Chapter 23

491 13 1
                                    

Chapter 23

I woke up having a headache. I remember throwing up inside Theo's bathroom. Hindi ko na kaya pang paliguan ang sarili kaya naghilamos na lamang ako at tsaka pinatulog ni Theo. Wala si Theo sa kwarto pero abot dito sa loob ang amoy ng niluluto niya.

It's Sunday so he doesn't have work today. Isang malaking gray t-shirt na ang suot ko ngayon at boxer shirts na sigurado rin naman akong sa kanya. Masakit man ang ulo, pinilit kong bumangon para makapunta sa loob ng banyo.

Hindi ako mapakali na hindi man lang ako nakaligo bago matulog kaya agad akong naligo para malinis ang katawan ko. Paglabas ng banyo, itinapi ko na lamang ang sarili sa tuwalya at naghanap ng damit sa closet ni Theo. He doesn't mind if I wear his clothes so I picked one of his shirts and another boxer shirts.

Tiningnan ko ang phone ko at napansin kong puro missed calls 'yon galing kay Troy kagabi. Tinawagan ko kaagad siya dahil baka mahalaga ang tawag kagabi at hindi ko nasagot.

"Hello? Troy, I'm so sorry. Lasing na lasing ako kagabi. Hindi ko na nasagot ang mga calls mo. Why?", salubong ko sa kanya.

"Ah! Wala 'yon. Akala ko kasi... teka, hindi mo pa nababasa mga text ko?", tanong niya.

"Wait, let me check", saad ko at in-on ang speaker mode habang tinitingnan ang messages niya kagabi.

Troy Gavillan: Clara Priscilla, akala ko umuwi ka na? Bakit may Del Rio raw dito sa club?

Troy Gavillan: Hoy! Tulog ka na ba? Gagi.

Troy Gavillan: Nasaan si Theo?

Troy Gavillan: Hala! Akala ko ikaw! Del Rio raw 'to kaya to the rescue ako kasi akala ko ikaw. Sino 'to? Kahawig mo nang slight. May bangs!

Troy Gavillan: Hoy! Kamag-anak mo ba 'to? Akala ko kasi ikaw kaya sabi ko bestfriend ko. Potek!

"Hello? Sino ba 'tong babae na 'to?", tanong niya sa akin.

"Uh... ano raw name niya?", I think I know who but I just want to make sure.

"Hindi ko nga alam 'e. Ang sungit sungit ng babaeng 'yon. Siya na nga ang tinulungan, siya pa ang galit! Sure akong hindi mo 'to kamag-anak, mas mabait ka", maktol niya sa kabilang linya.

My brother said that Sofia was nice so it's impossible. Baka hindi siya.

"Baka pinsan ko sa side ni Dad. I don't really know, Troy. Nasaan na 'yung girl?"

"Umalis na. Nakakalungkot. Hindi man lang kinain 'tong lugaw na niluto ko. Sabi ba naman sa akin bago siya umalis, hindi raw siya kumakain nang malatang sinaing. Hindi niya ba alam na lugaw 'to?", pikon na pikon si Troy sa kabilang linya.

"Hayaan mo na. Baka pinsan ko nga 'yan kaso hindi ko ka-close mga pinsan ko 'e"

"Ang sakit ng likod ko. Sa sofa kaya ako natulog para sa kama ko siya tapos hindi man lang nagpasalamat bago umalis. Sana hindi masarap ulam niya!", nagrant pa nang nagrant si Troy bago natapos ang usapan namin.

I was so close to thinking that Sofia was the girl Troy met at the club but maybe it was not her. Hindi naman siguro magiging ganoon ka-rude si Sofia dahil sabi nga ni Kuya Pancho, mabait naman daw.

Lumabas ako sa kanyang kwarto habang nagsusuklay ng basa kong buhok. Naabutan ko naman siyang naghahain na ng almusal. He looked my way and smiled.

"Good morning! Sakto, katatapos ko lang magluto", saad niya at tsaka bumalik ulit sa kusina para kumuha ng kape.

"Good morning din. Did you have a hard time taking care of me last night? Ang sakit ng ulo ko, love", sambit ko at tsaka yumakap sa kanya.

"Hindi naman. Sinukahan mo lang naman 'yung carpet sa hagdan kaya kung napapansin mo wala ng carpet. May nabasag ka ring vase kagabi kasi ang likot mo 'nong buhat kita. Hindi naman ako nahirapan. Hindi talaga"

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon