***
"Sheen POV"
Matapos magpaalam ni sven ay naglakad na ako ngunit bago ako umuwi ay nagtungo muna ako sa isang tindahan para ipagbili ang mga gamit na nakuha ko mula sa aking pangangaso kahapon.
*Flashback*
Hapon na at andito parin ako nagaabang sa itaas ng puno na may dumaan na hayop na pwedeng pagkakitaan, nakaugalian ko na ang gawaing ito dahil ito ang bumubuhay sa akin sa araw-araw ang mga gamit na aking nakukuha ay binebenta ko sa sa black market.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ako ng kaluskos sa ibaba ng puno at nakita ko ang isang batang babae na hinahabol ng tatlong armadong lalaki at base sa kanilang mukha ay kinilala ko sila kaagad mga bardur sila ay mga rebeldeng euso na namumuhay sa gitna ng kagubatan at sa pagkakaalam ko ay mayroong alyansa ang bardur sa mga divians.
"Hanggang dito ko nalang bata pinahirapan mo kami ha!" Sigaw ng isang lalaki habang ang batang babae ay nakaluhod at nagmamakaawa sa kanila.
"Wag poh, huhu kinailangan ko lang itong bulaklak para sa aking ina." Pagmamakaaawa ng bata ngunit hinawakan siya sa ulo ng lalaki at akmang sasaksakin na ito ngunit tumalon ako sa taas ng puno at saktong lumanding sa harapan ng tatlong bardur at saka ko iwinasiwas ang aking wand.
"Morietur." Bigkas ko at tumilapon ang isang bardur habang ang isa ay sinipa ko sa tiyan kaya napasubsob ito habang yung isa ay sumugod sa akin gamit ang isang malaking axe kaya tumalon ako para ilagan ang mga atake niya.
"Et morre." I chanted at ito ang nagpahinto sa lalaki at kinuha ko ang aking dagger saka sinaksak ito.
Sabay na umatake yung dalawang natirang bardur at nilaban ko sila at pagkaraan ng ilang sandali ay napatumba ko ang mga ito dahil hindi naman sila gaanong malalakas kaya naging madali lang sa akin para patumbahin sila.
Nagpasalamat sa akin ang batang babae at napagalaman kung isa pala siyang sano isang uri ng euso na may kakayahang magsummon ng kahit anong hayop at binigyan niya ako ng kabayo bilang pasasalamat at para nadin magamit ko sa aking paguwi.
Kinuha ko ang mga armas nung mga bardur na natalo ko at iniligay ko sa aking bag dahil alam kung pwede ko itong mabenta sa black market, pagkatapos ay sumukay na ako sa kabayo at nagsimula ng maglakbay pauwi.
Ilang minuto pa ang nakalipas at malapit na ako sa aking bahay ngunit may natanawan akong isang lalaki na nakikipaglaban sa isang minotaur matapos niya itong masugatan ay umupo ito at naghintay sa mangyayari ngunit alam ko na magtatawag ang mino ng mga kasamahan niya para labanan yung lalaki ngunit bago paman makalapit ang mga mino sa lalaki ay pinatakbo ko na ang kabayo ko at niligtas ito.
*End of Flashback*
"Narito na poh ang mga nakuha ko mula sa aking pangangaso manong kayo na bahala kung magkano ang ibibigay niyo." Pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang aking bag at inilatag ang mga laman nito.
"Magagandang klase ito ahh dahil diyan bibilhin ko ito ng mahal." Aniya na ikinatuwa ko kaya naman ay mabilis ko'ng inilatag at inayos ang mga ito saka hinintay ang bayad at umalis na para umuwi.
Malaki laki rin ang kinita ko dahil sa mga gamit na iyon at maggamit ko ito sa pangaraw-araw na pangangailangan ko kaya nagtungo ulit ako sa isang tindahan at bumili ng mga prutas at gulay at pagkatapos ay umuwi na ako.
***
"Sven POV"
"Ito ang magiging kwarto mo sven." Sabi ni apo saka niya ako pinapasok sa loob nito.
BINABASA MO ANG
Mystic Guardian: Sven Tow
FantasySven tow is a dragon ryder, lumaki siya sa archaen sa hilagang bahagi ng eusoria kung saan nakatira ang mga Ryder, sila ang mga euso na may kakayahang magsummon ng dragon. Nagsimula ang kanyang paglalakbay ng pinapunta siya ng kanyang ama sa euso...