10am nang magising si Father John sa ingay dahil sa katok mula sa pinto ng kanyang kwarto.
Napaunat ang binata dahil matagal na din siyang di nakakatulog ng buo dahil may schedule ang pag gising niya sa seminaryo dagdag din doon ay sa dinadala bigat ng loob dahil sa trahedya nangyari noon kanyang kabataan.
Talagang totoo nung sinabi niya na kailangan talaga niya ang alak.
Gusto sana niya humiga muna sandali at wag nang bumangon pa.
Nang biglang may kumatok ulit.
Papungas pungas na lumupit sa pinto ang binata at binuksan ang pinto.
Nakita niya si Aling Mercy.
"Father John pasenya na po kayo pero mayroon kayong bisita nasa ibaba"
Napaisip sandali si Father John.
Iniisip niya na baka si Rogelio ang bisita niya dahil nagpapasama siya sa mga baryo na nagsasabi na meron nabiktima ang mga aswang.
"Nakuha ninyo po ba ang pangalan niya".
Tinanong ni Father John si Aling Mercy kahit halos sigurado na siya na ang bisita niya ang kaibigang pulis.
"Babae po, kababata nio daw po ... Erika ang pangalan"
Di malaman ni Father John kung bat huminto panandalian ang pagtibok ng kanyang puso nung narining na si Erika ang bisita niya.
Di mapigilan ni Father John ang ngiti sa kanyang mukha.
Napansin ng binata na nakatingin sa kanya si Aling Mercy na tila kinikilig nung nakita nangumiti ang Pari.
Nabahala tuloy si Father John dahil alam naman natin bawal ang magkaroon ng kasintahan pag nagpari ka at dapat i-devote mo ang sarili mo sa serbisyo sa simbahan.
"Pasabi na po Aling Mercy e maliligo lang ako."
Pinilit burahin sa mukha niya ang tuwa na naramdaman at baka pagmulan pa ito ng tsismis.
Hinanap agad ni John and kanyang tuwalya at gamit pamligo at dali dali pumunta sa palikuran.
Inisip niya kung ano ang sadya ng kaibigang babae.
Pagkatapos maligo ay bumalik sa kanyang silid at nag handa ng maisusuot.
Isusuot dapat niya ang damit pang pari pero baka yayain siya ni Erika sa labas.
"Sana inalam ko muna kung ano ang sadya niya"
Sabi ni John sa sarili baka kasi masayang ang effort niyang manamit kung meron lang sasabihin o iimbitahin lang siya sa isang okasyon.
"Ah, alam ko na"
biglang natuwa ang pari sa naisip"tutal di pa ko kumakain ay yayain ko siya kumain sa Jollibee panigurado di siya tatanggi."
Sabi ng Father John sa sarili.
Noon estudyante pa sila ay lagi silang kumakain sa Jollibee.
Iyon na din ang nag sisilbing tambayan nila dahil wala naman mga Mall sa probinsya nila.
Dito rin namuo ang pagsasamahan nilang magkakaibigan.
At matagal tagal na din siya di nakakain dito.
Hinanap ni John ang pinaka paborito niyang polo at tinernohan ng bagong bili niyang pantalon at sapatos.
Isusuot dapat niya ang jacket pero baka maging "over dressed" naman siya.
Pinaligo din niya ang minsan lang gamitin na pabango.
Naisip niya baka makasalubong niya si Aling Mercy at maamoy siya at nag pasyang iwasan na lang niya ang Ale.
Tumuloy si Father John sa silid kung saan tumatanggap ng bisita.
Hinanap niya si Erika doon pero di nila niya makita.
Nang may kumalabit sa kanya mula sa likod.
Di muna humarap si Father John
Inisip niya na biruin si Erika tulad ng ginagawa niya nung magkasintahan pa sila kung saan mag fufunny face siya pag harap.
Tinupi niya ang pilik mata niya kasi takot na takot si Erika tuwing ginagawa niya iyon.
Nang hinarap na niya un kumalabit sa kanya ay nagulat siya na si Aling Mercy pala iyon
"Ay ASWANG.......AHHHHHHHHHHHH!!!"
Napasigaw tuloy ang matandang ale.
"Aling Mercy si Father John ito."
napahiya ang pari di niya malaman kung paano papatahimikin si Aling Mercy.Naisip na sana di na lang niya ginawa iyon tila nakalimot siya ay matanda na.
"SUSMARYOSEP!"
Kala ko may naka pasok na aswang.
Buti na lang ay di masyado natakot si Aling Mercy.
"Naku Father John kung hinahanap mo un bisita mo ay pupunta siya sa simbahan sumunod ka na lang dun."
Pagkatapos ay nag sign of the cross ang matanda at umalis na.
Napakamot tuloy ng ulo si John napagtanto niya na nakalimot siya na pari na siya ngayon at di na siya binata mula sa San Allegre.
Dumeretso si Father John sa simbahan at hinanap si Erika.
Madami dami din nag sisimba noong oras na iyon.
Natagalan din siya sa paghahanap dahil puro naka belo ang mga matatandang babae deboto.
Nang napunta ang atensyon niya gilid sa pinaka malapit sa altar.
Nakita na niya si Erika na nakaluhod na nag darasal ng taimtim.
Nakasuot ang dalaga ng puting blouse at naka palda ng dilaw. bumagay sa kanyang itim at mahaba buhok.
Parang slow motion lumapit si Father John sa kina pwepwestuhan ni Erika at habang palapit siya rito at napaisip siya na pano kung di siya umalis ng San Allegre.
Pano kung tinanggap na lang niya ang nangyari sa pamilya niya at nagpatuloy sa manirahan dito.
Di kaya nagkatuloy sila ni Erika at nagroon ng pamilya.
Pero malayo mangyari iyon dahil isang taon pagkatapos mamatay ang kanya ama sumunod na din ang kanyang ina dahil na nagkasakit siguro sa sama ng loob.
Simula noon ay si Father Daniel na ang sumalo sa kanya.
Kaya nagpasya siyang pumasok na lang sa seminaryo.
" Erika"
tinawag ni Father John ang dalaga.biglang napatingala si Erika at ngumiti sa binata.
Iyon na yata ang pinaka magandang nakita ni Father John sa buong buhay niya.
Parang nakakita ng anghel si John nung oras na yon.
"Ano ginagawa mo dito".
Wala maisip na sasabihin ang binata niya kaya iyon ang lumabas sa bigbig niya.
"Baket masama ba bisitahin ang kaibigan ko."
pabulong sinabi ng dalaga dahil nasa loob pa sila ng simbahan.Di alam kung ano ang gagawin ni Father nakalimutan na neto na yayain niya si Erika kumain sa labas.
"Tara lumabas tayo sa simbahan di tayo makaka pag usap mabuti dito".
hinawakan ni Erika ang braso ni Father John akto niyaya nito palabas ng simbahan.Biglang parang may kuryente ang kamay ng kaibigan babae.
Kahit nun bata pa sila ay ginawa na ito ng magkaibigan kaso matagal tagal na din sila di nagkikita kaya di na sanay si John kaya naninibago tuwing nagdidikit ang kanilang balat.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)
HorrorBumalik sa baryo San Allegre si Father John upang maglingkod bilang pangunahin pari. Kasama nito ay ang bitbit niyang masamang karanasan sa misteryong lugar. Hindi lang pagbibigay ng misa sa simbahan ang pakay ni Father John. kasama na din dito an...