A Sinful Night

13 1 1
                                    


Sinama ako ng pinsan kung si Claire dito sa bar dahil birthday daw ng kaibigan niya. Hindi kami close ng pinsan kong Ito kaya hindi ko alam kung bakit dinala niya ako dito. Wala rin akong kakilala kahit sa sa mga kaibigan niya, nagkakasiyahan na sila at heto ako parang tangang nakatingin sakanila habang nag-iinoman.

Tumingin sakin si Claire ng nakataas ang kilay, umirap pa Ito bago kunin ang isang baso ng alak at lumapit sa akin. Wag mong sabihing sa akin..

"Oh ayan alam kung kanina mo pa gustong uminom niyan" mataray na sabi ni Claire habang inilalahad sakin ang alak.

"Pasensya na Claire pero hindi ako umiinom e" hinging paumanhin ko rito, sumimangot naman ang mukha nito at lumapit pa lalo sa akin

"Iinomin mo o isusumbong kita kay mommy?" mataray na sabi niya sakin, ayaw kung pagalitan ako ni tita baka palayasin ako ayuko rin uminom, anong gagawin ko. Nagulat ako ng sigawan ako ni Claire.

"ANO BA. IINOMIN MO BA O SASABIHIN KO KAY MOMMY NA PALAYASIN KA NGAYON DIN" dali-dali ko namang kinuha ang baso ng alak at inisang lagok ito, hindi ko maintindihan ang lasa dahil bago palang sa akin ang alak.

"Iinomin din naman e" mataray na sabi nito bago umalis na.

Makalipas ang ilang minuto e bigla nalang akong nahilo, hindi ko alam kung bakit siguro dahil soon sa alak pero isang baso lang yun. Tumayo ako at nag paalam saglit kay Claire na mag c-cr muna ako.

"Uhm Claire saan ang Cr dito?" Nahihilong tanong ko sakanya, "Babalik din ako agad" sabi ko ulit dito ngunit hindi ako pinansin nito at inirapan lang. Kayat tumayo ako para hanapin mag-isa ang

Cr. Nararamdaman ko ng nahihilo na talaga ako, hindi ko alam kung tama ba tong nilalakaran ko o ano basta naglalakad lang ako.

At habang naglalakad ako mas lalong pakiramdam ko umiikot ang paningin ko at mas dumagdag pa ang hilo ko ng dahil sa ingay, madilim, mausok at ang patay sinding ilaw na masakit sa mata.

"Arayy"

Daing ko ng may nabangga ako at any moment alam kung matutumba na ako in 5 4 3.. bat parang ang tagal ko naman atang bumagsak. Pagmulat ng mga mata ko isang gwapong mukha ang bumungad sakin, literal na gwapo ha matangos ang ilong medyo makapal ang kilay na bumagay sa kanya, ang kanyang mga asul na mata ang sarap titigan napadako naman ang tingin ko sa mga labi Niya. Shitt ang sarap halikan ng kanyang mapupulang labi.

"Are you okay miss?" tanong nito

Tinitigan ko siya, tila may sariling isip ang mga kamay ko at hinawakan ko ang pisngi niya. Hindi ko alam kung lasing ba talaga ako o ano, parang may mali sa alak na ininom ko hindi ko alam kung ano yun basta alam ko may kakaiba sa alak na iyon.

"Hey miss I said are you okay?" ulit na tanong nito sakin, medyo naiinis na ito kasi kanina pa kami sa ganitong posisyon.

"Ah oo, medyo nahihilo lang" sagot ko rito at umayos na ng tayo, " Asan ba ang Cr dito, kanina pa kasi ako na iihi e" nahihiyang tanong ko rito, tumawa naman siya ng kunti. Mas lalo siyang gwumapo pag naka tawa.

"Okay, samahan na Kita" Saad nito at nauna ng maglakad, sumunod Naman ako. Lumiko sa may bandang kaliwa

"Oh ayan na ang Cr hintayin nalang kita dito" Sabi niya. Pagkatapos kung mag cr pakiramdam ko mas lalo akong nahilo, medyo umiinit narin ang pakiramdam ko.

"I've never seen you here before" komento nito

" T-This is actually my f-first time here" nahihiya kung saad at nagsimula ng maglakada pabalik dahil nag iiba na ang pakiramdam ko.

"Ah. A first-timer. No wonder you don't look familiar" nakasunod paring tungon nito

Humarap siya sa lalaki upang sabihin na sana dito na okay na siya at iniwan na siya nito, pero pagharap niya ay ngumiti sakanya ang lalaki. Mas lalong tumindi ang init na nararamdaman ni Samantha. Kung sa ibang pagkakataon marahil ay nilayasan na nito ang lalaki. Pero hindi e imbes na paalasin na ito ay niyaya pa Niya itong uminom kahit nahihilo na siya. Inaamin niyang nagugustohan niya ang atensyong binibigay sakanya ng lalaki. Nag-order na ang lalaki ng alak ganun din siya, pagbigay agad ng alak ininom kaagad niya ito animoy tubig.

A Sinful NightWhere stories live. Discover now