CHAPTER 02

11.1K 334 51
                                    

CHAPTER TWO

-DIAMANTINA'S POV-

"ISANG malaking asteroid ang inaasahang babagsak sa Earth sa susunod na dalawang araw! Ito na nga ba ang katapusan ng sangkatauhan? Ehem! Ehem! Excuse me po! Pinapayuhan ang lahat ng tao na... magsisi na sa lahat ng inyong kasalanan! Magsisi na kayo! Magsisi na tayo-"

Napamaang ako nang biglang kunin ni Tita Purisima ang remote at pinatay ang TV. "Tita? Bakit niyo po pinatay? Can't you see, watusi, nanonood pa kaya ako. Saka, don't you hearing sa balita ni Mike Enriquez na may babagsak daw na asteroid dito sa Earth!" sabay tayo ko at agaw ng remote kay Tita Purisima.

Pero inagaw niya agad iyon sa akin. "At naniwala ka naman, Diamantina? Kada-taon lagi na lang sinasabi na magugunaw ang mundo pero hindi naman matuloy-tuloy! 'Wag mong intindihin 'yan. Teka, bakit nanonood ka ng TV? Tapos ka na ba sa paglalaba?"

"Of course yes, tita. I am finish na sa laundry. Maisampay ko na nga sa kable ng kuryente, eh."

"Good! Oo nga pala, bukas ay 'wag kang lalabas habang nandito ang mga bisita ko bukas. Ayokong malaman nila na may chaka akong pamangkin! Doon ka muna sa basement hangga't hindi umaalis ang mga bisita ko!"

Haaay... 'Ayan na naman si Tita Purisima.

Talagang hanggang ngayon ay ikinahihiya pa rin niya ako. Ganiyan talaga si Tita, masyadong perfectionist kaya 'ayan tuloy, hindi na nakapag-asawa. Hinihintay yata na dumating ang perfect guy para sa kanya, eh, wala namang ganoon, 'no!

"Okey po, tita..." sabi ko na lang pero sa totoo ay nasaktan ako sa pinapagawa niya sa akin. "Teka, sino nga po pala ang bisita niyo bukas?"

"Ang high school classmate ko na si Adelaida!" Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Tita Purisima pagkasabi niya ng pangalan na 'Adelaida'. Parang naging kamukha niya si Manny Pacquiao kapag lumalaban ng boksing.

"Sino pong Adelaida?" tanong ko.

"Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakapag-asawa! Ang aking BFF!"

"Best friends forever?"

"Hindi! Best fake friends!" at umangil pa siya na parang tigreng gutom!

RAWR!

-ASTON'S POV-

"MOMMY, dapat pa ba nating ituloy ang pagpunta nating ito sa Calamba? Hindi mo ba napanood 'yong sa news kanina? May babagsak daw na asteroid dito sa Earth anytime!" sabi ko kay Mommy Ade habang nagda-drive ako ng kotse namin papunta sa Calamba, Laguna.

"No, mi unico iho! Wala akong pakialam kahit ang buwan pa ang bumagsak dito sa Earth basta tuloy tayo kay Purisima. Excited na akong ipagmalaki sa kanya ang kayamanan ko! Dati, palagi niya akong iniingit sa mga ribbon niya na mamahalin. Ngayon, tingnan natin kung sino na ang mas rich sa aming dalawa!" At malakas pa siyang tumawa.

Napailing na lang ako sa sinabi ni Mommy Ade.

Aminado naman ako na mayabang talaga ang nanay ko pero mas yumabang siya ngayong mayaman na kami. Pero kahit ganiyan 'yan, eh, mahal na mahal ko iyan. Hindi naman maikakaila na siya ang nagbigay sa akin ng buhay. Naks!

Maya maya ay bigla akong nagtaka nang biglang dumilim ang kapaligiran. Dahil sa pagtataka ko ay sandali ko munang inihinto sa tabi ng kalsada ang kotse.

"Hey, unico iho, bakit mo inihinto ang kotse?" tanong ni Mommy Ade at nagsuot siya ng shades na kasing laki yata ng plato.

"Eh, bigla po kasing dumilim, eh! Tingnan niyo."

"Sinasabi ko na nga ba, mi unico iho! Sa sobrang bagal mong mag-drive, inabot na tayo ng gabi!"

"Mommy, hindi po tayo inabot ng gabi. Seven pa lang ng umago, oh!" sabay pakita ko sa kanya ng wrist watch ko. "Parang may eclipse na ewan..."

Ang Tangeng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon