Chapter 4

13 2 0
                                    

Gumising ako ng maaga para maaga din akong makapunta ng school. Pagkatapos kung gawin lahat ay umalis na ako ng bahay dahil maglalakad lang din naman ako.

Nasa kalagitnaan ako ng kalye ng biglang umulan kaya napatakbo ako para mag hanap ng masisilungan sakto ding may nahanap agad ako. Dahil nakalimutan ko ang payong ko naghintay akong tumila ang ulan pero mga sampung minuto na ang lumipas ay tela ba palakas ng palakas ito kaya nababasa na ang suot ko,  sa kasamaang palad naka off shoulder at kikay na  saya lang ang suot ko ngayon kaya nakaramdam ako ng ginaw . Nakasibilyan lang ako dahil nga kakalipat ko lang so hindi pa tapos ang uniform na pinagagawa ni mama.

Pansin kung parang kanina pang may nakatingin sakin kaya agad akong tumingin bandang kanan ko. Nakaramdam ako ng takot dahil may isang lalaki don na para bang baliw , bigla siyang kumaway sakin at ngumisi sakto din tumunog ang cellphone ko kaya napatalon ako sa sobrang gulat.

"Asan ka ? Wag kanang pumuntang School dahil suspended na ang  klasi ngayon may bagyong paparating" sabi ni Zriel sa kabilang linya pero sobrang hina ng boses niya at umalingaw ngaw ang tunog ng hangin kaya di ko gaanong maintindihan ang mga sinasabi nya.

"Huh?" Nataranta kung sabi sa kanya dahil pansin kung naglakad papalapit sakin yong baliw na lalaki hindi ininda ang lakas ng ulan, parang bihusan ako ng tubig ng bigla siyang huminto.

"Zriel, help me, " naiiyak kong sabi sa linya "nasa kalye ako ngayon" nanginginig ang tudhod ko sa takot at ginaw.

"Zri--toot toot toot" biglang nabasag ang salita ko ng biglang namatay ang linya. Nakatingin lang ako sa lalaki ngayon ngising ngisi siya kaya naman mas nangingibabaw pa ang takot na naramdaman ko ngayon. Napaiyak ako, nanghihina ang katawan ko sa takot at nanginginig ang tuhod ko sa ginaw . Hindi ko alam ang gagawin ko gustuhin ko mang tumakbo ay para bang napako ang paa ko. Humakbang  ang lalaking baliw papunta sa kinaroonan ko dahilan para mas lalong nangingibabaw ang kaba ko . Hindi posibleng may mangyayaring masama sa akin ngayon lalo na't malakas ang ulan, walang makakatulong saakin,  napahagulhol ako ng iyak sa takot nayakap ko nalang ang katawan ko pikit tinatakpan ang kabuoan ng katawan.
Nagdasal na sana may makakatulong sa akin ngayon.

Sobrang lapit na nang lalaki sa direksyon ko. Ngisi nya palang ay para bang may masama na siyang ginagawa. Napapikit ako at napalakas ang iyak ko. Biglang lumakas ang hangin at bumuhos ang malakas na ulan na para bang nakikiramay ang langit sa sobrang takot na naramdaman ko ngayon . Napahinto na naman ang lalaki at dali daling naghanap ng masisilungan kaya na bawas bawasan ang kaba ko kahit papano pero di parin bumalik ang lakas ko. Todo dasal ang ginawa ko na sana , sana may dumaang kotse dito kahit imposibleng mangyari yon dahil hindi ito daanan ng kotse. Biglang umilaw ang paligid kasabay non ang pagpatak ng luha ko.Bumalik lahat ng lakas na kanina pa nawala. Sa puntong yon masasabi kong hindi ako pinabayaan ng Panginoon at tinupad niya yon.Kay buti ng Diyos sa akin.

Dali dali akong tumakbo sa gitna ng kalsada at hindi pinansin ang lakas ng ulan, basang basa na ako pero wala akong pakialam dahil gusto kung makawala dito ngayon.Sobrang bilis ng takbo ng kotse pero wala akong pakialam, mas mabuti ng masagasaan kaisa naman magahasa ng hindi inaasahan.

Ilang agwat nalang ng layo ko ay pumagitna agad ako mabuti nalang at mabilis ding napahinto ang kotse dalawang agwat nalang pagitan ko don sa kotse. Ang liyagang naramdaman ko ngayon ay di matutumbasan ng anuman. Napaluhod ako at napaiyak ng malakas. Narinig kung bumukas ang pintuan ng kotse pero di ko nalang yon bigyan ng pansin.

"WHAT THE HELL IS WRONG WITH YOU!!!" Galit na galit nyang sigaw sa akin dahil wala din siyang dalang payong may basang basa na din siya dahil sa lakas ng ulan.Well, wala namang matutuwa sa ginawa ko.

Boses niya palang ay kilala kuna. Hindi ko inaasahang sa kabila ng lahat siya pa ang makakatulong saakin.  Nag angat ako ng tingin at pansin kung nabigla siya , siguro dahil sa hitsura ko o baka hindi niya inaasahan na ako ang taong to.Sinuri niya ang kabuoan ko na para bang walang pinapalagpas anumang parti at para bang galit na galit at naaawa sa nasaksihan. Isa lang ang masasabi ko sa sakili ko ngayon
" NAKAKAAWA AKONG TINGNAN" dali dali akong tumayo at yumakap sa kanya ng sobrang higpit at umiyak ng umiyak , wala akong pakialam kahit may makakita ngayon pero nasisiguro kung yong baliw na lalaki lang at wala ng iba.

Napahagulhol ako ng iyak lalo na nong himasin niya ang likuran ko, para bang safe na safe ako sa kamay niya, para bang may kakampi ako ngayon,at para bang hulog siya ng langit, hulog nga naman siya ng langit dahil kung hindi siya dumating hindi ko alam kong san ako pulutin. Napakalaking utang loob ko sa lalaking ito at ipapangako kong babayaran ko yon.

"Hey, " mahinang tapig niya sa balikat ko na para bang takot na takot siyang masaktan ako.

"Thank you." mahinang sabi ko sakto lang na marinig nya. Tumingin ako sa direksyon ng lalaki kanina pero kunti lang ang nakikita ko dahil namumugto na kakaiyak pero alam kung nakangisi parin yong lalaki , baliw talaga loko!

"Fuck You!!" Sobrang lakas na sigaw niya kaya naman  gulat na gulat ako napahiwalay ng yakap at napatingin sa kanya pero don na siya sa lalaking baliw na katingin kaya napasunod din ako ng tingin kita ko kung paano nabigla yong baliw na lalaki at tumakbo.

"I'm sorry,kung matagal akong dumating, " siya na ang kusang yumakap saakin, gulat man pero niyakap ko na rin siya para kaming nasa isang pelikula kung san kaming dalawa ang bida at nagyayakapan sa gitna ng malakas na ulan. Sobrang haba ng yakapan na yon ng pasin niyang nangangawit na ako ay niyaya niya akong sumakay sa kotse. Inalalayan pa nya ako na para bang takot madulas at saka pinagbuksan  ng pintuan at dahan dahan niya akong pinaupo na tela ba isang bagay na  iniingatan at takot maiwan , siya na rin ang kusang naglagay ng seatbelt  ng nasa maayos na ako ay saka lang siya umikot para pumasok sa kabilang upuan at umupo.

"Wear this, " may inabot siya saking paper bag nahihiya man ay tinanggap ko parin.

"Don't worry, hindi ko pa nasuot yan."saad niya

"Paano ka ?" Nag alalang sagot ko sa kanya kasi basa din siya.

" It's okay, " supladong sagot niya pero di ko nalang yon pinansin

"Thank you ulit, " at isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko mas lalo pa akong napangiti ng mag iwas siya ng tingin.abayy problema mo .hahahha

Sinuot ko nalang ang t shirt nya sobrang laki pero imbes na magreklamo ay tumahimik nalang ako dahil nakakahiya na.

"Saan ang bahay niyo?" basag nya sa katahimikan

"Huh? I mean , jan lang malayo pa tayo sasabihan nalang kita." kalmadong sabi ko dahil maayos na ang pakiramdam ko ngayon pero hindi parin tumila ang ulan.

Tiningnan niya lang ako at saka nagdrive ulit. Hindi yata uso mag ingay sa kaharian nila kaya hindi narin lang ako nag daldal.

Ng makaramdam ako ng antok ay umiglip ako saglit.

"Hey" biglang may tumapig sa balikat ko " andito na tayo" dugtong pa nyang sabi.

Nag inat muna ako bago dumilat
"Sorry napasarap ang tul---------Ohmyghod HINDI AMIN TO!" naalarmang sabi ko dahil nasa harap kami ng mansyon ngayon.

"I KNOW, " natatawa niyang sabi

"Kung ganon, kanino to?" Gulat na gulat na sagot ko

"Mine, " saka siya bumaba ng kotse at pag buksan ako.

NAKU PO!

I Still Remember The Day You Left MeWhere stories live. Discover now