THIRD PERSON POV
Kerk already knew the past of Terra and it was the guy who have been searching for her in a long time after the break up subalit hindi niya alam ang nasa loob ng nakaraan ni Terra. Nakita niya at narinig pero hindi pa kumpleto ang mga detalyeng nais niyang malaman.
Sa malamig na hangin na madahang tumatama sa mga dahon ay unti-unti ng umiinit dahil sa nalalapit na summer. Ang buwan na pinaka hihintay ni kerk..ang buwan na itinalaga ng doctor para sa paggising ng matagal na niyang hinihintay.
Nakaupo siya sa tabi ni terra habang nakatitig sa mukha nito at siya ay may malalim na iniisip samantala.. Ipinark ng lalaki ang kotse niya at sa paglabas niya ay may dala siyang bulaklak at prutas. Sa tangkad niya at matipunong katawan ay bagay na bagay ang suot niyang white long sleeves at pants na lalo niyang ikinagwapo. Sa bawat kanto ng hospital ay may bumabati sa kanya, popular na siya dito dahil sa laging pagdalaw niya sa kanyang girlfriend na si Nancy na kasalukuyang hindi nakaduty sa hospital.
Tumigil siya sa tapat ng Room 305 at tinitigan ang pangalan ni Terra Kumiko. Huminga siya ng malalim at saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Napatingin sa kanya si kerk at saglit silang nagkatitigan.
* * *
♪Iniwan ka na ng eroplano
Okay lang baby, wag kang magbago
Dito ka lang humimbing
Sa aking piling antukin..
Kukupkopin nalang kita
Sorry wala ka ng magagawa
Mahalin mo nalang ako ng sobra-sobra
Para patas naman tayo, diba? ...♪
Nasa isang coffee shop sila na pinakamalapit sa hospital. Andoon sila para mag-usap at nakatitig si Kerk kay Junn na umiinom ng kape.
"Salamat." Napakunot ang noo ni kerk sa sinabi nito.
"Salamat sa pag-aalaga mo sa kanya. Salamat dahil hindi mo siya pinabayaan. Salamat dahil hindi mo siya sinaktan at Salamat dahil nakilala ka niya. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa kanya."
"Matagal ko siyang hinanap at ngayon na nakita ko na siya. Masaya na ako lalo na at andiyan ka sa tabi niya. " dagdag na sabi ni Junn at si Kerk naman ay nakatingin lang sa labas ng coffee shop at pinapanood ang mga dumadaan.
"Wag kang mag-alala, hindi ko naman siya babawiin sayo." Natatawa nitong sabi muli. Napatingin sa kanya si Kerk.
"Alam mo bang sa paggising niya..ikaw ang kanyang hahanapin at hindi ako. Ikaw ang tatanungin at hindi ako. Ikaw ang nakaraan at ako ang kasalukuyan." Sagot ni Kerk na ikinatahimik ni Junn.
"Bakit mo pa siya hinanap?" Tanong ni kerk. "Mahal mo pa ba siya?" Dagdag niyang tanong na ikinatawa ni Junn.
"So, natatakot kang ako na nasa nakaraan ang gusto niyang makita? Natatakot kang baka mahal ko pa siya at agawin ko siya sayo? Ha. Hindi nalang ako magpapakita sa kanya oras na magising si Terra. It's my pleasure to meet you, kerk. " sagot nito at saka lumabas na ng coffee shop.
Si Kerk naman na pagkarating niya sa bahay ay nagbasag ng gamit dahil sa galit niya sa kanyang sarili at dahil sa takot na kanyang nararamdaman. How he wished na wag nalang si Terra magising para hindi siya masaktan pero sa kabila ng kanyang nararamdaman, gagawin nalang niya ang lahat para sa kanyang mahal.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover