NAPABALIKWAS ako nang dahil sa tunog na narinig ko. Parang may nabasag sa ibaba.
Pagkalingon ko sa kama ay wala si nanay at tatay. Tanging kaming tatlong magkakapatid lang ang nasa kwarto.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para hindi magising ang mga kapatid at mga kasama namin sa bahay.
Hindi lang naman kaming pamilya ang nakatira sa bahay na ito. Kasama namin ang pamilya ng dalawa kong tito, ang grandparents ko sa father's side, at pati na rin ang tito at tita kong wala pang asawa.
"Tigilan mo na iyang bisyo na 'yan, Eldridge. Gusto mo bang matulad sa mga kaibigan mo na nakakulong na ngayon? Alalahanin mo na may tatlong anak ka! Eight years old na 'yung panganay mo," sabi ni nanay.
Pagbabang pagbaba ko pa lang ng hagdan ay rinig na rinig ko na ang pagdagundong ng boses ni tatay.
"Putang ina, Divine! 'Wag mong pakialaman ang mga desisyon ko! Alam ko kung ano ang ginagawa ko!" sigaw ni tatay.
I want to cover my ears with my hands. Ayaw kong marinig na nagsisigawan sila. Ayaw kong marinig kung paano sila mag-away.
Biglang nanginig ang mga tuhod ko sa takot nang sumilip ako. I flinched. Binato ni tatay ang tasa na may lamang pagkain sa ulunan ni nanay. Buti na lang at hindi ito tumama kay nanay. Baka dumugo ang ulo niya kung nagkataon.
"Tigilan mo na 'yang droga na iyan, Eldridge! Nawawalan na tayo ng pera. Pati kita ng tindahan natin ay pinambibili mo ng droga. Binenta mo na rin 'yung bangka mo! Hindi ka na nga nagbibigay ng sweldo!"
I just stood here. Hindi nila ako napapansin pero ako ay kitang kita kung ano ang nangyayari.
Lagi na lang bang ganito?
"T-tama na po, 'tay," nanginginig kong sambit kaya bumaling sa akin ang tingin nilang dalawa.
"Pumanhik ka sa taas, Aiden! 'Wag ka nang makisali dito, 'wag mo nang dagdagan ang sakit ng ulo ko!" sigaw ni tatay.
Napatalon ako sa gulat nang dahil sa sigaw niya. Mas nanginig ang nanginginig aking mga kamay kaya tumalikod na ako.
Pagkalingon ko sa gilid ko ay nakita ko si Mommy Juliet, ang nanay ni tatay, na nakadungaw at nakatingin sa akin.
I returned to our room with tears falling from my eyes. Napatitig na lang ako sa kisame.
Bakit ba nangyayari ito sa pamilya namin? Dati naman ay hindi kami ganito. Sa lahat ng tao sa mundo, bakit ako pa, bakit ang pamilya ko pa ang nakakaranas nito?
Lord, sana naman natapos na 'to. Parang hindi ko na po kasi kakayanin, Lord. Parang hindi ko na po kaya.
Nakatitig lang ako sa kisame habang patuloy na dumadaloy ang luha sa mata ko. The door opened and I faced the wall. I cried silently until I fell asleep.
"TAYO na lang kasi, Aiden," pagpupumilit sa akin ni Bea, ang kaklase kong babae na sobrang kulit.
"Ayaw ko nga, Bea. Bakit ba ang kulit mo?" tanong ko. Ilang minuto na niya akong kinukulit na siya ang maging partner ko sa activity mamaya.
"Ayaw mo na nga akong i-crushback, ayaw mo pa akong maging parner," saad niya habang naka-pout. Hindi naman siya cute.
"Bahala ka mga diyan, Bea. Marami pa akong gagawin na assignment," sambit ko.
Sa school ko na ginagawa ang mga assignments ko dahil babantayan ko pa ang kapatid ko pagka-uwi ko. Si nanay kasi ay nagbebenta sa sari-sari store namin tapos si tatay naman ay nasa trabaho kaya ako talaga ang nagbabantay sa mga kapatid ko. Buti na lang at panghapon si John, ang kapatid kong sumunod sa akin, kaya siya ang nagbabantay sa bunso namin tuwing umaga.
BINABASA MO ANG
Mythomania
RomanceMythomania (Mania Series #1) Previously known as Mythomaniac. "I promise to shower you with my constructive love-the love that will build you up and won't destroy you." Maraming nangyaring hindi maganda sa buhay ni Aiden noong bata pa siya. Natutuna...