Limang taon na kameng may relasyon ni Vice pero bakit isa parin akong sikreto sa buhay niya? Pinangako niya sakin dati na ipagmamalaki at ipagsisigawan niyang girlfriend niya ako sa buong mundo pero nananatiling pangako ang pangako niya. Napakarami nang araw ang lumipas at wala paring nagbago. Hihintayin ko na lang bang mapako ang mga pangako niya't tatanggaping hanggang sikreto nalang ang salitang... Kami?
"Alam mo, Karylle konting konti na lang makakagawa ka na nang libro tungkol sa lihim niyong relasyon ni Vice." Seryosong sabi ni Anne.
"Kase naman, anne. Bakit noong sila nang crush niyang si Kaye eh nabalita naman sa bawat sulok ng mundo. At nung naging kame... Hays nevermind." Malungkot na sabi ni K
"Simula nang bumalik yang kaye napapraning kana. Kausapin mo kaya si Vice... omg speaking of the devilsssnake." Napatingin naman ako sa direksyong tinitignan ni Anne. "Pigilan moko, K. Kakalbuhin ko natitirang buhok nang baklang yan." Sabi ni Anne na akmang susugurin na ang nagtatawanan at naghahampasang sina Vice at Kaye
"Tara na, anne. Alis nalang tayo. Hinihintay na tayo nina Vhong diba?" Sabi ni K habang hila hila si Anne palabas ng studio.
---
8pm na at tatlong oras na ding hinihintay ni Vice si K sa tinutuyan nilang condo. Kanina niya pa ito tinetext at tinatawagan ngunit wala siyang napala dahil siguro nakapatay ang telepono nito. Iniisip niya namang tawagan sina Anne o Vhong pero alam niyang pipilitin lang siya nitong sumama para uminom. Shoot. Baka nga kasama nila si Karylle ngayon. Bakit nga ba di niya naisip yun? Hindi niya naman niya namalayan at nakatulog na siya sa sofa.
Nagising si Vice sa mga halakhak na nagmumula sa pintuan at nasisiguro niyang kila Vhong at K yun.
"Vhong, move-on move-on din ha?" Natatawang sabi ni Karylle
"Hahahahahhahahahahaha. Titigil lang ako kung mapopost ko na 'to." Tawa ng tawa lang si Vhong habang pinapanood ang videong kinuhanan niya kanina.
Tinitignan naman siya ng masama ni K "Hoy, vhong! Para kang sira ha. Bura mo na nga yan! Para pala talaga kameng naghahalikan jan eh." Sabi ni K na pilit ng inaagaw ngayon ang cellphone ni Vhong.
"Ayoko nga. Kita mo oh, may pa sound sound pang tsup tsup." Humalakhal ulit si Vhong habang tinataas ang cellphone para di maabot n K
"Vhong, kase baka isipin ng tao may relasyon kame. Hahahahahahahahah. Nakakatawa satin pero alam mo naman pag pinost mo yan yung ibang madlang pipol iba iisipin. Gagawa na naman sila ng storya." Tumatawang sabi ni K na pilit parin inaagaw ang cellphone.
"How sweet. Nakatulog ako sa sofa kakahintay sayo, wala akong natanggap ni tawag o text mula sa'yo. Tapos magigising ako dahil nilalapa na ako ng mga langgam dahil sa inyo ni Vhong." Gulat na gulat lang naman sina K at Vhong habang nakatingin kay Vice na akala mo'y isang bangkay na kakaahon lang sa lupa. Bigla namang tinignan ni Vice ang hawak ni Vhong na cellphone na pilit na kinukuha ni K na siyang dahilan para magdikit din nang katawan sina Vhong at K.
"Anong Video yan? Sinong kahalikan mo?!" Galit na tanong ni Vice. Dun naman natauhan sina Vhong and K at tarantang naghiwalay.
"Ha? Wala yun. Diba, vhong? Paalis na din siya, Vice. Good night, vhong." Tuloy tuloy na sabi ni K at pilit tinataboy si Vhong
"Good night kiss ko muna, bruh." Mapang asar na sabi ni Vhong na sinulyapan pa si Vice sabay tingin kay K
Akma namang hahalikan na ni K si Vhong nang biglang hinablot ni Vice ang t-shirt ni Vhong at inagaw ang hawak netong cellphone at agad iplinay ang videong sinasabi ni vhong.
"Pag ako naging lalaki, hahalikan ko nang ganito si Karylle sa harap ng napakaraming tao." Sabi ni anne sa video na halatang nakainom na ito. Kitang kita ni Vice kung paanong hinila ni Anne ang bewang pati na rin ang mukha ni karylle papalapit sa kanya at hinalikan na agad si Karylle sa mga labi. Bigla din namang kumapit ang isang kamay ni Karylle sa mga braso ni anne at papuntang ulo ni anne na akala mo'y dinidiinan pa ang halikan nila. Kung di mo sila kasama sa mga oras na yun masasabi mong naghahalikan talaga ang dalawa dahil may tunog pa nga ito. Pero hindi naman talaga sila naghahalikan, ang mga tunog ay nanggagaling sa daliri nila. Sinisipsip kase nila ito kaya akala mo'y naglalaplapan talaga ang dalawa.