Nailang si Father John dahil hawak ng dalaga ang braso niya noong palabas ng simbahan.
Minasid ng binatang pari kung meron nakatingin sa kanila pero laking pasasalamat na lahat ng tao sa simbahan ay naka pikit at nagdarasal.
Nung nasa gate na sila malayo sa San Agustin Church
Dun kinausap ni Father John si Erika
“San tayo?”
Sabay hinawakan ni John si Erika sa likod para mawala sa pagkakahawak ng dalaga sa kanyang braso.
Biglang pumara ng pampasaherong Jeep si Erika.
“Dun tayo sa lagi natin kinakainan”
sabay niyaya ni Erika sumakay ng sasakyan.
Di na nakasagot si John at sumakay na lang din ng jeep.
“Sabi ni Aling Mercy di ka pa nag aalmusal”.
Mukhang parehas sila ni Father John na balak kung saan sila kakain
“Bat ikaw kumain ka na ba?”
Eto lang ang naisip ni John sabihin kay Erika.
Tila nagtataka pa din kung bat siya dinalaw ni Erika.
Taliwas sa kanyang inaasahan.
Expected ni John na may sama ng loob sa kanya ng dating kasintahan dahil sa pag alis niya ay di man lang pagpaparamdam nung nandoon siya sa Maynila.
“Nagkape lang ako.”
malamyang sagot ni Erika na parang di pa din siya nagbabago.Parang hindi sila nagkalayo ng matagal na panahon.
Pumara si Erika sa bayan ng San Allegre kung saan dun din bumili sila Mang Jose at Father John ng mga damit nung dumating siya.
Pumasok sila sa Jollibee at napansin ni John na naparaming tao dahil malapit nang mag alas dose.
Pumila na ang dalawa sa counter.
Naghanap nang mauupuan si John.
Pero napansin siya ni Erika
“Sino hinahanap mo?”
Sabay dugtong na
“Si Cynthia, wala na siya dito nagpunta na siya sa Maynila kasama un napangasawa niya?”
Si Cynthia ay isa sa pinaka maganda babae nung high skul pa sila madami ang nag kakagusto dito kaya kilala niya ito.
“Naghahanap lang ako ng mauupuan baka maunahan tayo.”
Sa loob loob ni John na bumanat nanaman si Erika sa kanyang pagbibiro.
“Di na kailangan, i tatake out natin.”
Sagot ng dalaga.
“Saan tayo kakain.”
di alam ni John kung saan balak pumunta ni Erika.
Dahil lagi dito sila kumakain dahil aircon sa loob ng fastfood store at di na nila kailangan ligpitin pagkatapos nilang kumain.
“Alam mo ba un dating kambingan ni Aling Roberta.”
sabi ng babae sa kaibigan
“Ah un mayamang matanda ba?”
habang iniisip kung saan nga ba nakatira si Aling Roberta.
“Oo, un nga! namatay na kasi siya at pinagkasunduan ng mga anak nito na ipaupahan ang kalupaan nila.”
Nakangiting kwento ni Erika parang sabik na ipakita ang lugar na pupuntahan.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)
HorrorBumalik sa baryo San Allegre si Father John upang maglingkod bilang pangunahin pari. Kasama nito ay ang bitbit niyang masamang karanasan sa misteryong lugar. Hindi lang pagbibigay ng misa sa simbahan ang pakay ni Father John. kasama na din dito an...