Mga alaala na lamang ang natira
Ang pintuang bukas ay tuluyan nang isinara
Salitang "tayo" ay tadhana na ang nagbura
Goodbye, paalam na, adios, sayonaraPaalam na sa ating dalawa
Sa relasyon na minsa'y naging sisidlan ng tuwa
Ngunit ngayon ay naubos na ang tawa
At ang dating masaya ay tuluyan nang nagsawaPaalam na sa masasayang larawan
Sa mga litratong bakas pa ang pagmamahalan
Bawat sandaling kasiyahan ay hindi mailarawan
Bahagi ng nakaraang kay sarap balikanNgunit ngayon ay lumipas na ang lahat
Bawat kilig at saya ay hindi naging sapat
Matatag na pagsasama ay napuno na ng lamat
Wala na ang pag-ibig sa aking pagdilatPaalam na sa ating dating tagpuan
Sa lugar na naging saksi sa ating mga suyuan
Suyuan na ngayon ay nauwi sa pamamaalam
Suyuan na sa alaala na lamang maaaring balikanPatawad kung hindi ko na kaya pang lumaban
Patawad kung pagsuko na lamang ang aking paraan
Sa laban patungo sa walang hanggan,
Ako ay hanggang dito na langDito sa lugar kung saan hindi ako masasaktan
Handa na akong kalimutan ating mga nakasanayan
Sa mundong nasakop ng isa't isa ay dapat nang mamaalam
Palayain na ang mga pusong bihag ng kalungkutanSalamat sa iyo sa huling pagkakataon
Salamat sa masasayang alaala ng kahapon
Sa pagsasama natin ay ito na ang dapit-hapon
Paalam na sa iyo at sa ating maliligayang panahonAng pangakong walang hanggan ay umabot na sa dulo
Panahon na para wakasan ang ating kuwento
Mananatili pa rin ang mga salitang "ikaw" at "ako"
Ngunit kailangan nating tanggapin na wala nang tayo--𝒜𝓃ℊℯ𝓁 ℐ𝓃𝒻𝒾𝓃𝒾𝓉𝓎🦋
