HAYYYY.pang ilang buntong hininga ko na ba ito ngayon?Hanggang kelan ba ako mananahimik dito sa isang tabi?na nasasaktan.
Gusto kong sabihin sakanya na antanga tanga nya.Ang tanga nya para manligaw sa isang babae ng apat na taon.Ni hindi man sya nito sinasabihang mahal sya nito o kung may balak ba syang sagutin siya.
"Kien,hanggang kelan ka ba tutunganga dyan?magtatime na oh!"sigaw ni Vien.kambal ko.
"Oo na!hintayin mo ako ha?"sabi ko sakanya.bago ako umalis,tumingin ulit ako dun sa bench na inuupuan nila kanina.Wala na si Lizzy sa inuupuan nila kanina pero naiwan si Johniel,nakatulala.
~
Natapos na yung Geometry.sa Wakas!medyo sumasakit yung ulo ko dahil sa pinasagot na problem ni maam.urgghh buti nalang may calcu ako at pinayagan kami gumamit.Naisip ko,Trigo na pala nila ung next class.panigurado madami na namang manghihiram na calcu dito sa 8 Ssc.Si Maam Ramos pa naman ung teacher nila nun.Sobrang terror nun.
Sa totoo lang ayaw kong nagpapahiram kase baka hindi nila ibalik.Pero sana kahit isang beses lang pumunta sya dito sa room at manghiram.Hayyyy.
"Guys may calcu ba kayo?pahiram naman!"
"Uy ako din!please malapit na dumating si maam Ramos!"
Tinignan ko yung calculator ko sa bag.Ipahihiram na ba kita?hay wag na muna.aasa ako na kahit isang beses lang pumunta sya dito at manghiram.
"Good Afternoon class."dumating si Maam Samaniego.hay buti nalang Biotechnology yung subject ngayon.hindi ako mapepressure.
"Maam Samaniego pwede po ba magtanong kung sino may calcu?please maam need ko na po talaga."
We are in the middle of the class when someone asked Maam Samaniego kung sino may calcu.
Lumingon ako at nakita ko Siya.Eto na ba talaga yun?Nagtaas ako ng kamay.
"Maam ako po meron"Sabi ko.
"Okay.Ibigay mo nalang sakanya sa pinto."Sabi naman ni Maam.Kyaaaaah!Kanina pa siguro ako naglupasay dito sa kilig.
Naglakad nako papunta sa door habang hawak ko yung calcu.
"Eto po kuya"sabay abot ko nito at ngiti sakanya.
"Maraming salamat ahh?balik ko nalang mamaya sayo."kahit wag na.
"Atsaka ano pala name mo para maipagtanong kitakapag ibabalik ko to?Saka Johniel pala ung pangalan ko:)"alam ko matagal na.
"Kien po.Sige po nagsisimula na po yung discussion balik na po ako ah?bye:)"Grabe talaga.kahit sana maging magkaibigan nalang kami.pero masakit din yun sa part ko.
Bumalik na ko sa upuan ko tapos bigla akong kinanchawan ng mga kaklase ko pati nila maam.urgghh kaynes lang.
"Ayiieee nagkakilala na sila sa personal ni crush haha"
"Kien ayyyieeee!"
Hay tampulan na naman ako ng tukso nito.
"Tigil na nga guys!"sigaw ko.urrghh pero pinipigilan ko lang di mapangiti para di nila malamang kinikilig parin ako hanggang ngayon.
~
"Okay goodbye class."
"Goodbye Maam Samaniego.see you tomorrow"
Hala.di ko namalayan na tapos na pala yung class.May isa pa kaming class at pwede na kami umuwi.hayy excited na talaga ako.
"Kien tara punta tayong canteen."aya sakin ni Vien.Sya kase yung palagi kong kasama atsaka kumbaga,sya narin ung bestfriend ko.