin ako sa Caller ID ng tumatawag. Napakunot tuloy ako ng noo ko.

"Nanggagago ka na naman ba, Yandro?"

Tumawa nang malakas si Yandro sa kabilang linya. "Para naman 'tong ewan. Ang seryoso kasi ng mukha mo. Pangit mo sa malayo." At nang-lait pa nga.

Sinamaan ko nang tingin si Yandro na kasalukuyang nasa counter. Ika-ilang order niya na ata ng kape habang ako nakakailang pages na ng libro. Nasa coffee shop kami ngayon malapit sa St. Magnus. Kailangan kong mag study cram dahil wala akong oras sa weekend. Debut na ni Layla sa Saturday at uuwi ako sa bahay namin bukas ng umaga para mag-ayos.

Binaba ko na yung tawag ni Yandro dahil nagsasayang lang siya ng load. Bumalik naman na siya na may dalang tray ng dalawang iced coffee at isang blueberry cheesecake. Alam kong akin 'yun dahil 'di naman siya kumakain ng cheesecake.

"Patapos ka na ba?" tanong niya habang umiinom sa kape niya at nagsscroll sa ipad ko. Nakuha niya na sa akin 'yon dahil tapos na ako magtake note doon at sa paghighlight ng libro na ako ngayon nakatutok.

"Lapit na. Konting pages na lang." sagot ko. Kinakain ko na 'rin yung cheesecake because sugar helps me study.

"Hoy, Shang. Burnt out ka na. Mali na spelling mo ng stethoscope, cardiovascular, at ventricle," sabay pakita sa akin ng Ipad ko.

Napaayos ako ng reading glasses ko. 


'stetoshcope'....'cardiovasuclar'....'ventrilce'


Awe, oo nga.

'Di na lang ako umimik at inagaw na sakanya yung Ipad. Tinawanan niya lang ako.

"Tigil na nga. 105 pages na yung naitake note mo. Pang ilang araw na 'yan. Yakang yaka mo na."

"'Di mo sure." wala kong kwentang sagot.

"Hays. Apaka mo talaga." Binaba niya yung Ipad na hawak ko at hinablot 'yung dalawa kong papalsuhan. Natigil din tuloy ako sa pagkain ng cake ko.

"Ganito. One hour na lang. Study everything that you need to study. Sabayan pa kita. Pakatapos, mag one-on-one tayo. Pag naperfect pareho, gigimik tayo. Libre ko. G?"

Nagpantig yung tenga ko nang marinig ko yung magic L word.

Eto si Yandro, hindi halata pero napakatalino. Cardiology ba naman ang specialty. Hindi pa ba nabibiyak utak nito?

Tinignan ko yung last pages ng Cardiology book na binabasa ko. Nasa circulatory/cardiovascular ang focus sa syllabus namin ngayon kaya sure ako masasabayan niya nga ako.

"Sige, game."

So we studied for another hour. It calmed me down, not gonna lie. Kasabay ko kasi si Yandro at nadadamay ako sa pagiging kalmado niya sa pag-aaral. May napagtatanungan pa ako. We used to this before, when we were still a couple. Who knew it was possible to stay friends with your ex and still do the simple things you used to do together, like this one.

An hour had passed at nag one-on-one na kami. As usual, perfect namin pareho. Aside sa cake na kinain ko, nakatulong yung Pomodoro technique ni Yandro.

"Ano? Perfect ba?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Leo sa likod ko. Lagpas 6 pm na pala. Napansin kong nakapagpalit na siya ng casual na suot at 'di na yung work polo shirt niya kaya baka off na siya sa trabaho. Hinaplos niya muna yung ulo ko bago siya umupo sa tabi ni Yandro, sa tapat ko.

Exes and MatchWhere stories live. Discover now