Bianca: si Crush oh.
Jorce: kinikilig ka na naman. :))
Bianca: hayaan mo na ko, di ko na masyado makausap e.
Jorce: bakit naman, e hindi naman nya alam na Crush mo sya.
Bianca: kahit pa, kakahiya kaya.
Jorce: alam na ba to nina Shantal?
Bianca: hindi pa, wag mong sasabihin. ikaw pa lang ang may alam.
malakas pa namang mang-asar ang mga yun lalo na si Shantal.
Jorce: oo nga, lagi ka na namang aasarin nun pag nalaman nya.
luka yun e..hahaha
Shantal: hoy ano na naman yan.
Bianca: secret. hehe
Shantal: sus kilig na kilig ka e.
" yun ang araw na una kong nakitang kinikilig si Bianca na
para bang nasa paligid lang ang lalaking gustong gusto nya.
di nya man aminin, alam kong kilala ko rin ang lalaking yon. at hindi
nagtagal nalaman ko din, at hindi lang ako. lahat kaming magkakabarkada.
Obvious na obvious naman kasi e. tapos masyado nang nagkakahiyaan ang dalawa. "
Bianca: Shantal magkatxt kami kagabi.
Shantal: o kamusta naman kayo?
Bianca: ayun, kwentuhan kami ng kwentuhan, ang sweet nya. :)) yie
Shantal: nililigawan ka na ba nya?
Bianca: hindi nga e.
Shantal: wag kang masyado aasa ha. baka tinitrip ka lang nyan.
Nicka: yan nga rin ang sabi ko sa kanya, tsaka ang bata nya para kay Ezekiel.
Shantal: baka piniflirt ka lang nya dahil alam nyang gusto mo sya.
Bianca: ang nega nyong dalawa.
Shantal: nagpapaalala lang kami, syempre concern kami sayo,
bunso ka ng barkada e.
Bianca: e hindi naman nga nanliligaw e.
Shantal: yun ngang hindi pa nanliligaw, fall na fall ka na sa kanya,
what more pa kung manligaw na diba?
" at yun na nga ang sinasabi ko, dumating ang time na nanliligaw
na si Ezekiel kay Bianca, at sinagot naman din ni Bianca.
Pero unti unting nagbago ang lahat sa kanila. kung nung M.U pa lang
sila , sobrang sweet ni Ezekiel. nung nagtagal iba na."
Bianca: di man lang sya nagttxt sakin.
Shantal: bakit nag-away ba kayo.
Bianca: wala daw syang cellphone.
Shantal: e yun naman pala e.
Bianca: bakit hindi ba uso cellphone sa bahay nila.
imposible namang lahat sila wala cellphone diba.?
Shantal: naku pabayaan mo muna, hintayin mo lang. magttxt din yun sayo.
" umeksena pa ang isang lalaking may gusto din kay Bianca.
naging magkatxtmate at nagkikita rin sila. Lalo nang gumulo."
Bianca: ang sweet ni Michael sakin, :))
Shantal: alam ba ni Ezekiel na may katxtmate ka?
Bianca: hindi. e hindi nga sya nagttxt sa kin e. ni hindi ako makausap ng personal.
tapos, ang gusto pa, ako ang pumunta sa bahay nila.
Shantal: ano ba yan? para namang ang layo ng bahay nyo sa bahay nila.
tsaka sya ang lalaki dapat sya ang napunta sa inyo.
Bianca: yun na nga e, nakakainis. buti pa si Michael, laging nagttxt.
paggising sa umaga hanggang bago matulog.
samantalang sya ni hindi man lang nagpaparamdam.
pag nga sa church e, hindi man lang ako mahintay kahit saglit.
Shantal: yan na nga ba ang sinasabi ko sayo dati e. e anong balak mo?
Bianca: anla bahala sya kung magttxt sya o hindi.
" gumulo na ng gumulo nung nagkatrabaho pa si Ezekiel.
madalang na ngang tumawag at magtxt, lalo nang lumamig ang relationship nila."
Shantal: kamusta na kayo? may improvement na ba?
Bianca: naku, pang night shift daw sya. tinawagan ko kanina.
matutulog na daw sya. akalain mong babaan ako ng cellphone.
e dapat nga matuwa sya dahil naririnig nya boses ko e.
Shantal: palala kayo ng palala e.
Bianca: e sya , wala ng oras sakin. ako na nga yung nageeffort. ayaw pa nya.
Shantal: edi hiwalayan mo na kung hindi ka na masaya.
Bianca: makikipaghiwalay na talaga ako. di ko pa lang masabi
dahil nga wala kaming matinong pag-uusap.
" at yun tuluyan na nga silang naghiwalay. nung una ayaw
ni Ezekiel pero anong magagawa kung ayaw na ng isa diba.
mahirap nga naman ang ganung sitwasyon.
babae pa ang nageeffort at ang masama pa dun. walang appreciation.
at hanggang ngayon hindi pa rin sila nakakausap ng maayos.
yan tuloy AWKWARD ang peg ng dalawa."
BINABASA MO ANG
I Prayed for Countless Days
Novela Juvenilmasasabing perfect couple na sina Calem at Shantal, pero hindi maiiwasang subukin ang samahan nila. Ano nga ba ang dapat gawin ng dalawang nagmamahalan para lagpasan ang mga ito? Sapat na nga ba ang salitang MAHAL KITA para manatili sila sa tabi ng...