KABANATA: 35

852 33 17
                                    

"Congratulations, Mr. Gilles. It's a healthy baby boy. Ililipat na namin ang mommy ni baby sa isang private room para makapagpahinga na siya ng maayos."

"Thank you, Doc."

May lumapit sa aking nurse at maingat na iniabot sa akin ang baby. Sinubukan ko itong buhatin. Tinitigan ko ang mukha nito pero wala akong ibang maramdaman.

Bakit hindi ko makita ang sarili ko sa batang ito?

"Nakapag-conduct na tayo ng DNA test nang hindi nalalaman ni Akashi, Anak. We will just have to wait for the result until next week." Mom whispered when she stand next to me.

"Hindi ba pwedeng madaliin yun? Gusto ko nang malaman agad, Ma."

She patted my back, "Let's wait for a week. Just one week, anak."

Several weeks passed pero wala pa rin kaming natatanggap na result. Naka-uwi na rin kami sa bahay na mga magulang ko dahil normal delivery si Akashi ay hindi naman na niya kailangan mag-tagal pa sa Ospital.

Ayaw niya rito pero wala siyang magagawa dahil mas matutulungan kami nila Mama na alagaan si baby kung nandito kami.

"I need to go somewhere," sabi ko kay Akashi dahilan para mapunta sa akin ang atensyon niya.

She raised her brow at me, "Where are you going?"

"You don't need to know." I answered.

"No, stay with us—"

"I don't need your approval. Hindi naman ako nagpapaalam sayo." putol ko sa dapat na sasabihin niya.

Lumapit ako sa bata at hinawakan ang pisngi nito, "I'm going now," paalam ko saka walang sabing lumabas sa kwarto.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang result ng DNA test kahit tatlong linggo na ang nakakalipas. Inip na inip na ako dahil ang sabi ni Mama ay isang linggo lang ang kailangan kong hintayin pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

Nakausap na rin namin ang parents ni Akashi. Gusto nilang pakasalan ko ang anak nila dahil sa apo nila pero hindi pumabor ang mga magulang ko, kahit ako ay hindi pumayag. Wala sa plano ko ang bagay na yun.

Hanggat walang resulta, hanggat walang kasiguraduhan na ako ang ama ay hindi ko papakasalan ang anak nila.

Hindi alam ni Akashi o kahit ng mga magulang niya na nag-conduct kami ng DNA test bago umalis sa Ospital. Sinadya talaga naming hindi ipaalam sa kanila dahil mukhang hindi papayag ang mga ito. Buti nalang kaibigan ni Mama ang nagsagawa ng test kaya hindi na kami masyadong nahirapan.

From: Benj

bilisan mo tol. gusto na magsimula nitong si mikael. ayaw papigil kala mo naman malakas sa inuman. mas okay raw kung di ka na pumunta.

Napa-iling nalang ako sa nabasa at mabilis na pinatakbo ang sasakyan papunta sa Club na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan namin.

Dumiretsyo ako sa VIP room dahil nandoon daw sila at saktong nagsisimula na. Binati ko silang lahat bago umupo sa bakanteng upuan. Lahat sila ay tumugon sa akin maliban kay Mikael na busy sa harap ng phone niya at mukhang wala talagang pakialam sa presensiya ko.

Alam kong galit pa rin siya sa akin. Kahit siya ang pinaka-malapit kong kaibigan, alam kong sira ako sa kaniya dahil sa ginawa ko sa kapatid niya. Hindi ko siya masisisi, he just love her sister so much.

"Simulan na natin. Walang uuwi ng hindi lasing at hindi nagbabayad, ha. Walang libre sa club ko, friends are friends, but businesses are still business."

Nagsimula kaming uminom ng walang imikan ni Mikael. After an hour. Hindi namin namalayan na napa-sobra na pala ang inom ni Mikael. Sa aming lahat siya lang ang may pinakamababang alcohol tolerance kaya siya talaga ang madalas na nauunang malasing sa amin.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon