Chapter: 10

29 1 0
                                    


[Chapter:11]

Nagising ako sa malakas na sigaw ng bunganga ni Cassandra sa labas ng dorm namin. Ngayon lang siya nagkaganito, anong problema non? She's making me stress ha. Dahil kakagising ko lang din ay malabo pa ang aking mga mata at hindi pa makabangon dahil na rin sa sobrang pagod.

"Buksan niyo yung pinto!! Asan si Phenelopee!! Buksan niyoo!!" Patuloy niyang tugon habang kinakalabog at pilit sinisira ang pinto namin. Well, may code ang pinto namin at gawa sa metal kaya hindi basta basta makakapasok ang sino mang hindi namin ka dorm mate.

"Goodmorning" unat unat na sabi ni Lia sa katabi kong kama habang si Anne naman at si Mae ay kinukusot kusot pa ang kanilang mga mata. See? We're still tired at gusto pa naming matulog ng mahaba. What's wrong with her?

"Aga naman ng bunganga non" tawa ni Anne habang biglang humikab sa harapan namin at sinimulang tumayo. Inunahan ko naman siyang buksan ang pinto at dali daling lumabas ng kwarto.

Nakita ko namang wala pang tao sa sofa at blanko pa ang aming kusina. Napansin ko ring wala pa ang mga boys at paniguradong mahimbing pa sa ngayon ang mga tulog nito. I just get my slippers at pumunta na sa sink... Habang rinig na rinig pa rin ang nakakapaos na boses ni Cassandra sa labas. Why she like that tho? Hinahanap niya si Phenelope? E wala nga sa'min yun hindi umuwi at hindi sumama. I rolled my eyes and get my towel sa cr.. What a stressful weekend maglalaba pa'ko mamaya. Kumuha rin ako ng baso sa kusina at pinunuan ko yun ng tubig sa lababo and I began to brush my teeth.

Sumingit naman sa'kin si Mae habang biglaang binuksan ang gripo sa lababo at naghilamos ng mukha.... "Hinahanap niya si Phenelope" patuloy ni Mae at pinunas ang kaniyang mukha sa towel na nakapatong sa'king balikat. Why naman so dirty ha Mae?

Nagmumog naman ako at dinura ang tubig sa lababo at pinunasan ang aking bibig gamit ang towel na nasa balikat ko saka humarap kay Mae with a little confusion in my face.

"Akala ba natin??? Nasa kaniya?? Ganun naman minsan diba? Kapag merong nagaganap na keme dito minsan nakikitulog muna si Phenelope kay Cassandra kasi natatakot siya??" Tanong ko habang nakakunot at pinagmamasdan ang isa isahang boys na lumalabas at nag-uunatan na rin ng kanilang mga katawan habang ang iba naman ay nakakunot na tinitignan ang pintong kumakalabog kasabay ng mga sigaw sa labas ni Cassandra. Sound proof yung loob pero hindi kinaya nung boses ni Cassandra sa labas. Is she Ok?

Kumaway naman sa'kin si Erick habang nagayos ng mga pinggan sa kusina. Agad ko naman siyang nginitian dahilan para lumawak ang mga ngiti sa kaniyang pisngi. Hays crush na naman ako ni Erick....

Agad ko naman ng nilisan ang lababo at pumunta sa sofa at nakiusiyoso dahil kanina pa tawa ng tawa si Roger at Marco.

"Problema niyo?" Tawa ko rin habang kinakatok katok naman ni Gregorio ang bakal na pinto at sinusundan ito ng malalakas na sipa ni Cassandra.

"Eka ikaw na nga magopen niyan, hayop to si Roger e duwag" tawa niya habang sinasabunot bunutan ang kaibigan. Umiling naman ako habang nakita kong tinatapat pa ni Gregorio ang kaniyang mga tenga para lang marinig ng malakas ang sigaw ni Cheska sa labas. Abay bingi ata to e.

Pinatabi ko na si Gregorio habang tumatawa rin to at humahagikgik. Agad ko namang pinindot ang code sa gilid ng pintuan at binuksan agad ang pinto. Sa pagbukas ko ng pintuan isang malaking sampal sa mukha ang aking inabot.

Agad na namanhid ang aking buong mukha at hindi ko na maramdaman ito. Masakit and at the same time wala akong maramdaman.... Napahawak na lamang ako sa aking pisngi at napayuko habang hinihimas himas ito. Ouch! Anong nangyari!?

Nakita ko ring marami ng tao sa labas habang pati na rin si Cassandra na suot pa rin ang kaniyang uniform kahapon. Agad naman akong dumiretso ng tayo at agad tumingin sa mga luha at nanlilisik niyang mga mata.

Until We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon