PROLOGUE

9 0 0
                                    

"Is there any way para hindi mo ko iwan?" Kahit nakayuko ako, ramdam kong napahinto siya sa paglalakad palayo sa akin nang bitawan ko ang mga salitang 'yon.

Dama kong anytime mababasag na ang boses ko sa sobrang bigat ng pakiramdam, pero hinayaan kong banggitin ng bibig ko ang tunay na nararamdaman ng puso ko.

"Is there any way... para hindi ka mawala?" By that question, unti unti siyang lumingon sa akin. At nang makita kong nakangiti siya, tuluyan nang pumatak isa-isa ang mga luha ko.

Mga luhang kay tagal kong inipon...

"Feb..." tawag niya sa akin. Ilang metro na ang layo namin sa isa't isa pero boses lang niya ang gusto kong pakinggan. "...hindi ako pwede mag-stay sayo habang buhay. Ayokong mamatay ka. Ayokong ako ang maging dahilan ng kamatay---"

"Hindi sinabi ako mamatay!" Sigaw ko sa kanya that caused his statement to be interrupted. "At kung kamatayan ang kapalit para lang makasama ka, handa akong gawin yun!"Hindi ko na mapigilan. Sunod sunod na ang pagpatak ng mga luha ko at basag na basag na ang boses ko.

"Kung kinakailangan kong manatiling gising sa gabi, o alisin ang umaga at hapon sa mundong 'to, wag ka lang mawala, Solis!" Oo, desperada na ako. I know this words and actions are so selfish pero paano naman ako? Sorry, universe. Pero sobrang mahal ko ang lalaking 'to.

"But this world needs me, feb.. I need to fulfill my duty as their sun. Kailangan kong bumalik sa tamang oras..."

Napatingin ako sa suot kong relo at nakita kong 5:56 na nang umaga. I was shocked because until now, sobrang dilim pa rin. Parang napakalalim pa ng gabi dahil walang kahit anong aninag ng araw.

This realization caused ne to cry more. Of all people... why this universe let me fall for someone that is so impossible to reach? Bakit sa dinami rami ng tao, sa isang "araw" pa ako mahuhulog ng ganito?

"I really need to go, feb... Babalik ako mamayang 7:00 ng gabi. Okay?" Hindi pa ako nakakasagot ay nagmamadali na siyang maglakad papalayo sa akin. Bawat hakbang niya napakabigat sa pakiramdam ko.

Nang halos hindi ko na sya maaninag ay bigla siyang nawala at napalitan ng isang malaking apoy na nagliliyab. Palaki ng palaki ang apoy at matapos ang isang minuto, mabilis na umakyat ang apoy sa langit. Napakabilis na halos wala pang isang segundo.

Kasabay ng pagakyat niya ay bigla nang nagliwanag. Tumingin ulit ako sa relo ko at 6:00 na ng umaga. Maliwanag na ang paligid at nabigyan na ng kulay ang mga punong nakapaligid sa amin kanina. Umaga na, pero para sa akin ang dilim pa rin.

What's good in my morning? Wala na naman siya. Ilang oras ko na naman siyang di makakasama dahil kailangan siya ng mundong 'to. Kailangan ng mga taong maramdaman ang init at liwanag na dinudulot niya.

"My sun..." Bulong kong sambit sa sarili habang nakatingala sa langit. Hindi ko man makita ang kabuuan niya, pero kahit papano ay kontento na akong malamang nandyan siya.

Yes, he's literally here. Not his physical human feature, but his original design.

I can see the light and feel the heat, so is he.

Nandito siya, nasa kalawakan.

He's not an alien. Nor an astronaut. He's a star, literally the sun.

'Balang araw, magiging akin rin ang araw'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Solis' ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon