Lulan ng maitim na kalangitan kasabay ng pag-agos ng kalungkutan,
Ala-ala ay pilit na kalimutan pakalmahing lubusan pusong nasaktan
Dahil ang pagpatak ng luha ay isang krusadang kailangang pagdaanan,
Pag luhang nagunita sa pag-ibig na kulang ang tangis na pagmamahalan
Nag wakas sa isang paalam na magiging isang ala-alang dapat paghugutan,
Na kung saan ako nagkulang pagsinta na nasayang hindi na dapat matularan
Ang minsan na pagsinta na nagbigay ng saya pagkukulang sana'y napunan,
Upang hindi na tuluyang maiwan pa sa dilim na kung saan puso ay luhaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/3396822-288-k439821.jpg)