Paalam na PAMBABAEng Eskwelahan

347 8 0
                                    

Nasa Pambabae akong Eskwelhan

If you're not the One


Wendyl's PoV

Narinig ko ang lahat. Narinig ko ang mga bagay na pinaguusapan nila matapos mailagay sa akin ang ispirito ni Kurt. Ramdam ko ang pananabik ni Kurt sa mga kapatid at magulang nya. Si kuya Kurt pala ang dahilan kung bakit ko nakita si Yohan sa isipan ko, ang alam ni kuya Kurt ay naging kambal na sila ni Yuan at iyon ang pilit nyang itinatak sa aking isipan pati na rin ang pagkakataong pakiramdam kong kilalang-kilala ko na si Yohan.

Lahat din ng alam nya ay nalalaman ko wala syang itinatago sa akin. At iginagalang ko iyon.

At dahil sa mga alam nya, kahit na natutulog ako, nalaman kong ikakasal sa iba si Rhianna at nasasaktan ng husto si Al. Pati na rin ang pagpapakasal ni Ro sa lalaking matagal ko ng kinaiinisan.

Oo nga't kapatid nya ang nasa loob ko noon pa dahil kalahating patay na daw ako at kung mawawalan ako ng ibang kaluluwa sa katawan ko makokocomatose ako at baka hindi na mabuhay pa. Pero ang pagmamahal ko kay Ro ay totoo. Nakita ko kung sino sya. Nakilala ko ang tunay na sya. Ang babaeng hinahangaan ko dati ay ang babaeng minamahal ko ngayon.

Nawalan ako ng ala-ala sa pagkawa ng kaluluwa ng kapatid nya sa akin pero doon ko sya muling nakilala at ako ang nagmahal sa kanya ngayon at hindi ang kapatid nya.

Gusto kong ayusin ang lahat. Ang sabihin sa kanyang ako pa rin ito. Ako si Wendyl at mahal ko sya pero parang naduwag ako ng malaman kong wala rin pala akong pag-asa.

If she's not the one, anong gagawin ko? Kung ayaw nya talaga sa akin susuko na lang ako. Pero nakita ko si Al. Nasaktan sya ng sukuan sya ni Rhianna. Masasaktan din ako kapag sumuko ako.

Nalilito ako. Gusto kong lumaban gusto kong ipaglaban ang pagmamahal ko kay Ro....

........ pero may sulat na dumating galing Macau.

Isang sulat na nagpabago sa akin at sa aking nararamdaman. Sa aking kaisipan at sa aking pinakaiingatang puso.

"Dearest Wendyl,

             I am the butler of Miss Ella Rose and I would like to inform you that you'll be having a son after seven more months because she's pregnant with your sprout.

              I am willing to give the medical attention but I hope you'll consider this child because if you won't I am willing to kill your clan and even you're beloved woman in that school. I'm still watching you Mr. Cañesarez so please reconsider.

 

Sincerly yours,

Alberto Valentino

Butler of Von Valfored family"

Natutulog noon si Ro ng matanggap ko ang sulat at nanginig ako sa galit, takot, pangamba at pag-aalala kay Ella.

Matagal ko ng kakilala si Ella at sya ang first ko. Mahal ko sya pero hindi katulad ng pagmamahal ko kay Ro. Two months ago ng may nangyari sa amin at narito na ako sa paaralan. Yun yung time na nakalabas ako ng ospital at nagawa kong tumakas at magpunta sa boarding house ni Ella. Gusto kong sabihin na mahal ko sya noon pero ayaw nyang magkaroon ako ng koneksyon sa kanya dahil nalaman nya ang tungkol kay Ro.

Nasaktan ako at sa galit ko ginamit ko ang sandatang alam kong kaming mga lalaki lang ang makakgamit. Mali pala ang ginawa ko. Minahal ko ang babaeng nangangalang Ro panakip butas man kung iisipin pero minahal ko talaga si Ro at alam kong maibabalik nya ang pagmamahal kong ito hindi tulad ni Ella.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon