BAGONG TIMPLA

27 2 2
                                    

"Icccyyy----!"

Aray. Automatic na nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ng tumili sa kabilang linya si Angel.

"Sabay na tayong pumasok ha. Dadaanan kita diyan sa unit mo. My e-chi-chika ako sayo madir. Naku, excited na kong pumasok para makita ko na ang lalaking napana ni kupido para sakin. Ayiiieeee..!" Tuloy-tuloy niyang talak na tumitili pa.

"Hoy bakla, ang boses mo naman. Nagsara ang tenga ko sa tili mo eh. Para kang nasunugan ng itlog na naghahanap ng saklolo. 'Wag ka ng dumaan sa unit dumeretso kana dito sa Rob at nandito na ko sa Kape Shap, kanina pa. Magkita nalang tayo sa labas ng CR sa groundfloor. Message mo ko pag nandito kana at may kwento din ako sayo. " Excited ko ding sagot sa kanya.

"Ay iba din. Masaya ka teh? Parang may nahihimigan akong mahiwaga sa mga salita mo ah. Curious na ko sa kwento mo. Pero yung chika ko ang abangan mo babae. Dahil ito na ang panahon na para sa akin. My time, my day, my moment." Ang landi ng boses.

"Oh sige, sige na mag iingat ka sa byahe at umuulan pa. Bye." Excited talaga ako at nakangiti ng e-off ko ang cellphone. Isinilid ko na ito pabalik sa bag ko. Inisang lagok ko na ang natirang kape sa tasa at napatingin sa kaharap ko.

Sheeets. Nakatitig na talaga siya. Ang awkward ng feeling.

"Pareho tayo ng ringtone."
"Pareho tayo ng ringtone."

Sabay pa kaming nagsalita at nagtawanan.

"Ahm, salamat ulit sa kape ha. Paano ba yan, ang dami ko ng atraso sa'yo. Nabasa ko na nga paa mo, ikaw pa ang nanlibre ng kape sakin. Paano ba ko makakabawe sayo?" Nahihiya man ay nakangiti parin akong humarap dito. Hindi sumagot si lalaki. Tumingin lang ito sa kanya at nagsulat sa isang papel na hawak.

"Mauna na ko sayo a, may pasok pa kasi ako ng alas otso."

Kinuha ko na ang makasalanang payong sa baba ng lamesa. Nakatayo na ko ng bigla niyang pinigilan ang braso ko. Holy cow, Icy! Ikaw na. Ikaw na ang Icy na naging hot. Tae namang pakiramdam to, ang init. Humaygad! Hawak palang niya sa braso ko nakakapang-init na. Electric shocks, wala man lang warning, juice ko.

Nakita kong may nakalahad na papel sakin na inabot ko naman. Binasa ko ang nakasulat.

Keeno Antonio Beltran
CP# 090-0012-818*

Eeiiiiiii!!!!... tuluyan na ngang nakuryente ang mga braincells ko, literal na nanginig sa kilig ang buong katawan ko. Sabi ko na nga ba e, he is attracted to me. Bwahahahah... evil laugh is echoing on my mind. Click! Memorize ko agad ang number at ang pangalan. In fairness, ang sarap banggitin ng pangalan niya. Lalaking-lalaki. Barakong-barako. Keeno Antonio Beltran. Haha. Inulit-ulit ko pa sa isipan ko.

"Can you please do me a favor?" Ayun, nagsalita na din si barako. Pero ano daw,? Favor? Kaya niya ko ni libre ng kape para mahingan ng favor? ayos to ah.. advance mag-isip. "-Napansin ko kasing close ka dun sa barista na nakausap mo kanina."

"Ah, si Jeron, oo. Pamilya nila ang may-ari nitong Kape Shap. Close kami dahil classmate at best friend siya ng kapatid ko." Singit na ko sa sinasabi niya para naman humaba-haba ang usapan.

"Oh good. Kung ganun pala pwede mo ba siyang makausap para sakin? Ipapakisuyo ko sana ang motor ko sa labas na kung pwede ko munang maiwan dito sa area nila. Hindi ko pa kasi madadala sa kabila, malakas pa ang ulan. Pakibigay nalang ng contact ko sa kanila, please." Ayy, ang mata. Parang nakikiusap na baby. Kulang nalang mag pout. Ang cute lang. Sino ba naman ang makakahindi diba. Sa gwapo ng barakong to. At likas naman na mabait ako, kaya okay lang sakin yun. Isa pa may atraso nman ako sa kanya. Pero akala ko pa naman interesado na siya sakin kaya binigay ang name and contact niya. Hmpf! Di bale na nga lang, punta na ko kay Jeron.

KWENTONG KAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon