|28|

86 13 1
                                    

Chapter 28



KINAUMAGAHAN bumabagabag parin at hindi mawala sa isip ang usapan namin kagabi ng magulang ko, maging ang pangalang ibinanggit ni dada. Sobrang pamilyar saakin ang pangalan, pero dahil nga limang taon na ang nakakaraan hindi ko na maimagine ang mukha, pero alam ko talagang pamilyar sakin ang panagalang iyon.


Pilit ko nalang iwinawaksi sa isipan ang napag-usapan kagabi.


Tuloy parin ang bugso ng ulan at kaunting pagkidlat sa lugar namin. Ayon nga sa balitang pinapanuod ngayon ay unti-unti na raw umaalis ang bagyo.


May ibang lugar na naaarawan na at nakakabalik na sa dati nilang ginagawa. May ibang lugar naman na tuloy parin ang pag bugso ng malakas na ulan.


Nakakaawa nga ang mga pamilyang napapanuod namin sa balita dahil nasalanta ng bagyo ang kanilang mga kabahayan, maging ang kanilang mga pangkabuhayan.


"Naninikip ang puso ko kapag nakakapanuod nito. Hay naku!"


Napatingin kaming dalawa ni Begail sa matandang tutok ang paningin sa pinapanuod na balita at hagod-hagod ang dibdib dahil sa awa na nararamdaman. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala para sa iba. Maging ako ay ganun din naman ang nararamdaman sa oras nato.


"Nakakaawa nga po lola." Maging si Begail malungkot na napa komento. "Kung ako po ang nasa kanilang kalagayan maaawa din ako sa sarili ko. Baka tuluyan na akong sumuko, nawalan ng bahay at nawalan na rin ng pangkabuhayan. Sa panahon pa naman natin ngayon, mahirap makabangon kung hindi tayo tutulungan ng kapwa natin." Seryoso at walang halong biro na sabi nito saamin ni nay lusing.

Kaming dalawa ng matanda ang nagkatinginan. Humanga ulit ako sa mga lumalabas na salita mula kay begail. Kahit ganun siyang bata ay makikita na may potensyal. May puso para sa iba. Maawain.


"Ano ang dapat nating gawin kung ganun apo?"


"Bakit hindi po tayo tumulong?"


"Sa anong paraan naman tayo makakatulong kung ganun?Nakikita mo ang kalagayan natin? Nakikitira lang din tayo, wala tayong sapat na pera para ibigay sa kanila at makatulong..."

Napapalunok ako sa kanilang salitan ng salita. There is still pure soul pa din pala who wanted to give help but then they can't help because of their status.

Kung ako at ang pamilya ko hindi ganun ka angat sa buhay may mas mababa pa pala saamin pero ang kanilang puso ay higit na mayaman dahil kahit walang wala sila gusto nilang makatulong.


"Gusto kong makatulong lola" madiin niyang bigkas sa bawat salita.


"Makakatulong karin Begail hindi man ngayon, sa susunod kapag malaki kana at kapag nakahanap ka nang magandang trabaho, tulungan mo ang kapwa mo. Ang makakaya lang nating gawin sa ngayon ay ipanalangin sila na nawa may mabubuting pusong magbigay sa kanila ng libreng tahanan at pagkain." Ani ng matanda sa kanya.


"Bakit hindi po tayo magluto? Sayang din po kasi yung pinamili natin kahapon, hindi rin natin maibebenta." suggestion ko na ikinalaki ng mga mata nila.

MFS1:TO FALL-COMPLETED✅ (AVAILABLE IN NOVELNOW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon