Melody's POV
After how many years, here i am standing infront of the woman i loved.. Yung nag-iisang taong minahal ko..
"Babe" paglapit ni Jhay sa'kin..
"ok lang ba to? Or ito?" still nakatitig pa din kami ni K sa isa't-isa..
"ah ito" sabi ko pa at binalik agad ang tingin kay K..
Si Jhay nakilala ko siya sa California, pinoy din at magkatrabaho kami.. He knows my story at nanligaw sya sa'kin. I told him i'm not yet ready kasi nga mahal ko pa si K..
Pero sabi niya why don't we give it a try, para daw mas madali kong makalimutan si K..
Kaya Um-oo ako sa kanya, naging maayos naman ang pagsasama namin pero may kulang pa din.. May kulang sa buhay ko,
"ahmm, here is my calling card if you want to talk" bigay ni K.. Kita ko ang lungkot at dismaya sa mukha niya..
"ok kalang Mel?" tanong ni Jhay, tumango ako pero sa totoo lang, hindi
Hindi ako okay, dahil nung nakita ko siya bumalik ang lahat. Ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya, ang pagmamahal ko ay nandito pa rin pala..
I thought okay na ako, mahigit isang taon na kami ni Jhay at akala ko na okay na ako kahit may kulang. Masaya naman pero still may hinahanap ako.. Pero namuhay ako ng ganun at natuto akong makuntento.. Si Jhay ang taong nanjan sakin at taong umintindi sakin..
Minahal niya ako sa panahong hindi ko mahal ang sarili ko..
2 months na pala akong nakauwi dito sa Manila pero yung pamilya ko ay nasa probinsya, si Jhay naman sa kanila na umuuwi kaya ako lang mag-isa sa condo..
Nakauwi ako ng condo ko kasama si Jhay, hinatid niya din kasi ako..
"sigurado kabang okay kalang?" ngumiti ako sa kanya dahil alam kong alam niya na hindi..
"talk to her" ngiti niya at sabay halik sa noo..
Niyakap ko siya at di ko na rin napigilang humagulgol..
Hinayaan nya lang akong umiyak, hanggang sa mejo gumaan na din ang loob ko..
"mahal mo pa rin?" simula kasi nung sagutin ko si Jhay never ko nang na mention si K.
Hindi ako sumagot kaya ngumiti siya pero yung ngiti niyang malungkot. Nasasaktan ako na nakikita ko si Jhay na nasasaktan, kabila ng ginawa niyang kabaitan at pag-intindi ay ayokong suklian lamang ng sakit ang lahat ng yun
"i want you to be happy Mel.. Alam mo yan, mahal na mahal kita.. Kaya kung san ka masaya magiging masaya na din ako" mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya..
"mahal kita Jhay," yes that's true sa pagsasama namin natutunan ko siyang mahalin.
"pero mas mahal mo siya?" di ako nakaimik sa tanong niya..
"go Mel, find your true happiness" napaluha na din si Jhay dahil kahit alam kong nasasaktan siya ay kaligayahan ko pa rin ang iniisip niya..
"thank you Jhay"
---
It's been a week since nagkausap kami ni Jhay, at isang linggo na din akong nagmumukmok sa condo..
Alas onse na pero nakahiga pa din ako.. Walang ganang kumain..walang gana in everything..
Narinig kong may nagdoorbell kaya naman ay bumangon na ako sa pagkakahiga..
Baka si Jhay, siya lang naman ang may alam dito tsaka wala naman dito family ko..
Binuksan ko ang pinto at nagulat ako kung sino ang nasa harapan ko.
YOU ARE READING
Peculiar Love (gxg one-shot story)
RomanceHow can something so wrong feel so right? -COMPLETED-