CHAPTER ELEVEN

75 27 29
                                    

# PILY11

"Ma, I'm home." I said as I enter our house.

Wala si Mama sa sala, even Kuya was not around but I didn't mind it at all because what caught my attention is the covered dress in a mannequin in front of me.

I literally had my mouth opened as I slowly unzipped the cover.

"Oh my..." It was a beautiful yellow cocktail gown.

I didn't expect this. I didn't even tell Mom to buy me one for our prom. I'm planning to wear the one I had from my last year's birthday but....

"Anak andyan ka na pala." Mom appeared from the stairs.

Patakbo akong nagtungo sa kaniya at niyakap siya.

"Ang ganda Ma."

"Nagustuhan mo pa?"

I nodded countless times. I'm so happy of it.

"I didn't even tell you. Paano mo nalaman?"

Mom caressed my hair. "Of course they mentioned it at the meeting. Alam kong busy ka kaya ako na mismo ang pumili."

She's right. I was busy that the day before Intramurals ko lang ulit naalala ang about sa prom.

"But I didn't ask you to buy me this." Tiningnan kong muli ang damit

Hula ko mas mahal pa ito kaysa sa isang sakong bigas.

"Ayaw mo? Ibalik na lang natin kung ganoon."

Akmang isasara ni Mama ang zipper ng cover nang bigla ko siyang pinigilan.

"Ma naman. Andyan na yan, syempre yan yung jsusuot ko."

"Aigoo... my baby." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Koreana na rin siya?

Hindi ko na lang iyon pinansin at niyakap siya pabalik.



"Wow ang ganda mo anak."

I smiled at her before I faced my cousin who is a make up artist. "Thank you couz."

"Wala yun. Oh siya mauna na ako bakla may beauty pageant pa ako." Nagpaalam na rin ito kay Mama bago umalis. They both went outside my room.

Tumayo ako at pinagmasdan ang kabuuan ko. I look dazzling. Para akong modernize Belle ng Beauty and the Beast.

"Titingnan mo na lang ba ang sarili mo na parang tanga dyan."

Napalingon ako sa pinto at nakitang nakatayo Doon si Kuya. Nakabihis din ito.

"Bakit ba kailangan mo pa akong ihatid?" Reklamo ko habang pababa kami ng hagdan. Muntik pa akong matumba dahil sa pagmamaktol love. Nakalimutan kong naka 3-inches heels nga pala ako.

"Utos nga ni Mama, sumakay ka na."

Napahinto ako. Seryoso? Kaninong sasakyan ito? Ang haba naman ng hair ko. Kalesa nga lang yung sinakyan ni Belle tapos ano di-kotse na. Napahagikgik ako. Modernize nga pala.

Atsaka mas okay nga ito kaysa sa sumakay ako sa tricycle o sa motorsiklo niya!

"Blaire ano ba?! Para kang tangang tumatawa ng mag-isa!"

I just rolled my eyes in him.  Bad mood na naman. Nag-away siguro sila ni Kate o kung sinong malas na babae yun.

"Sumakay ka kay Shan mamaya. Pagkatapos na pagkatapos umuwi ka kaagad. Huwag kang magkakamaling gumawa ng mali dahil malalaman ko rin Blaire, tandaan mo yan."

Project: I Love You (Academic Strand Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon