Tagu-taguan
Maliwanag pa sa buwan
Ganyan ang aking nararamdaman
Na hanggang ngayon ay hindi mo nalalamanPagbilang kong tatlo
Sana'y mabatid mo
Na ikaw lamang ang itinatangi koIsa, dalawa, tatlo...
Ako sana'y dinggin moTagu-taguan
Sa ilalim ng liwanag ng buwan
Doon ko sayo ipinaalam
Ang aking nararamdamanPagbilang kong tatlo
Bakit bigla kang lumayo?
At ako'y iniwan mong luhaan at bigoIsa, dalawa, tatlo...
Ngayo'y nalaman ko
Nagkamali ako
Na ikaw ang minahal koTagu-taguan
Kasing lamlam ng sinag ng buwan
Ganyan ang aking naramdaman
Simula nang ako'y iyong iwanPagbilang kong tatlo
Ikaw sana'y malimot ko
Gayundin ang nararamdaman ko
Na kay tagal kong itinagoIsa, dalawa, tatlo...
Sana'y sa pagdilat ko
Ang alaala mo
Ay tulad na lamang ng mga ordinaryo--𝒜𝓃ℊℯ𝓁 ℐ𝓃𝒻𝒾𝓃𝒾𝓉𝓎🦋
