CHAPTER 9

1.6K 39 0
                                    

CHAPTER 9

Hawak ni Talia ang dibdib habang naghahabol ng hininga. hindi nya mawari kung bakit ganuon nalang kalakas ang pagkabog ng dibdib nya. pinakatitigan nya ng mabuti ang binata at halos manluwa ang mga mata nya ng masilayan nya ang mukha nito.

"Cohen?" parang yelong nanigas si Talia sa kinatatayuan hindi nya malaman ang gagawin. magagalit ba sya o matutuwa?

Bahagyang lumapit si Cohen sa kanya kaya muli nanaman syang napaatras. nagmistulang tambol ang puso nya dahil sa lakas ng pagkaka-tibok nun.

"C-cohen" kinakabahang aniya.

Halos mahugot ni Talia ang sariling hininga ng bigla nalang sya nitong i-corner sa magkabilang gilid ng pader. isang dangkal nalang ang layo nila sa isat-isa kaya ramdam na nya ang mainit na hininga ng binata na tumatama sa balat nya.

Napapikit sya ng makita nyang muli nanaman syang hahalikan ng binata, pero ganuon nalang ang gulat nya ng bigla nalang nitong binagsak ang ulo sa balikat nya.

"Cohen?" bahagya nya pang niyogyog ang balikat ng binata. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nya pa.

Hinintay nya ang sagot ng binata pero mukhang nakatulog na ito dahil naririnig nya ang mahinang paghilik nito. napipilitang kinuha nya ang braso ni Cohen at isinampay iyon sa balikat nya para alalayan ito papunta sa kama.

Hinanap nya ang switch ng ilaw at ganuon nalang ang pagkagulat nya ng bumungad kaagad ang mga bote ng alak sa buong pasilyo.

"Anong nangyari dito?" tanong nya sa sarili habang tinitingnan ang mga boteng nagkalat sa sahig.

Isa isa nyang pinulot ang mga bote ng alak bawat madadaanan at pagkatapos ay inilapag iyon ng maayos sa bandang gilid ng dingding.

Habang inaayos ang mga kalat nahagip ng mata nya si Cohen na ngayon ay mahimbing ng natutulog. ngayon lang nya napag-alaman na naka boxer lang pala ang binata at wala itong kahit ni ano mang pang itaas na suot.

She walked towards Cohen's bed then she took the blanket and wrapped it around Cohen's body.
while standing in front of Cohen Talia couldn't help but stare at Cohen's gentle face and as she stared at his handsome face she wondered, what does Cohen's kiss mean? Did he kiss her because he also liked her? or did he just kiss her because he was drunk?

now she is confused again, she doesn't know how long she will look for answers to her questions. palagi nalang syang nagtatanong sa sarili pero maging sya ay walang nakukuhang sagot.

Talia just sighed. she was about to walk away when suddenly someone stopped her wrist. at ng tingnan nya iyon ay nakita nya si Cohen nakapikit parin ito pero hawak nito ang mga kamay nya.

"Cohen-"

"Stay....." halos bulong nito sa hangin. "p-please..."

Lumukob ang pag-aalala nya sa binata ng maramdaman nya ang mainit na balat nitong tumama sa kamay nya. nilapitan nya ito at sinuri ang noo nito.

"ang init mo" nag-aalalang aniya. pinulupot pa nya ang kumot ng binata hangang leeg inayos pa muna nya ang pagkakakumot bago nya hinarap ito. "dito ka lang, kukuha muna ako ng gamot sa baba"

Chasing Your Heart  [UNDER REVISIONS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon