Chapter 42: The Monster is gone

124 10 14
                                    


AYESHA'S POV

"Are we not too old for this?" Napapailing na tanong ni Tito Tim.

"Matanda ka na lahat lahat, baliw na baliw ka pa din sa may pamilya na." Pangungutya naman ni Tito Draco sa kaniya. What a sharp tongue. Kuhang kuha ni Drake an attitude.

"Aray! Rantado ka, Marcus!! Sakit sa tainga ng tawa mo!" Biglang reklamo ni Dad. Hawak hawak niya ang earpiece at kunot na kunot ang noo. Muli tuloy akong napatitig sa kaniya, totoo ba 'to? Buhay si Dad?

Tapos kuhang kuha niya yung inis reaction ko. Ngayon ko lang nakita na nawalan siya ng cool dahil sa kausap.

"Huh? What? Sa speaker? Gago ka ba? Ayaw ka namin marinig!" Si Tito Kal naman, mukang si Tito Marcus din ang kausap mula sa kabilang linya.

Napatakip ako sa tainga ng tumunog ang speaker ng building.

"Hello? Hello? Mic test?!! Oh!! Long time no see, Gregor!! Pre, tanda mo na hanggang ngayon si Aenna pa din?! Grabi pagiging loyal mo, ah?!" Sabi niya at tumawa ng nakakaloko. "Sa sobrang obsessed mo kay Aenna, nag plano plano ka pa! Dami mong pakulo!!"

"Tsh, that jerk is adding fuel on the fire." Napapailing na sabi ni Tito Tim habang pinipigilan ang pag ragasa ng dugo ni Aeyza.

"Noon ka pa, ha?!! Una, gumawa ka ng criminal group sa BBU, ta's ngayon mga anak mo naman ginagamit mo?! Gago kang talagang tunay!!" Dagdag pa nito.

Napalingon naman ako kay Gregor na ngayon ay nagdidilim na ang muka.

"Don't worry, Pre!! Naiintindihan ka namin!! Maski kami, crush si Aenna noon! Swerte talaga 'yang si Yalbert! Amp! Hindi naman niya deserve si Aenna."

"Gago," kunot na kunot ang noo ni Dad habang pinapakinggan si Tito Marcus kaya medyo natawa ako, ganoon din si Tito Tim.

"Right? Crush ko din si Aenna noon, eh." Nakangisi niyang sabi at sinamaan naman siya ni Dad ng tingin.

"See? WUAHAHAHHAHA!! Si Draco at Aenna nga close dati, eh!! Nauna lang talaga si Yalbert!! Naalala mo, Gregor, pre? Nag suntukan si Yal at Draco? Shet!! Ang epic ng BBU noon.."

"Tangina, dinig pala ako ni Gago?" Kunot noong sabi ni Tito Tim. Mukang nalimutan niyang may mic ding nakakabit sa kaniya para madinig nila Tito Marcus ang sinasabi mula sa kabilang linya.

"Oo, dinig na dinig! Loud and clear!!" Sagot sa kaniya ni Tito Marcus.

"Tumahimik ka na nga, Marcus! Pag ako, inaway ng asawa ko!!" Inis na sigaw ni Tito Draco sa speaker.

"Ay!! Sorry, sorry!!" Muli siyang tumawa. "Well.." bigla ay naging seryoso ang boses ni Tito Marcus. "We were on our peak that time, Gregor. We understand the fights, jealousy, hatred and teenage love and your obsession kay Aenna. Pero iyong dadalhin mo pa hanggang sa maging gurang ka, tabingi ba utak mo? Alam ko ding hindi lang dahil kay Aenna kaya ka nagkakaganito. We used to be so closed noon kaya kilala kita....You hate your Step Brother, you hate Kalvin....pero, Pre....iyong ginagawa mo ngayon? sobra na..."

"Tapos ka na?" Malamig na tanong ni Gregor dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya. "Kasi kung oo, papatayin ko na sila."

"Tsh, tigas talaga ng apog mo. Pasalamat ka wala ako diyan. Kung nandiyan lang ako, ako unang sasapak sayo."

A Not So Married Season 2 (DARK OWLS ROMANCE SERIES #1)Where stories live. Discover now