Dalawang tao na magkaiba ang mundo
Pilit pinagtagpo ng tadhanang mapaglaro
Ikaw at ako ay naging konektado
Ngunit hindi ko akalain na saglit lamang pala itoHindi ko maisip kung paanong ang isang tulad mo
Ang nagpabago sa buhay ko
Isang estranghero ang bumago sa aking mundo
Mundo na noong una ay kuntento
Pero nung dumating ka, ang salitang lungkot ay naglahoIsang taong hindi ko alam ang tunay na pagkatao
Totoong mukha ay nakatago
Nagkakanlong sa makisig na litrato
Tunay na pangalan ay nagkukubli sa pangalang inimbento
Pero bakit nahulog ang loob ko sa iyoIsa lang ang alam ko
Nagmamahal na nga ako ng isang estranghero
Isang nilalang na ang katauhan ay nananatiling misteryosoPero sadyang napakadaya ng mundo
Bakit tayo pinagtagpo kung sa huli ay magkakalayo
Simula pa lang ng ating kuwento
Pero bakit nandito na tayo sa duloHindi ko man lang nakuha ang sagot sa tanong na sino
Sino nga ba ang taong minahal ko?
Sino nga ba ang estranghero na naging unang pag-ibig ko?Gayon ma'y naniniwala ako
Na balang araw ang mga landas natin ay muling magtatagpo
At sa sandaling iyon, ika'y hindi na lamang estranghero
Isa ka nang totoong tao na mamahalin ko
Hihintayin ko ang estranghero na naging kasuyo ko
Isang espesyal na estranghero na mananatili sa puso ko
Estrangherong kailanman ay hindi ko malilimotAt sa susunod na buhay ko
Ikaw pa rin ang estrangherong pipiliin ko--𝒜𝓃ℊℯ𝓁 ℐ𝓃𝒻𝒾𝓃𝒾𝓉𝓎🦋