Chapter 4

4.6K 307 86
                                    

Sandaling napaisip si Yara sa tanong ni Dri.

"Yes and no," pag-aamin niya. "Oo, bothering na nakikita at napapansin mo ang mga ganoong bagay na hindi naman dapat. Hindi, dahil pakiramdam ko, may nakakaintindi sa akin kahit hindi ako magsalita."

Dri tried to hide his smile. Hindi niya inasahang sasagutin ni Yara ang tanong niya. "Well, it's not bad to let others know how and what you feel. Mas maganda pa ngang mag-share minsan sa stranger, eh. They won't judge you."

Nagsalubong ang kilay ni Yara sa sinabi ni Dri. Ibinuga niya ang usok bago tumingin sa kawalan. Malalim siyang huminga. Hindi niya gusto at hindi siya naniniwala sa sinabi ni Dri.

"Kahit sabihin mong hindi ka judgmental, a part of your consciousness is judging a person. Hindi mo kailangang itago 'yun kasi kahit ako, ganoon," aniya at humithit sa sigarilyo na halos mamula ang dulo. "Kahit 'yung mga ka-close mo, kapamilya mo, huhusgahan ka. Hindi totoo ang they won't judge you."

Sandaling natahimik si Dri. Halatang hindi nagustuhan ni Yara ang sinabi niya.

"Maybe you're right," sagot ni Dri. "But you're overthinking too much, Yara. Masyado mong iniisip ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari, and that's the reason you're panicking. I'm not saying you shouldn't, it's normal for some to feel that way . . . pero kung kaya mong huwag mag-overthink, mas okay."

Yara lit up another cigar. "Overthinking is now my second skin, Dri."

"It really is." Dri forced a smile and blew a smoke. "Anyway, sinabi sa akin ni MJ na walang pagkain dito kaya bibili muna ako sa convenience store." Yara was about to speak but Dri didn't let her. "Don't. I'm helping a friend, isipin mo na lang, utang 'to." He winked.

Hindi na rin niya hinintay ang sasabihin ni Yara. Lumabas na siya ng unit para bumili ng pagkain nito.

Nagpunta si Dri sa convenience store na nasa baba ng condo. Hindi siya sigurado kung ano ang gustong pagkain ni Yara kaya bumili na lang siya ng kung ano.

Habang nakapila sa cashier, nagbabasa siya ng news. Malakas ang paparating na bagyo at marami na ang apektado. Ni hindi siya sigurado kung makauuwi nga ba si Yara kinabukasan.

Kahit ang labas ng condo kung nasaan sila, tumataas na ang tubig. Halos lahat ng nakasasalubong ni Dri, halatang nagpa-panic. Hindi rin nakatutulog na malakas ang hangin.

Pagpasok ni Dri sa condo, madilim dahil nakasara ang kurtina ng bintana, pero may kaunting liwanag kaya nakita niya si Yara na nakahiga sa sofa. Naka-fetal position ito na parang giniginaw kahit na mahina lang ang aircon. Mukhang bagong ligo rin ito dahil bago na ang damit.

Nakabukas din ang TV, hawak pa nito ang remote habang nakalaylay ang kamay.

Naupo si Dri sa sahig at nagsimulang mag-browse sa phone niya. In-accept na rin siya ni Yara sa Facebook kaya na-stalk niya ang profile nito. Walang masyadong post, mas madalas pa na parang puro memes na nakatatawa, at base rin sa mga naka-post, medyo may pagka-sarcastic ito, pero humorous.

Nilingon niya si Yara at napatitig sa mukha nito habang natutulog. Para sa taong tulad nito na mukhang masaya, hindi halata na nagsa-suffer ito ng panic at anxiety.

Yara was quiet and reserved. Any person who had no idea about her personal strugglings and sufferings would never know. Based on Dri's observation, he wouldn't know anything if he wouldn't pay attention to her expressions, mannerisms, and words.

People like Yara were hard to deal with. They were too independent.

Bumalik si Dri sa pag-stalk sa profile ni Yara. Inisa-isa niya ang pictures nito na kakaunti lang naman.

No DistancingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon